SIMULA nang ipatawag sina Primo at Gunner ng Alpha Isaac ay hindi na nagpakita ang dalawa sa kaniya. Nabalitaan niya kay Echo na hindi sinabi ng dalawa ang totoong nangyari sa kanilang Alpha.
Nagalit si Alpha Isaac kaya pinagbawalan ang mga ito na makipagkita sa kaniya hangga't hindi sinasabi ng dalawa ang totoong nangyari.
Binalak niya sabihin sa Alpha nila ang totoong dahilan kahit pa sobrang mapapahamak siya sa magiging desisyun niya ngunit pinigilan siya nina Echo.
Sinabi nito na nag hahanap nang paraan si Primo kaya hangga't maari ay mag intay sila at mag tiwala rito. Kahit sobrang miss na niya ito ay wala siyang nagawa dahil napagtanto niya na para rin naman sa kaniya ang ginagawa nito lalo na hindi niya kakayanin kapag nadamay ang pamilya niya.
Kapag nalaman ng pack ang totoong dahilan ay maraming masasaktan. Kasama na do'n ang mate ni Gunner na wala naman ginawang masama sa kaniya.
Hinayaan niya ang gustong mangyari ni Primo. Naging lie low din sila sa isa't isa. Hindi na sila gano'n nag kikita. Tinuon niya ang atensyon sa pag aaral. Madalas din siya pumunta sa Elfhame para doon ubusin ang oras until makapagusap na ulit sila nang maayos na apat.
Tungkol naman kay Gunner, wala na siyang balak kausapin ito. Inilagay nito ang kapahamakan nila na hindi man lang nag iisip lalong lalo na sa mararamdaman ng mate nito kapag nalaman ang totoong nangyari.
Mabuti na lang din na maski si Gunner ay hindi willing sabihin sa Alpha nila ang dahilan kung hindi ay lahat sila ay mapapahamak.
Mas worst, pag hiwalayin sila ng mga magulang nila.
Sumapit ang edad niyang bente uno na hindi pa rin sila nag uusap nang maayos. Madalas lang na patago sila magusap habang si Primo naman ay palaging sa sulat lang na binibigay nito na pinapaabot sa tatlo.
Ang huling sulat ni Primo sa kaniya ay sinabi nitong kaunting pag titiis na lang lalo na malapit na ilipat sa binata ang trono ng pagiging Alpha ng pack house nila.
Nasa tamang edad na ito para mag patakbo ng sariling pack, kahit si Echo ay ililipat na rin dito ang pagiging Beta ng ama.
INIS na binato niya ng eraser ang mukha ni Slate sa sobrang pagkainis niya rito. Nasa library sila ngayon sa palasyo ng Elfhame. Nakaupo sila sa sahig habang nag a-advance reading siya para sa darating na pasukan lalo na maraming libro ang palasyo.
Minsan lang siya makapunta sa palasyo, kaya sinusulit niya ang bawat librong nakikita ngunit ang magaling na si Slate ay paulit-ulit siyang binabato ng eraser.
BINABASA MO ANG
Nyebe
FantasyFive wolves, one elf, and one hybrid. *** Si Nyebe Guiller ay isang kalahating lobo at kalahating fae. Ang matatandang puro ang dugo ay may galit sa mga hybrid dahil sinasabing sila ang patunay ng...