Chapter 08

3.3K 49 1
                                    

Allie

"Allie right?"

"ahh yah! Do you know me? Nagtataka kung tanong sa kaniya.

" Baby! She's here." Sigaw niya sa kung sino man ang nasa loob.
" Hi, I'm Atreus, Mariel's husband. Come get inside, she's just busy at the kitchen cooking something. Feel at home." patuloy pa niyang sabi.
Ako naman di makapag salita. Totally speechless ang drama, shock pa ako sa mga nangyayari. May asawa na ang best friend ko?! Tama ba narinig ko? Putcha, bugbogin ko talaga ang babaeng 'to. Sa isip isip ko. Nakita ko siyang nakatingin sa akin, siguro nagtataka at hindi ako nagsasalita at pumapasok.

"mmmmh I'm sorry, nagulat lang ako. Di pa maprocess ng brain ko, yung mga pinagsasasabi mo. The last time my best friend and I talked, she's still single and for fucking 5 years na magkaibigan kami NBSB siya, tapos ngayun may asawa sya? You aren't kidding me right?" panigurado ko na sabi at pinaningkitan siya ng mata. Mukha tuloy siyang kinabahan.

"Oh, she will explain. Here she is! Nice meeting you Allie." sabay ngiti niya at lumapit sa kaibigan ko.

" OMG beshy, I miss you!" Sabay yakap niya sa akin at ako naman tiningnan siya from head to toe. Tapos tumigil ako sa umbok niya sa tiyan. Buntis siya, kaya pala nagpakasal. Nakakasad pa di namin alam, lalo na ako, wala akong ka idea idea manlang sa nangyayari sa kaniya. Gusto kong umiyak, naluluha na ako. I know Mariel, hindi siya yung tipo ng babae na matapang. Mahina ang loob niya. Pano niya nakakaya ang mga 'to.

" Buntis ka?" naluluha kong tanong sa kanya. Di ko na napigilan at umiyak na talaga ako.

Narinig ko nagpaalam ang asawa niya at iniwan kami para makapag usap. Umakyat siya at pumasok sa isang kwarto.

" Mariel Ann naman eh, di ba kabilin bilinan ko. " may diin at pabulong na sabi ko sa kanya. Ayoko kasi marinig ng asawa niya, alam ko nasa taas na silid lang pumasok baka umabot ang boses ko.

" Oo mag 5 months na. I'm sorry Allie. Alam ko marami akong dapat sabihin sayo. Maiintindihan ko kung magagalit ka. Gusto ko man kitang tawagan at sabihin sayo, pinangungunahan ako ng hiya ko, at natatakot baka pagalitan mo ako at sabihin ang tanga tanga ko. Di ko rin kasi to iniexpect pero nangyari na eh." umiiyak na niyang sabi at niyakap ko siya.

"Ssshh. Tama na, wag kang umiyak, di ako galit sayo. Nagtatampo oo but carry lang. Alam ko may rason bakit di mo sa'kin sinabi kaya okay lang. Importante safe ka. Love ka ba niya? Love mo ba siya?" natanong ko habang inaalalayan ko siyang umupo. Halata na din kasi tiyan niya.

"Di ko alam sa kaniya, siguro. Di naman niya ako susundan sa probinsya kung hindi. Di naman niya ako papakasalan kung wala kahit kunti. Di ako sigurado, importante pinanagutan niya ang bata. Kahit wala naman siyang sinasabi about kasal sa simbahan, okay lang legal naman kami na kasal, kaya lang nakakalungkot kasi ang kasal na pinapangarap ko, hindi natupad. Kami lang dalawa, wala ngang kahit isang kaibigan. Basta't nagpirmahan na lang." Lumuluha niyang sabi at bigla niyang pinunasan at pinilit na ngumiti. Kung mahal ko siya, oo siguro. Di rin naman ako papayag ng ganito kung hindi diba?Kaya okay lang ako, ikaw kumusta kana?

" Mariel, wag ka munang magpapakasal sa simbahan. Siguraduhin mo muna ang nararamdaman niyo sa isa't isa, at pakasiguraduhin mo na ikaw lang. Wag kang papayag na may iba. Kasi if meron, wag kang magpapaka tanga, wag mo akong tularan. Alam na alam mo pinagdaanan ko. Sabi mo pa nga di mo kakayanin pag sayo nangyari ang lahat ng yon , kaya sana pag isipan mo mabuti. Nandiyan na, wala na tayong magagawa kundi ang suportahan ka at ipangako na andito lang ako. Hindi kita niiwan okay? Magpaka tatag ka, para sa baby. Pag ayaw mo ng lumaban sabihan mo lang ako. Alam ko mahal mo siya. Di ko man alam ang totoong story niyong dalawa, irerespetp ko basta pag niloko ka niya bumitaw ka agad at ipaglaban mo ang baby mo. Makakaya mong mabuhay na walang lalaki, basta kasama mo ang anak mo, pakatandaan mo yan okay?

Love Taken ChancesWhere stories live. Discover now