Chapter 7

41.1K 927 62
                                    

TINANONG niya ang mga ito kung anong kulay ng balahibo niya nang magawa ni Primo na i-shift siya nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TINANONG niya ang mga ito kung anong kulay ng balahibo niya nang magawa ni Primo na i-shift siya nito. Sinabi ng apat sa kaniya kulay puting-puti ang balahibo niya at may bahid na kaunting asul.

"Ngayon lang kami nakakita ng katulad ng balahibo mo," Indigo said.

"It was beautiful, N," dugtong pa ni Gunner sa sinabi ni Indigo.

"So mesmerizing," ani Apollo.

"But Alpha came to us and pinabalik ka niya agad. Saglit lang namin nasilayan ang kagandahan ng balahibo mo," paliwanag ni Echo sa nangyari.

"I can shift naman," wika niya sa mga ito. Ngunit sabay-sabay nag hindi-an ang mga ito sa kaniya. Hindi niya maiwasan na malungkot sa narinig.

Napansin iyon ni Gunner at nilapitan siya. "Don't get us wrong. We love to see your wolf form but we need to be careful for now."

Nginitian niya ito para ipakita naiintindihan niya ang ibig nitong sabihin sa kaniya. "Thanks."

"Guys, let's go to lake and swim." Pinanuod niya na masayang sumunod ang dalawa kay Apollo.

Lumingon pa saglit si Indigo sa gawi niya at niyaya siya nito. Nahihiya na tumango siya rito pagkatapos ay bumaling siya sa gilid niya kung nasaan si Gunner.

Narinig niya ang ilang sanga na inuupuan nito nang tumayo ito sa gilid niya. Susunod na sana ito sa tatlo nang hawakan niya ang kamay nito para pigilan.

Lumingon ito sa kaniya. Nakita niya rin sa gilid ng mata niya na sumunod na si Indigo sa dalawa. Kaya, silang dalawa na lang ni Gunner ang natira.

"Bakit?"

"H-Hindi ako marunong lumangoy."

She heard him chucked. "No worries. I got you."

Kinuha nito ang isa niyang kamay at tinulungan siya makatayo sa pagkakaupo niya sa lupa.

"Thanks," may hiya na pasasalamat niya.

RUMARAGASA ang malakas na tubig na nang gagaling sa itaas ng bundok pababa sa paanan ng sapa.

May kinang ang kaniyang mga mata nang makarating sila. Maingay ang tubig na bumabagsak. May ilan din hindi kataasan na mga malalaking bato ang nasa paligid.

Pinagmasdan niya ang malinaw na tubig. Nakikita niya ang sariling repleksyon nang tumapat siya rito. Sumalubong sa kaniya ang kulay asul niyang mga mata na nakatingin sa kaniya.

"Ang ganda," nabigkas na lang niya.

Naramdaman niya ang kamay ni Gunner na kanina pa nakahawak sa kaniya.

"Ang ganda," pag-uulit niya dahil sa sobrang ganda ng paligid. Hindi niya pa nasubukan na pasukin ang kaloob-looban ng kakahuyan lalo na hindi siya pinapayagan ng kaniyang ina.

NyebeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon