LUMIPAS ang isa't kalahating linggo na busy ang pack sa kani-kanilang assigned missions. They still haven't gotten any lead. Mas marami ang nababalitaan namamatay.
Narinig niya isang araw nag babalak si Slate na dalhin ang ilang packs at species sa Elfhame lalo na ito na lang ang lugar na walang nababalitaan na krimen.
Maganda rin iyon dahil malaki at malawak ang Elfhame. Mahirap din makapasok dahil nasa ibang realm ito. Isa siguro din iyon sa dahilan kung bakit tahimik pa ito.
Kagabi rin ay bumalik sa redwood sina Gunner at ang mate nito. Katulad nga ng sabi nila, they need help as much as possible sa kahit kanino.
Pumasok siya sa loob nang kusina at nakita ang ina niya natulong sa pagluluto. Busy ang kaniyang ama sa paglabas-labas ng pack nila at binilinan sila na pumarito lang sa pack house.
Hindi sanay ang ina niya na walang ginagawa kaya nag volunteer ito tumulong sa pag luluto. Pansin niya nang mga nakaraan araw ay nababawasan na ang pagiging mausisa ng mga ito sa kanila.
Nakikita na niya rin ang ina na may nakakausap na pack members. Wala na rin ang ilang mata na mapanghusga sa kanila.
Alam niya na isa sa dahilan si Slate kung bakit umayos ang pakikitungo nang karamihan sa kanila. People respect Slate.
Kaya lang naman maraming mapanghusga dahil hindi pa rin matanggap nang matatanda na pwedeng mapangasawa ng pack nila ang hindi nila kauri. Iniisip ng mga ito na kapahamakan lang ang dating nito sa uri nila.
"Ma!" Lumapit siya sa ina. Yumakap din siya sa likuran nito. Nakita naman nang ilang pack ang ginawa niya. May ilan na naka-ngiti at may ilan na walang pakealam.
"Anak, anong ginagawa mo rito?"
"I wanna help po." Kinuha niya ang kutsilyo sa gilid at tinulungan ang ina na mag hiwa ng carrots. Hindi naman na siya pinigilan ng ina dahil alam nito na hindi siya magpapaawat kapag may gusto siyang gawin.
Nang matapos sila ay tumulong din siya na mag lagay ng pagkain sa mahabang lamesa kung saan nakahain ang mga pagkain for that day.
"Nyebe!"
"Hi! Kailan ka pa bumalik?" tanong niya kay Marco na sumulpot sa gilid niya. Makalipas ang isang linggo ay naging close siya sa binata at naging kaibigan niya ito. Nabalitaan niya rin nahanap nito ang soulmate nang sumama ito pumunta sa ibang packs.
Kakauwi lang nito dahil bumisita ito sa pack ng mate nito at ngayon ay hindi niya alam ang balak nito dahil mahirap naman maghiwalay ang dalawang tao na tinadhana ng moon goddess.
"I just came back earlier."
"How was it? How are you feeling?"
"I feel great. She's nice. You should meet her."
"Talaga? That would be nice," aniya rito pagkatapos ay kumuha ng plato at nilagyan ito nang pagkain. Kumuha rin si Marco nang pagkain at sabay na silang pumunta sa lamesa kung saan nakapwesto si Apollo.
BINABASA MO ANG
Nyebe
FantasyFive wolves, one elf, and one hybrid. *** Si Nyebe Guiller ay isang kalahating lobo at kalahating fae. Ang matatandang puro ang dugo ay may galit sa mga hybrid dahil sinasabing sila ang patunay ng...