Chapter 9

40.4K 799 41
                                    

NAPABALIKWAS siya ng upo nang tawagin siya ng kaniyang ina nasa kusina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAPABALIKWAS siya ng upo nang tawagin siya ng kaniyang ina nasa kusina. Nasa salas kasi siya at nanonood ng tv.

"Honey, don't forget tomorrow na pupunta tayo sa school mo. Nagpaskil na sila kanina na mag sisimula na ang panibagong klase niyo."

"Yes po, ma."

Matapos siya halikan ng lima ay hinatid na rin naman siya ng mga ito sa bahay nila. Simula rin noon ay kinakabahan na siya na baka malaman ng kaniyang ina ang kanilang ginawa sa kakahuyan.

Natatakot siya lalo na ayaw niya mapahiwalay sa mga ito.

Mabuti na lang at wala rin naman sinabi ang mga ito o nagpapahalata na may ginawa sila sa kakahuyan nang ihatid siya ng lima.

MAAGA umalis sila ng ina papunta sa school para mag register. May thirty minutes ang biyahe papunta sa Greenville University.

Pinagmasdan niya ang mga puno nadadaanan nila papunta. Matataas ang mga ito.

Ang Greenville ay tahanan ng mga witches at ito lang din ang nag iisang paaralan para sa kanila na hindi normal na mga tao.

Malayo sila sa lugar ng mga tao. Hindi rin nila pinapaalam sa mga ito na totoo sila dahil natatakot ang mga taga council na abusuhin ng mga tao ang mga uri nila.

Nabaling ang atensyon niya nang mapatingin siya sa malaking gate na papasukan nila. Nakasulat sa itaas ang pangalan ng school.

Tumuloy sila papasok sa loob.

May ngiti sa labi na pinagmasdan niya ang istraktura ng paaralan.

Ang mga tahanan sa Greenville ay gawa sa makalumang bato. Sa tuwing pasukan ay natutuwa siya dahil nakikita at napagmamasdan niya kung gaano ka-ganda ang buong lugar.

Parang may mga hari at reyna ang nakatira sa istraktura ng buong lugar. Ang pinagkaiba lang ay may halong moderno na ang paligid dahil na rin sa mga magic at potion na ginagawa ng mga witches.

Naghanap agad ng parking lot ang ina niya. Lalo na marami ang nag aaral sa Greenville University.

Nang may mahanap ang ina niya ay inalis niya agad ang seatbelt. Habang inaalis niya ay sumilip siya sa bintana at mapapansin na may ilan na rin estudyante ang nag aasikaso.

May apat na uri ang pumapasok sa Greenville. Iba-iba rin mga pack ang nag aaral dito.

Napatingin siya sa babaeng bampira na dumaan sa harapan nila. Mas matanda ito sa kaniya panigurado.

NyebeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon