MARIRINIG ang takbuhan sa kaliwa't kanan sa loob ng medical wing ng Redwood.
Habang nagmamadali at kinakabahan na binuksan naman niya ang isang silid naroon. Marami ang naaksidente dahil sa pagpunta ng mga ito sa lungga ng half-breeds.
Katulad ng sinabi ni Hell ay isang trap ang nangyari. Kahit handa sila ay hindi pa rin nila inasahan ang nangyari.
Natigil siya sa pagpasok sa silid nang mapansin may nakatalikod na babae ang nakaupo sa gilid ng kama.
Rinig na rinig niya ang pag-iyak nito habang mariin nakahawak sa kamay ng binata nakahiga sa kama.
"Echo, please, wake up," nangingig na saad ng dalaga.
Pinagmasdan niya ang likuran nito. May mahaba itong buhok na kulay ginto at ang kasuotan nito ay magara.
Kumikinang ang kulay gold and white na damit nito. Napansin niya sa braso nito na may arm bracelet pa ito.
Iiwan na niya sana ang mga ito nang tumunog ang pinto na isasara niya. Natigil siya sa kaniyang kinatatayuan habang nakatitig sa magandang babae nakatingin na sa kaniya ngayon.
Mugto ang mata nito at namumula ang labi. Tumaas ang kilay ng dalaga sa kaniya nang maistorbo niya ito.
"S-sorry, babalik na lang ako mamaya."
Isasara na sana niya ulit ang pinto nang marinig niya ang pagtawag nito sa kaniya.
"You're the future Luna, right?"
Binuksan niya ulit nang malaki ang pinto at pumasok sa loob. Ngumiti siya rito at tumango. "Yes, I am."
"Ikaw si Nyebe?"
"A-ako nga."
Pinahiran nito ang kamay bago inabot sa kaniya. "I'm Eish, Echo's mate."
"Ah, nice to meet you."
Binalingan niya nang tingin si Echo nakahiga sa kama. Matiwasay itong namamahinga pero makikita ang maraming pasa sa mukha at braso nito.
Hindi niya alam natagpuan na pala nito ang sariling mate. Walang sinabi sa kaniya si Primo at maski ito ay wala man lang sinabi.
"Echo still loves you."
Nabalik ang tingin niya kay Eish. Hindi siya makapaniwala sa narinig dito.
BINABASA MO ANG
Nyebe
FantasyFive wolves, one elf, and one hybrid. *** Si Nyebe Guiller ay isang kalahating lobo at kalahating fae. Ang matatandang puro ang dugo ay may galit sa mga hybrid dahil sinasabing sila ang patunay ng...