Chapter 21

35.6K 642 201
                                    

MAY malaking pagdidiwang ang nagaganap sa loob ng pack house nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MAY malaking pagdidiwang ang nagaganap sa loob ng pack house nila. Nabalitaan nila na buntis ang kanilang Luna kung saan magkakapatid na si Primo.

Nang malaman nila ito ay hindi maalis ang simangot ni Primo sa kanila.

Nasanay itong mag-isa. Sanay si Primo na ito lang ang anak ng magulang nito. Pero kahit gano'n, alam niyang masaya ito para sa magulang nito.

Kahit nakasimangot ang binata ay makikita pa rin dito ang excitement sa darating nitong kapatid.

Isa si Primo sa pinaka-sweet nakilala niya. Panigurado siya na aalagaan nito ang magiging kapatid.

Nabaling ang atensyon niya kay Apollo nang tawagin siya nito. Nang makalapit siya ay wala itong sinabi sa kaniya bagkus ay naglakad ito paakyat.

Nagtataka na sinundan niya ito. May salu-salo kasing nagaganap at baka hanapin siya ng magulang niya.

"Kuya, saan ba tayo pupunta?"

"Secret. Basta may kukunin lang ako."

Tumingin muna siya sa likod bago sundan si Apollo, paakyat sa itaas. Nag tataka siya nang palapit na sila nang palapit sa office ng Alpha nila.

"Kuya," mahinang tawag niya rito at baka marinig sila o baka may makakita sa kanila.

"Anong gagawin mo d'yan sa loob?" Mas binilisan niya ang mag lakad at pumasok sa loob ng office.

Mabilis ang tibok ng puso niya at sobrang kinakabahan siya. Hindi pa siya nakakapasok sa office nito dahil kapag pumasok ka sa loob ay ibig sabihin may kasalanan ka o may ipapautos sayo.

At ngayon ay nasa loob silang dalawa ni Apollo.

Umikot-ikot ang kaniyang paningin. Malawak ang loob. Maraming libro rin ang nasa paligid at maraming papeles ang nasa ibabaw ng lamesa nito.

"What are we doing here?" tanong niya ulit kay Apollo.

Nakita niya na lumapit si Apollo sa lamesa ng kanilang Alpha na nag pa-pawis sa kaniya ng malamig dahil sa sobrang takot at kaba.

"Pinahiram ko kasi kay Primo no'ng comics ko kaso ang loko binasa habang may nagaganap na meeting kasama ang Alpha."

Bubuksan na sana ni Apollo ang kabinet sa lamesa nito nang lumapit siya rito.

"N, anong ginagawa mo? Doon ka lang sa pinto, bantayan mo."

"Kuya, kinakabahan ako sa ginagawa mo. Umalis na tayo, kay kuya Primo mo na lang pakuha 'yan."

"Walang magagawa si Primo kung wala akong gagawin."

Kinakabahan na sumandal siya sa lamesa. Rinig na rinig niya ang pagikot ng kamay ng orasan sa dingding.

Pakiramdam niya kada segundo ay sobrang tagal na sa sobrang kaba niya.

"Actually," simula ni Apollo. Nilingon niya ito.

NyebeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon