NASA mahabang lamesa ang ilang pack members naninirahan sa loob ng pack house. Nakaupo ang mga ito roon habang kumakain ng kanilang almusal.
Simula dati pa ay palagi na mag kakasabay kumain ang mga ito o kung sino man ang mapapunta sa loob ng pack house.
Ang ama niya ay madalas sa pack house nag tatanghalian habang siya naman ay sinasamahan ang ina sa kanilang tahanan.
Ngunit iba ngayong araw, sasabay sila mag almusal sa mga pack members.
Nakapuwesto si Primo sa dulo ng lamesa habang nasa kanan nito si Echo nakaupo habang sa kabilang dulo naman ay nakapwesto si Slate.
Nakita niya kanina na pu-pwesto si Slate sa tabi ni Leah kung hindi lang ito pinalipat ng ilang taga pack members na umupo sa dulo rin dahil nga isa itong prinsipe.
Si Slate 'yong tipo na walang pakielam kung sino ito. Kaya naninibago siya na makita itong ina-acknowledge nito ang pagiging prinsipe.
Tuluyan na siya lumapit sa mga ito at tumabi sa ina kung saan nasa kabilang gilid nito ang ama.
May mga plato nang nakahain sa unahan nila at sila na lang ang mag aasikaso na mag lagay sa kanilang pinggan nang kakainin nila.
Kahit ang magulang ni Primo ay kasalo rin nila ngayong umagahan.
Aabutin na sana niya ang kanin nang may mauna rito. Inangat niya ang paningin at sumalubong sa kaniya ang seryosong mata ni Indigo nakatingin sa kaniya.
Agad siya bumitaw dito at umiwas ng tingin kaso mali ang nagawa niya nang makita niya ang katabi nito.
Katabi nito si Riley. Ang mate nito.
Naalala niya ang nangyari kagabi. Kung paano siya pinaalis ni Primo. Nalungkot tuloy ulit siya nang maalala na may darating na babae para sa binata.
Nabalik lang siya nang manlaki ang mata niya nang maramdaman ang mainit na palad sa kaniyang binti.
Ngayon niya lang napansin na katabi niya pala sa gilid si Apollo dahil sa palad nitong dumapo sa kaniyang binti na kinagulat niya.
Inalis niya ito at pinatitigan ang magulang at ilang pack members naroon. Nang mapansin na si Indigo lang ang nakatingin ay nakahinga siya nang maluwag.
Pagkatapos ay masama niyang tinitigan si Apollo na may maloko nang ngiti naka paskil sa mukha nito.
"Primo, anak, hindi mo pa rin ba nahahanap ang magiging bagong Luna ng pack?"
Mabilis siyang tumingin sa ama ni Primo nang mag salita ito. Pagkatapos ay binalingan niya si Primo sa dulo na may mahigpit ang kapit sa babasaging baso sa kanan nitong kamay.
"Our pack needs their Luna, Primo." Saad pa ng ama nito.
"I know." Mayriin na sagot ni Primo.
BINABASA MO ANG
Nyebe
FantasyFive wolves, one elf, and one hybrid. *** Si Nyebe Guiller ay isang kalahating lobo at kalahating fae. Ang matatandang puro ang dugo ay may galit sa mga hybrid dahil sinasabing sila ang patunay ng...