CHAPTER #1.

7.7K 241 1
                                    

In my previews life isa akong rebel girl simula nong nag hiwalay ang mga magulang ko wala na akong ginawa kundi ang gawin ang gusto kong gawin. Bumuo ako ng isang gang nong high school at kung saan saan nakikipag away. Umabot pa ito hanggang college kaya tinaboy nadin ako ng iba ko pang kamag anak at sabi nila wala akong mararating sa mga pinag gagawa ko.

Ayaw nila sa'kin kaya ayaw ko rin sa kanila si Sheila ang kaibigan ko nag iisang babae na tumagal sa ugali ko,  mahilig siya sa mga novel at movies fantasy,  bago ako napunta sa katawan na 'to naalala ko pa natulog ako noon at nakaramdam ako ng mainit sa katawan kohindi ko alam kung ano 'yun.

Basta ang sunod na nangyari ako nasi Lady Yeona ang villainess sa story na The Beautiful Lily 'yung pinabasa sa'kin ni Sheila bago siya umalis ng apartment ko noon.

"Ipasusuot mo sa'kin ang mga damit nato?" tanong ko, nasa harap ko ngaun ang mga damit na susuotin ko para sa ball puro dress at lahat mukhang mamahalin at magaganda ang kaso kasi hindi ako nag dedress.

"Ikaw ang namili niyan baka nakakalimutan mo" sabi ni Nami umiwas nalang ako ng tingin. Pinili yan ni Lady Yeona hindi ako at saka hindi ako si Yeona. Tumingin ako sa isang red dress maganda ito at nakakaakit ang kulay sa mata merong kumikinang sa dulo ng dress ngumiti ako at pinili ang dress na 'yun.

Ayun sa novel na nabasa ko dito sa ball nato mang yayari ang dapat mang yari. Nag wala no'n dito si Yeona matapos sabihin ng crown prince ang kasal nila ni lady Roana. Dito nasira ang pangalan ni Yeona,  dito siya inayawan ng mga tao. Dati naman na siya ayaw ng lahat dahil matigas ang ulo niya at puro gulo ang dala ni Yeona.

"Lady Yeona naka ready napo ang lahat" sabi ng isang servant matapos akong ayusan tumayo na ako at saka lumabas.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko kay Aros,  tumingin ako sa ayos niya bagay sa kaniya noble ma noble ang dating. Ayun kay novel matapos ang ball biglang mawawala si Aros dahil mahirap para sa kaniya na tanggapin na ang babaeng mahal niya ikakasal na sa iba. Masakit din 'yun para kay Yeona dahil mawawala ang isa sa kaniyang dalawang kapatid at dito na mag sisimula ang pag cacare niya sa dalawa.

"Kung ako sa 'yo mag hahanap na ako ng magandang babae na puwedeng mapangasawa siyempre hindi lang dapat ganda ang meron" sumakay na ako sa karawahe sumunod naman siya sa'kin. Gusto kong mahanap ang daan pabalik sa mundo ko at masabunutan ko si Sheila siya dapat ang nandito hindi ako.

"Talagang pupunta ka? Sana hindi ka gagawa ng gulo." seryoso akong tumingin sa kapatid ko.

"Wala akong paki sa magaganap kahit na mag landian sila pupunta ako para makita kung anong magaganap sa ball" kahit ang totoo ayaw kong pumunta. Pero hindi ko alam kung bakit pag gising ko kanina nakaramdam ako ng sakit mula sa puso. Naiiyak ako at mahirap para sa'kin ang tanggapin na ikakasal sa iba si Killia.

Siguro nga ako ang nasa katawan ni Yeona pero buhay padin ito at nakakaramdam hindi ko alam kung bakit pero may kutob ako na nasa malapit lang din si Yeona. Ramdam na ramdam ko ang pag mamahap niya kay Killia at sobrang sakit.

"Anong sinasabi mo?" hindi nalang ako nag salita, bahala ka diyan wala kang alam sa nang yayari kaya manood ka nalang mamaya.

Ilang minuto sa biyahe nakarating din kami inalalayan ako ni Aros na bumaba nakita ko pa yung isa kong kapatid na nauna na lumapit sa'kin si Mother at bumulong.

"Wag kang papayag na apakan ka nila" aniya, napangiwi ako i like Yeona mother nakikita kong hindi din siya basta basta.

"Ofcourse" nakangiti kong sabi nong nakapasok na kami sa palasyo napatigin sa'min ang lahat syempre kilala talaga ang Morculos family na kahit ang royal family walang laban sa Morculos kaya iniiwasan ng royal family na kalabanin kami.

"Ano nanaman kaya ang binabalak niya"

"Hindi na siya nahiya"

"Sigurado akong mang gugulo nanaman 'yan"

Ganito pala ang mag chismosa dito mag bubulungan nangalang maririnig mo pa,  talaga bang nag hahanap sila ng away? sabihin lang nila payag ako.

Siguro alam na nila ang galawan ni Yeona. Trouble maker lalo pa ngaun na hindi na sila ng crown Prince kaya inaasahan na ng lahat na gagawa ulit ng gulo si Yeona.

"Mga tao na walang ginawa kundi ang mag salita" talagang pinarinig ko sa kanila ang sinabi ko kumuha ako ng wineglass at ngumiti.

"Lady Yeona hindi ko inaasahan na pupunta ka dito" napatingin ako sa tatlong noble lady na lumapit sa'kin sino nanga sila? hindi ko kilala kasi nong nabasa ko yung story pangalan lang ni Yeona at ng mga bida ang natandaan ko hindi na 'yung ibang character.

"Bakit hindi ba dapat? hindi ba ako welcome?" tanong ko. Kita ko sa expression nila na natakot sila pero bilang isang noble lady dapat nilang itabi ang takot dahil hadlang ang takot sa kanilang society. Syempre kapag matatakutin kang lady wala kang mapapala ending mapapakasal ka sa isang noble na matanda.

"H-Hindi naman sa ganon sabi kasi hindi na tuloy ang kasal niyo ng crown Prince" Pinanliitan ko sila ng mata, ano naman ngaun kung hindi tuloy ang kasal nila mabuti ngayun kesa mag habol ako sa kaniya.

"So ano ngaun na hindi na matutuloy ang kasal namin?" sarcastic kong tanong.

"Huh? lady Yeona okey lang na sabihin mo sa'min ang nararamdaman mo kasi naiintin dihan ka namin" nakangiting sabi ng lady na naka pink ng gown. Ganito ang isang lady sa noble society,  kung matatakot ka wala kang mapapala.

"Okey lang ako,  masaya panga ako dahil masaya silang dalawa" nakangiti kong sabi natahimik naman sila habang pinapanood ako.

"Magiging masaya nalang ako para sa kaniya" nakangiti kong sabi.

"K-Kung ganon masaya kami para sayo lady Yeona. Masaya kaming makita ka na okey lang" aniya at saka na sila umalis, iba talaga kapag pinanganak kang mayaman lahat ng gusto nakukuha mo. Malayong malayo sa past life ko.

"Yeona okey kalang?" tanong ni Mother ngumiti ako at sumimsim ng wine.

"Mother alam mo okey lang sa'kin kahit hindi tuloy ang kasal namin ni Prince hindi lang siya ang lalaki sa mundo" sabi ko nag kibit balikat lang si Mother at iniwan nanaman ako. Nag kibit balikat ako at nanahimik nalang ilang minuto pa nag simula na ang kasiyahan dumating na ang couple.

"Prince Killia and Lady Roana" madami ang nahumaling sa dalawa akala mo mga ginto silang kumikinang doon sa gitna. Kaya naman pala hakot ni Roana ang lahat ng male lead sa story kasi talagang namang nangingibabaw ang ganda ni Roana. Mula ulo hanggang paa hakot na hakot.

Naalala ko tuloy yung classmate kong maganda, porke maraming nag kakagusto sa kaniya nag feeling artista na.

Nag umpisa na ang sayawan marami na ang nag sasayaw wala akong balak sumayaw. Kasi hindi ako marunong sumayaw ang manapak lang ang alam ko kaya babatiin ko nalang yung dalawa.

"Congrats Prince and Lady Roana" tumingin sila sa'kin na akala mo nakakita sila ng isang masamang sumpa, oo sumpa ako at pinaka masama sa lahat sige.

"Nandito ka Yeona ang akala ko hindi kana dadating hindi ka kasi nag replay sa sulat ko sa'yo" ani Roana nagulat pa ako sa biglang pag hawak niya sa kamay ko. Anong meron sa babae nato.

"Sorry Lady Roana hindi kasi maganda ang pakiramdam ko nitong mga karaang araw pero okey na ako at masaya ako para sa inyo" ikaw ba naman magising sa ibang katawan hindi kaba maloloka kakaisip kung anong nangyari.

"Mabuti kung ganon ang akala ko galit ka pa din sa'kin dahil dito" tumingin siya kay Prince napangiwi ako dahil sa nakikita ko.

"Wag kang mag alala maliit na bagay hindi ako magagalit" sabi ko, at saka hindi naman ako ang totoong Yeona. At hindi ko alam kung nasan ang totong Yeona.

"Kung ganon pwede kitang yayain mag tea minsan?"

"Oo kapag hindi ako busy" sagot ko para naman siyang batang natuwa, base din sa nabasa ko ganito talaga siya kaya naman gusto siya ng lahat dahil innocente siya at napakaganda.

Napahawak ako sa sintido ko aalis na sana ako ng may naramdaman akong parang naka tingin sa'kin kaya naman hinanap ko 'yon sa gilid isang lalaki ang nakita ko nakatingin siya sa'kin pero umalis din.

Sino naman ang nilalang na 'yon?

****

Suddenly, I Become A Villainess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon