CHAPTER #17.

2.3K 101 3
                                    

THIRD PERSON's P.O.V

Habang naka upo sa trono ang nakatingin siya sa kawalan malungkot ang mga mata.

"Queen nagawa napo namin ang ipinag uutos niyo ngunit kagabi lang nag pakita nanaman ang Black Shadow at inubos ang ilan sa mga kasamahan ko" sabi ng isang beast habang siya ay nakaluhod sa harap ng kaniyang Reyna hindi nag salita ang reyna ngunit isang babae ang lumabas at lumapit sa reyna.

"Kung hindi ako nag kakamali ang black shadow ay galing kay Diablo sigurado ako na nasa olivin kingdom siya ngaun" sabi ng Babae tumingin siya sa queen hinaplos nito ang corona na nakakabit dito at ngumiti.

"Ang morculos family nakita niyo na ang anak nilang babae?" tanong ng Babae.

"Yes M'Lady pero hindi kami makalapit dahil may tatlong archmage siyang kasama at yung dark shadow at hindi lang 'yon isang red wolf ang nag pakita" aniya.

Napaisip ang babae hindi niya inaasahan na mag papakita ang Wolf na kanyang minsan ding pinatay ngunit dahil konectado siya kay Lady Yeona hindi niya ito mapatay patay.

"Hindi niya pa nagagamit ang kanyang kapangyarihan gusto kona itong makita pero masiyado pang maaga. Bantayan niyo si Lady Yeona" utos nito na siya naman sinunod ng Beast.

Napatingin ang babae sa queen niyakap niya ito at saka ngumiti.

"Pinoprotectahan ni Diablo si Yeona"

"Si Lady Yeona magiging malakas rin siya at ang Olivin Kingdom magiging sayo ito" aniya habang yakap ang queen hindi natinag ang queen pero alam niya ang sinasabi ng babae pero ang malaman ang tungkol kay Yeona masaya silyang malaman na buhay ito ngunit nalulukot siya dahil kailangan harapin ni Yeona ang kapalaran na matagal ng nakaguhit sa kanya.




YEONA's P.O.V

"Swordship?" takang tanong ng tatlo tumango ako kinagat ko ang pang ibabang labi

"Hindi kopa nahahanap ang talagang gusto kong gawin pero bukod sa magic gusto kong mag-aral gumamit ng sword" sabi ko.

Gusto kong matutong gumamit ng sword alam ko na bihira lang ang noble na babae ang marunong makipag laban gamit ang sword at gusto ko maging isa sa mga yun total naman dito lang naman ako sa bahay at walang ginagawa at nag iisang walang ginagawa talaga , hindi kodin alam kung bakit.

"Pero isa kang Lady"

"David alam ko na meron ding Lady na nag aaral gumamit ng sword alam kong nag aalala lang kayo pero para sa'kin din tong ginagawa ko dahil hindi naman habang buhay nandito kayo sa tabi ko" tama hindi habang buhay nandito sila sa tabi ko baka mamaya mag siga siga ako jan tapos yung kalaban biglang nag pakita tapos napatay ako the end na ng buhay ko hindi nga ako namatay sa kamay ni Prince Killia mamatay naman ako sa kamay ng kalaban dahil sa katangahan ko.

"Kung ganon si Knoxx na ang bahala sa'yo" sabi ni Koa.

And then naging dalawa ang klase ko sa umaga nag aaral ako ng Magic at sa hapon ng aaral akong gumamit ng sword hindi naman mahirap katulad ng inaasahan ko para sa'kin ang dali lang humawak ng patalim.

Nag daan ang mga araw ganon ang naging buhay ko hanggang sa meron nanamang nangyaring hindi inaasahan si Aros umuwi na puro dugo sa katawan na siyang ikinatakot namin ni Mother.

"Hindi kona kaya Mahal, paano kung isang araw wala ng umuwi isa sa inyo" umiiyak na sabi ni Mother hindi ko padin alam kung sino ang kalaban at ano ba talaga ang nangyayari naiinis ako dahil wala akong magawa wala akong magawa para sa pamilya ko.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ni Nikolaj hindi ko namalayan na nandito pala siya.

"Natatakot ako" sa totoo lang natatakot talaga ako sa puwedeng mangyari. Nandito lang ako sa mansion nasan ang dating ako na siga siga wala na wala nadin sa novel ang mga nangyayari kaya hindi kona alam ang susunod na mangyayari.

"Pakiramdam ko gusto konang umuwi" yakap ko ang sarili ko at madilim ang kuwarto ko.

Naramdaman kong umuga ang kama at may kumot na pumalupot sa'kin huli na ng narealize kong si Nikolaj ang may gawa no'n.

"Ganito kaba talaga kahina? pag kakaalam ko marunong kang gumamit ng Magic at ngaun nag-aaral kapang gumamit ng sword wag mong isiping mahina ka" hindi ko alam kung ano ang pinag sasabi niya pero alam kong may ibig siyang sabihin katulad nalang na hindi ako ganito matatakutin.

Hindi ako ito dahil ang totoong ako walang kinatatakutan pero bago na ang buhay ko ngaun hindi na ako si Ara kundi si Lady Yeona na.

"Bakit ba nangyayari sa'kin ang bagay nato?" sumandal muna ako sa balikat niya kung nandito ang tunay na Yeona at hindi siya namatay sa kamay ng Principe buhay siya hanggang ngaun ano kaya ang kaniyang gagawin.

"Argh!!!!" napabangon ako sa isang malakas na sigaw na para bang merong isang hayop na kinakatay nakakatakot.

"Ano 'yon?" tanong ko seryoso lang si Nikolaj nakatingin sa bintana.

"Nakapasok na ang Monster" aniya.

Nanlaki ang mata ko at narealize ang sinabi niya agad akong tumayo at saka lumabas may nakita akong mga Servant tinawag ako ni Nikolaj pero hindi ko siya pinansin nag tatakbo lang ako palabas at nong nakalabas na ako nakita ko si Kade agad akong lumapit sa kanya.

"Kade anong nangyayari?" tanong ko

"Stupid! anong ginagawa mo dito?" galit na sabi niya na ikinagulat ko. Sinigawan niya ba ako.

"Ikaw! ako ang ate mo nag tatanong lang ako hindi moko kailangan sigawan-" napahinto ako ng makita ang isang malaking hayop parang isang wolf pero ang laki niya nag lalaway pa ito at may nakita akong kulay itim na usok na pumapalibot sa katawan nito nakita ko ang kanyang mga mata para itong makungkot. Malungkot

"YEONA!" sigaw ni Kade hindi ko siya pinansin dahil para akong nag ugat sa kinatatayuan ko lumapit sa'kin yung Moster at malapitan ko siyang nakita.

Anong gagawin ko lalaban ba ako gamit ang magic ko? Anong gagawin ko marunong na akong gumamit ng sword pero wala akong dalang sword susuntukin koba siya?

"Begone" may isang liwanag na lumabas sa'kin kulay gold ito nanlaki ang mata ko sa paahan ko isang malaking magic circle ang lumabas at nasa gitna ako may nakita pa akong ilang mga wolf bumilis ang tibok ng puso ko sa takot pero may bumulong sa'kin.

"Use your power M'lady" bulong nito sumabog ang liwanag sa paligid nag karoon ako ng gintong pakpak sa likod dahan dahan kong hinawakan yung wolf at nong nahawakan kona siya nag liwanag ang paligid ilang sigundo lang yun tapos bumalik na ang lahat sa dati.

"Yeona" hinawakan ni Nikolaj ang kamay ko nagulat pa ako sa ginawa niya isang circle magic ang lumabas sa kamay ko hinalikan niya iyon at sa kaliwa niyang kamay kaparehas sa'kin meron ding lumabas na Circle doon same color red.

Ilang minuto pa bumalik na ang lahat sa dati napakurap kurap ako dahil nagulat pa ako sa nangyari..

"Yeona anong nangyari?" tanong ni Koa tumingin ako sa kanila ..

"Hoy, Bakit hawak mo ang kamay ni Yeona" turo ni David kay Nikolaj hindi ko siya pinansin dahil hindi pa ako nakakapag adjust sa nangyari tumingin ako sa likod ng tatlo nakita ko sila Mother at Father pati na ang kapatid ko mukhang hindi sila masaya sa nangyari si Mother umiiyak si Father naman seryoso lang na nakatingin sa'kin.

Lumapit ako sa kanila umiwas lang ng tingin ang dalawa kong kapatid.

"Father anong nangyari?" tanong ko hindi nag salita si Father bigla akong niyakap ni Mother habang umiiyak siya..

"Hindi kita ibibigay Yeona" umiiyak na sabi ni Mother nag tataka ako sa nangyayari nikayap ko nalang pabalik si Mother.



THIRD PERSON's P.O.V

Ang tatlong mage nagulat sa nang yari dahil sila mismo hindi makapaniwala sa nangyari napayukom nalang ng kamay si David dahil hindi niya tanggap hindi lang ang Kapangyarihan ni Yeona ang kanilang nakita kundi pati ang seal na 'yon.

At sa kabilang banda napangiti si Nikolaj dahil finally matapos ang maraming taon na pag hihintay makakasama niya na ang Mahal niya na matagal niya ding hinintay.

"Finally My Queen"

********

Suddenly, I Become A Villainess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon