SA loob ng library ng packhouse ay nakakalat ang mga libro sa sahig, lamesa at sofa. Madalas napunta sila roon sa tuwing gumagawa sila ng homework sa school.
Nakapwesto sa study table si Echo at Gunner habang nasa sahig naman si Indigo at Apollo. Nasa sofa naman si Primo kung saan nakadapa ito habang may binabasang libro.
Nasa sahig naman siya nakaupo at nakasandal sa sofa kung saan nakadapa si Primo. Nakataas ang dalawa niyang binti at nakapatong ang librong sinasagutan niya rito.
"Hey." Tawag ni Primo sa kaniya.
"Hmm?"
Naramdaman niya na dumampi ang malambot nitong labi sa naka-exposed niyang braso. Pagkatapos ng isang halik ay nasundan ulit ito ng isang beses.
"I missed you." Anito sa kaniya at sa pangatlong pagkakataon ay dumampi ulit ang labi nito sa kaniya.
Lumawak ang ngiti niya nang marinig ito. Binalingan niya ito. She batted her eyelashes to him at nahihiya na sinagot ito.
"I missed you, too."
Tinitigan siya ni Primo pagkatapos ay umayos ito nang pagkakaupo. Inilagay nito ang binti sa magkabilaan niyang gilid at pinatong ang baba nito sa kaniyang balikat. Kinuha pa nito ang isa niyang kamay para hawakan ito.
"Gumagawa ako ng assignment."
"Yeah, I know."
"Wala ka na ginagawa? Tapos ka na sa binabasa mo?"
"Later." Bulong nito sa kaniya. Suminghot pa ito sa leeg niya.
"Stop flirting, Primo." Sita ni Echo sa lalaki nasa likuran niya.
Nang inangat niya ang tingin sa apat ay nakatingin na ang mga ito sa kanila. Namula ang pisngi niya nang dumako ang paningin niya kay Gunner. Naalala niya ang ginawa nila sa loob ng locker room.
"Kuya Indigo, pa-help naman po rito."
Umalis siya sa bisig ni Primo at namumula nilapitan si Indigo.
"Tsked."
Narinig naman niya ang pagtawa ni Apollo sa gilid ni Primo. Pinaglalaruan nito ang ballpen sa kamay habang may malokong ngiti na pinapakita kay Primo.
"Fuck you, Apollo." Tinaasan pa ni Primo ito nang middle finger.
Tawa lang ang naging sagot ni Apollo. Umalis naman nang upo si Primo at kinuha ang kaninang hawak na libro nito.
BINABASA MO ANG
Nyebe
FantasyFive wolves, one elf, and one hybrid. *** Si Nyebe Guiller ay isang kalahating lobo at kalahating fae. Ang matatandang puro ang dugo ay may galit sa mga hybrid dahil sinasabing sila ang patunay ng...