Chapter 01

6.9K 72 1
                                    

Allie

“Bruha! busy ka?” bungad sa akin ni Shawn and bading kung friend na Nurse na naka-assign  sa Imaging Department. May naka wheeled na pasyente sa tabi nya. Maghahatud siguro. Nagkataun na nagkita kami sa lobby ng hospital, nanggaling  kasi ako sa pharmacy.

“Hindi naman, why? Naka duty pa ako hanggang 3 p.m. pa, a.m. shift kasi ako” sagot ko sa kanya.

“Coffee tayo gurl, you know with the tropa after duty. “ sabi nya.

“Oki sige try ko chat ang iba. Problema mo? “ sabi ko pa sa kanya. Bigla kasi nagyaya kaya napaisip isip ako baka me something.

“Wala, chill lang tayo! Sige later besh busy ang peg. Babush!” paalam pa niya.

”Okay." sabi ko and then I just shrugged my shoulder.

Isa akong Operating Room Nurse dito sa Mercy National Hospital sa Quezon City.  Hindi pa naman gano'n katagal mula no'ng nahire ako. Mag one year palang actually.  Matagal tagal din kasi akong  hindi nagpractice ng pagiging nurse. After ko kasi  magwork sa  middle east as a Nurse, umuwi ako for some personal reason at nagpahinga muna. I put up a small business. Naging okay kasi siya dati kaya di na muna ako nag work at nag focus sa business. Kasi naman no'ng nag try akung mag apply,  yung starting na offer kaloka fifteen thousand. Hello naman di kayang mabayaran ang expenses ko. Sa condo palang wala na. Kaya business nalang muna. Yun, nakaraos naman.

Ito na kasi buhay ko ulit ngayun. On going pa din naman ang business ko, may pinagkakatiwalaan lang ako na staff to manage in behalf of me lalo na pag busy at naka duty ako. I'm still monitoring  the flow ng business habang bumalik ako sa pagiging nurse. Nakakamiss din kasi and I needed this job para maibalik yung tiwala  sa akinh sarili  after a tragic event happened in my life. Masasabi ko na new life ko na 'to after  all the pain that i've been through.  So far so good, nag eenjoy naman ako kasi ito din talaga ang passion ko kahit sobrang liit ng sahod. Stepping stone lang din naman because i'm planning to apply for US. I passed the NCLEX exam already.

Pabalik na ako ng OR galing pharmacy. Kinuha ko lang yung ni request  ko na mga gamot for replacement, para mamaya good to go na ako. Patapos na din ang duty ko. Mostly morning ang schedule ng duty ko this week kaya from 7am to 3pm ako. Mag alas dos na rin naman at may isang oras pa ako na natitira. Di naman kami busy, kunti lang ang elective cases tapos isa ang emergency case. Benign duty lang today. Salamat naman para hindi haggard ang lola niyu.

Habang patay oras kami kasi wala ngang masyadong ginagawa. Prepare nalang for endorsemenrt. Kinuha ko cellphone ko at naisipan kung ichat ang iba para mamaya sa pagkikita kita. May group chat kami. Ang title ng  GC namin ay “Circle of Trust.” Bakit circle of trust? Kasi we trust each other,sila lang din ang friends ko dito sa Manila, same with them.

Lima kasi kami. Ako na isang nurse. Dylan isang Architect. Shawn same hospital with me, Nurse din sya. Dahil sa kaniya kaya ako nag apply sa NMH. Kimberly isang call center agent at  Mariel naman isang engineer.

                  Circle of Trust  - GC

Typing a message...


Allie: Mga besh kita kits daw mamaya around 5-6pm? Coffee? Reply ang magpapakita.

Mariel Ann: Sorry fwenz di ako pwde. May lakad kasi ako na so important. Bawi ako!🙏😔

Dylan: Gora ako!

Kimberly: Count me in!

Dylan: Hoy Mariel! Saan kana naman? Pinagbabawalan ka ba ng jowa mo na yayamanin?  Di mo pa siya pinapakilala sa amin ah. Ano yan, matandang mayaman?

Love Taken ChancesWhere stories live. Discover now