CHAPTER #10.

4.1K 133 1
                                    

Simula nong mang yari ang tea party kahapon marami na ang nag papadala sa'kin ng invitaion ng tea party pero wala ako sa mood makipag laro sa kanila.

"Mukha naman masaya 'yon bakit hindi mo subukan?" tanong ni David mag kakasama nanaman kami.

"Hindi ako interesado makipag laro sa mga katulad nilang innnocente ang gusto lang nila mag kuwentohan pasensya na sinubukan ko naman makibagay sa mundo nato pero hindi talaga kaya ng powers ko pag katapos ng wedding ni Prince Killia at Lady Roana hindi kona alam ang susunod kong gagawin siguro mag hihintay nalang ako ng resulta sa pinag gagawa nyong tatlo o tutulong sa pag seal kay Diablo" diretso kong sabi kinuha ko ang isang libro at saka tumayo hindi kona hinintay na mag salita yung tatlo lumabas muna ako at nag punta sa Garden.

"Lady Yeona gusto mo bang kuhaan kita ng makakain?" tanong ni Nami binuklat ko ang libro.

"Sige" sagot ko ng hindi siya tinignan, Makakabalik pa kaya ako? Makakaharap kopa si Diablo sana naman walang mangyaring hindi maganda dito habang nandito ako dahil hindi ako papayag na mamatay ako.

Ikakasal nasi Prince Killia sa iba at si Prince Nova na ang uupo bilang Hari.

Napatingin ako sa kabilang puno ng may kumaloskus dito nag taka naman ako dahil mag isa lang ako kaya tumayo ako para tignan ito pag lapit ko napahinto ako ng makita kung sino ang nakahiga doon.

"Wala kabang sariling bahay?" tanong ko nag punta ako sa harap niya at naupo, Bakit kaya nandito ito.

"Hindi naman ata tama sa isang Lady ang titigan ang isang lalaki habang natutulog ito" aniya, Kumunot ang noo ko minulat niya ang mata niya nakita ko nanaman ang napaka ganda niyang mata.

"Sabihin mo bakit ka nanaman nandito gusto mobang mag sumbong ako?"

"Edi mag sumbong ka para nakikitulog lang ang tao wala naman akong ginagawang masama sayo ah, " aniya na parang bang naiinis na siya sa'kin bumuga ako ng hangin at saka naupo sa tabi niya pero isang metro ang layo.

"Gawin mo ang gusto mong gawin" sabi ko at tinuloy ang pag babasa ng libro, Hindi ako makapag concentrate dahil sa lalaki nato marami kong gustong itanong sa kanya pero hindi ako makatanong

"Yang binabasa mo isa yang Romance Novel na tungkol sa isang Lady na Nainlove sa isang Demon?" tinignan ko yung title ng libro The Lady and Her Demon 'yan ang title.

"Paano mo alam?"tanong ko

"Sabihin nalang natin na nabasa kona" aniya, tumango ako at ilang minuto hindi ako nag salita .

"Sana ako nalang yung famale lead dito" sabi ko.

"Bakit naman?"tanong nito.

Naging Villainess ako sa pangalawa kong buhay isa sa mga character ng isang Novel tapos ngaun hihilingin kopang maging isang character nanaman hindi naba ako nadala another character nanaman.

"Hindi ko rin alam dahil siguro nahanap niya kung saan siya nababagay " nakangiti kong sabi, Gusto konang kalimutan ang past life ko at mamuhay muna bilang si Lady Yeona habang nandito pa ako pero hindi pwede dahil kahit anong gawin ko maraming rules sa mundo na hindi ko kayang sundin.

Hindi ko kayang maging isang Lady na katulad ng iba dahil sa past life ko isa akong rebel girl, gangster kahit na isa akong babae hirap sa'kin ang kumilos bilang isang babae.

Tapos napunta pa ako sa mundo nato na kung saan ang mga babae malinis kung kumilos at talaga namang matatawag mo silang Lady.

"Bakit hindi mo subukang maging totoo sa sarili mo?" aniya ngumiti ko at tumingin sa kanya hindi ko alam kung bakit magaan ang pakiramdam ko ngaun at marami akong nasasabi.

Suddenly, I Become A Villainess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon