After I performed the last song. I went back to OR. Hindi ko na inantay ang announcement ng winner. I need to be at the OR first bago pa man dumating si Dr. Chu. Ayaw niya na mas mauuna pa siya kaysa sa mga nurses. Lalo na pag ito ang mag aassist sa kanya.Buti na lang di pa ako late. Wala pa si doc and I'm 15 minutes early.
Nagselfie muna ako para ipost sa IG. I am so tired di ko alam bakit, pero masakit ang buong katawan ko na parang bibigay na at lalagnatin ako. Siguro sa pagod. Sobrang pagod na ang katawang lupa ko at naiisip ko lang ang duty ko bukas at sa Sunday na 16 hours, pamatay. I posted the photo and put a caption."Tired and hungry. So sleepy. But the show must go on. I love being a nurse."
Kakapost ko palang at nagcomment agad si Jeffy.
"Why are you tired? I will send you food. You eat Ella. Wag matigas ang ulo. I miss you love. Take care always please."Yah pag nilalambing ako ni Jeffy he will always called me love as his endearment. Di ako nagreply but I heart his comment. Alam na niya yon. Kilala na niya ako.
I assisted Doc Chu sa appendectomy operation. Dumating din naman ang food na padala ni Jeff while on going ang procedure. Pinauna ko na ang mga nasa OR na iba, madami siyang pinadala. Kaya tuwang tuwa ang mga kasamahan ko. Busog kung busog. Knowing Jeff, kilala niya ako. Hindi ako kakain pag ang food para lang sa akin. Kaya naman ang pinadala niya ay para sa buong OR department. Sabi ko tirhan nalang ako. They enjoyed eating the food, I will call him later to thank him. Kilala niya ako,
wala ng madaming salita, gets niya agad. that's why ano kaya gagawin ko if mawala na si Jeff?Performance was over at panalo kami. Our prize was given to Mang Danny. Afternoon shift done. I'm about to go home ng maremember ko si Caden. Fuck! Di ko siya namessage kanina. Patay! I send him a message right away.
Hey, my shift is done. Where are you? i sent.
Nag-antay ako ng reply niya after 5 mins, 10 mins, 15 mins wala pa din. Haist, uwi na ako pagod na talaga ako. Di na kaya. Pagkalabas ko ng OR. There, i saw him leaning on the wall. Ba't di siya nagreply? Natanong ko sa isip ko. Tapos andito, nakaabang.
" Hi, " bati ko. Kanina kapa? I texted you but got no reply." naka pout kung tanong sa kaniya.
Tiningnan niya ako sa blangkong expression. Para naman akong napahiya sa paraan ng pagpapa cute ko.
" Just a couple of minutes. I'll send you home." sabi niya sa napakalamig niyan boses.
Wala kaming imikan na naglakad papuntang elevator, hanggang sa sumakay at makarating sa parking lot.
Pinakikiramdaman ko siya. Ano kaya problema nito? Last night he was mad pero mas okay kasi kinakausap pa din niya ako. Ngayon kasi kakaiba. He's so cold. Di man lang niya ako binati. Di nireplyan ang text or tinanong if ok ako. Musta ang araw ko. As in the cold treatment is killing me. Sumakay na ako sa sasakyan niya. Hindi rin niya ako pinagbuksan ng pintuan. Fuck! ba't ang sakit ng dibdib ko, parang tinutusok na gusto kong maiyak. He drove me to my condo without talking to me. Hayaan ko nalang siya. I'm so damn tired para makipag argue tonight. Bukas ko na lang siya kakausapin.Nakatuon lang sa daan ang kanyang attention niya. Pagod ba siya? Tanungin ko kaya.
"mmmmh Okay ka lang?" tanong ko at tumingin sa kaniya. Hindi siya sumagot at nakatuon pa rin ang attention niya sa daan. Nag ring ang phone niya. May natawag. Sinagot niya 'yon.
" Okay i'll be there. Just wait for me. Don't go anywhere. I will kill you brat. Behave ha. " narinig kong sabi niya.
Parang gusto kong umiyak. Sino kaya yun, fling niya or girlfriend? Shit, i hate this feeling. Yung kamay ko nanglalamig at nanginginig. Please not here. Maya na pag akyat ko. Ayoko ko na makita niya.

YOU ARE READING
Love Taken Chances
RomanceMature Content|R-18|SPG Dragon Boyz Series 1: Ajax Caden Lewis When love gives you many chances, will you take it and try again? Bella Alliena was once married and believed that once you give everything for the one you love, your relationship will...