CHAPTER #24

1.4K 70 7
                                    

Dahil sa isang liwanag napapikit ako at iyak ng sanggol ang aking narinig kaya dahan dahan kong minulat ang aking mata at nakita ko ang isang babae na buhat buhat ang sanggol.

"Baby, tahan na my baby" aniya habang pinatatahan ang sanggol isang lalaki ang lumapit at hinawakan siya sa baywang.

"Gustong gusto talaga ni Yeona na nakikita tayo na mag kasama" ani nong babae nanlaki ang mga mata ko.

Ano Yeona? ako yung sanggol dahan dahan akong nag lakad palapit sa kanila bigla silang nag laho at nag iba ang paligid isang batang babae ang tumatakbo.

"Mama, Papa!"

"Yeona"

"Ang tunay mong mga magulang sila Duke Haron at Duchess Yuina" tumingin ako sa gilid ko nagulat ako ng makita siya sa tabi ko ngumiti ito sa'kin.

"Pero hindi ko sila kilala?" dito pala nag simula ang lahat.

"Iyan ay dahil paulit ulit na nabubura ang mga alaala mo sa tuwing mabubuhay ka" aniya. Kumunot ang noo ko nag bago ang piligid this time sa garden naman.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Nikolaj nakangiti siya habang nakatingin sa'kin binuhat niya ang batang Yeona na tuwang tuwa.

"Sino kaba talaga Nikolaj?" tanong ko. Nag karoon ng mga basag na salamin at naging ginto.

"Infinite of Life 'yan ang kapangyarihan ang binigay sa'yo si Yine nais niyang gamitin mo ito para sa ikabubuti mo bilang reyna ng demon world Yeona Yushiya Morculos" Nanlaki ang mata mo dahil hindi Yushiya ang pangalan ko.

Napahawak ako sa ulo ko may mga alaala na pumasok sa ulo ko medyo magulo ito at paulit ulit.

Bumalik na ang lahat sa dati nagulat ako ng makita yung tatlo na nakatingin sa'kin.

Paulit ulit na pag-ibig.

Paulit ulit na kamatayan.

Paulit ulit na pag sisi.

Hindi kona alam ang sunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay nagising nalang ako nasa kwarto na ako hinanap ko si Nikolaj pero hindi ko siya makita.

Si Yeona ang nakatakdang reyna ng mga demon siya din ang pinili ni Goddess Nyx ang babaeng tinadhana para sa human at demon.

Lumaki nasi Yeona namatay si Yine ang great great grandma ko na siyang ikinalungkot nang lahat pati ng mga demon natapos ng mapayapa ang digmaan si Saresia ay isang demon lord siya ang guardian ko at kanang kamay.

Nong naging demon queen si Yeona nagalit siya sa mga tao dahil inalila nila ang mga demon.

Wala sa libro ang mga tagpo na ito. At yung digmaan nasi Yeona mismo ang nag simula.

Mahal ni Diablo si Yeona.

Namatay si Yeona dahil hiniling nyang patayin siya ni Diablo.

Muling mabuhay si Yeona pero marami na ang nag bago hindi ako sinilang kundi matapos mamatay ng katawan ko naging sanggol ulit ito at naulit ang lahat sa umpisa.

Suddenly, I Become A Villainess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon