Chapter 24

3K 55 4
                                    

Aj

The next morning I woke due to the continuous beeping of my message alert tone.

When I checked my phone I saw the assholes messages.

WhatsApp Loop

Zeus: Aj! Tara na. We are outside! Gising na diyan.

Luca: Fuck Aj we woke up early for this. Don't spoil this moment.

Ah di ko na binasa ang iba. Ano ginagawa nila sa labas? Bumaba ako para tingnan.Nando'n nga ang mga kumag naka naka sweatpants lahat,  mag jajog ba ang mga 'to?

"Hey, ang aga aga. Masarap pa tulog ko. Istorbo kayo." tiningnan ko sila isa isa ng matalim.

" Wow! Hanep ah! Kaya kami nandito para din sayo. Magbihis kana, after jog kina Atreus tayo magbreakfast."  Tsk tsk kaya pala kasi may free breakfast. Nako kilala ko na ang mga 'to.

"Go Aj, you need this." It was Allen. Pumasok ako ulit sa loob para magchange ng damit. Pag si Allen talaga ang magsabi napapasunod ako. Ito lang kasi ang seryoso sa amin lahat.

After ko makapag bihis lumabas agad ako. I changed into a grey drifit top and sweatpants, paired with white running shoes.

Nilibot lang naman namin ang buong village ng limang beses. Wala din kasing tao kami lang na anim. Ang iingay pa, lalo na si Zeus. Kahit kailan talaga hindi ito natatahimik. Mas maingay pa kesa sa babae.

" Alam mo Zeus ang ingay mo. Para talaga yang bunganga ng babae." sabi ko dito at tumawa lang ito.

" Talaga? Bakit ganito ba si Bella sayo?"
Bakit naman nasali sa usapan si Bella. Fuck! Speaking of Bella hindi ko na naman ito na message at naiwan ko pa ang phone ko sa bahay. Mamaya na lang after namin kina Atreus tatawagan ko ito.

" Speaking of Bella. I saw her last night dito mismo sa lugar na'to. Nag jog din kasi ako last night pampapagod para makatulog. I think It was almost  midnight. She was lost and asking for the right way out." Lahat kami napalingon kay Liam at nagtaka.

" Galing sayo? Hindi mo hinatid?" It was Allen. At bumilis ang tibok ng puso ko at kinabahan. Pero imposible. Umiling ako.

"Nope, two days na kaming di nagkikita at nagkakausap. Super busy ako at umataki pa ang nightmares ko to the point na nakalimutan ko siya."

" Damn man! Patay ka. She is your girlfriend. Official girlfriend tapos kinalinutan mo. You know what it means to women pag ganyan? It means W-A-R! Three letters pero big word." napailing ito.

"Umpisahan mo ng magdasal bro na hindi makitid ang utak bi Bella. Or sana kaya kanyang intindihin. Whatever your reason is, she has the right to know bakit di ka nagpapakita at nagpaparamdam kahit sa text man lang." it was Luca and tama ito. Mas lalo tuloy akong kinabahan ngayon. Fuck! Ano kaya gagawin ko?

" Sabi niya galing daw siya sa friend niya. May friend pala siya na nakatira rito? Tinuro ko nga pala ang bahay mo. Pero hindi naman siya nagbigay ng comment at nagpaalam lang. Don't worry hinatid ko siya hanggang sa may gate ha. Baka sabihin mo pinabayaan ko."

" Ano gamit niya na sasakyan?" Kinakabahan ako but feeling ko talaga si Bella yon last night. Lakas kasi ng tibok ng puso ko. Sana mali ako, sana sabihin ni Liam na hindi Nissan Juke na grey ang gamit ni Bella.

" It was a Nissan Juke color grey na may lining na orange." napapikit ako.

" Fuck! It was her." Sabi ko na si Bella yon. Familiar ang sasakyan na. " Aahhhh!" Sa inis ko tinadyakan ko yong pader sa may gilid ko.

Love Taken ChancesWhere stories live. Discover now