Chapter 15

36K 681 126
                                    

SA apat na sulok ng silid ay mapapansin dito ang kabuan na kulay pinaghalong brown at itim sa buong paligid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SA apat na sulok ng silid ay mapapansin dito ang kabuan na kulay pinaghalong brown at itim sa buong paligid. May green board sa unahan at lamesa sa gitnang bahagi.

Mapapansin ang kalumaan ng paligid pero kahit gano'n ay maganda pa rin itong tingnan.

May tag apat naman na mahabang lamesa ang mayroon sa loob. In total of eight long desk na kulay brown. Mataas ang mga ito kaya high chair ang mayroon.

Habang may ilang libro sa likuran at ilan na figurines ng bahagi ng buto at insekto ang naka display sa mga kabinet.

Sa lamesa ay may isang kulay itim na bowl na nasa gitnang bahagi habang napapalibutan ito ng iba't ibang uri ng halaman.

Nasa klase sila ngayon nang pagtuturo sa pag gawa ng mga gamot. Ang task na nakatuka sa kanila ay ang pag gawa ng gamot sa ubo.

Kumuha siya ng dahon ng oregano at inilagay ito sa bowl na kanilang pinapakuluan.

Sa kada lamesa ay may apat na estudyante ang nakaupo. By partner ang pag gawa ng isang potion.

Kinuha ng katabi niyang babae ang panandok at hinalo ang kumukulong tubig sa bowl nasa harapan nila. Kulay dark green na ito.

Nag pakilala ang partner niya na si Gemma. Isa itong half breed katulad niya. Sa labing pito niyang taon namumuhay, ngayon lang siya nakasalamuha na katulad niya.

Katulad nga nang sabi ng kaniyang ina ay mahirap ang buhay ng isang half breed kung wala itong maayos na mga magulang dahil hangga't ngayon may ilan pa rin ang hindi tanggap ang katulad nila.

Natuwa siya nang gusto nito makipagkaibigan sa kaniya. Ang sabi pa nito ay may kilala pa itong ibang half breed na nag aaral sa Greenville.

"Gusto mo sumama mamaya? Kikitain 'ko after school 'yong ibang kauri natin," ani Gemma sa kaniya habang hinahalo nito ang potion.

"I'm not sure, baka hanapin kasi ako."

"Don't worry, hindi tayo mag tatagal. Panigurado matutuwa sila kapag nalaman nilang may iba pang katulad natin na nag aaral dito."

"Matutuwa sila?" Nag aalangan niyang tanong dito. Minsan lang siya makarinig na may matutuwa na makilala siya lalo na isa siyang half breed.

"Oo naman! Sino ba naman ang hindi?"

Umiwas siya nang tingin dito at pinatitigan ang ilan nilang full blooded classmates. Malungkot naman siyang ngumiti kay Gemma at sinulat ang process ng ginagawa nila sa notebook.

NyebeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon