CHAPTER #14.

2.9K 107 2
                                    

"Yeona sorry anak kung nawalan ako ng time pero susubukan ko-"

"Mother okey napo ako hindi pa naman ako mamatay" hindi ko alam na ganito siya mag panic ngaun namay nangyari sa'kin nabigla talaga ako sa pag dating niya kanina galing pa siya sa isang meeting hindi ako makapaniwala sana ganito din si Mama- hindi dahil malabong mangyari 'yon.

"Maraming salamat sa pag dala sa kaniya sabihin mo ano ang gusto mo lahat ibibigay ko" seryosong sabi ni Mother kay Nikolaj.

Nagulat din ako nong nalaman ko na nakikita na siya ng lang lahat seryoso hindi talaga siya basta basta baka isa siyang magician at mukhang mas malakas pa sa tatlong idiot o isang fairy.

Pero hindi naman siya ganon kasamang tao

"Gusto kolang pong matulog 'yon lang" nalaglag ang panga ko sa sinabi niya tinalikuran niya si Mother at sa sofa nahiga.

"Suspicious mag iingat ka Yeona" bulong ni David tumingin ako sa kanya at kumunot ang noo ko mamaya na ako mag tatanong sa kanila nandito pa si Mother.

"Mother busy ka pa okey na ako nandito naman silang tatlo kaya magiging maayos din ako" nakangiti kong sabi lumapit siya sa'kin at saka ako niyakap nagulat pa ako sa ginawa niya.

"Mabaliw ako kapag ang isa sa mga anak ko ang mawala hindi ko kakayanin Yeona" aniya.

Ang bango niya lahat ba ng nanay ganito ang amoy? at ganito pala kasarap sa pakiramdam ang mayakap ng isang ina.

Lady Yeona kahit na isa kang Villainess mahal na mahal ka parin ng mga magulang mo ang pinag kaiba natin ikaw kahit anong gulo ang gawin mo nasa tabi mo padin ang mga magulang mo pero ako na walang ginawang gulo iniwan at pinag tabuyan parin.

"Salamat Mother" umalis nadin si Mother sabi niya tatapusin niya na ang lahat ng trabaho niya para mamaya aalagaan niya ako sabi ko hindi na at okey lang ako.

"Anong nangyari at sino naman ang lalaki nayun?" tanong ni David seryoso akong tumingin sa kanila.

"Nakilala kolang si Nikolaj pero mabait siya at yung nangyari sumakit lang ang ulo ko" sasabihin koba sa kanila? Sila ang Pinaka malakas na Mage dito dahil archmage sila. Maniniwala ba sila kung sasabihin ko.

"Dilikado 'yon kagaya ng sabi namin dapat palagi ka naming bantayan dahil hindi ka nag mula sa mundo nato paano kung may nakaalam mapapahamak kapa ng dahil lang sa'min" sabi ni Knoxx minsan lang siya mag salita pero may katuturan ang mga sinasabi niya at talaga namang nag panic din tong tatlo kanina.

Oo nga pala sila lang ang nakakaalam kung sino ako.

"Salamat hindi napo mauulit"

"Parang ayaw namin paniwalaan yang sinasabi mo" sabi ni David nakasimangot akong tumingin sa kanya.

"Anong sabi mo" hinila ko ang tenga niya nag tawanan naman ang dalawa.

Ilang araw ang lumipas natuloy ang kasal nang dalawa at siyempre imbitado ako sa kasal at sisiguraduhin kong ito na ang last na gulo ko sa kanilang dalawa at hindi na ako mang gugulo pa tutal naman kahit na baguhin ang story sila padin ang ending.

Pero sisiguraduhin kong ako ang pinaka maganda ngaun kahit na hindi ako ang ikakasal.

"Hindi ka sasama matutulog kalang talaga diyan?" tanong ko kay Nikolaj, Simula nong araw nayun dito na siya sa kwarto ko natutulog nung una tutol si Aros at Kade hindi ko din alam kung bakit pero sabi ko wala namang gagawing masama ang lalaki nayan matutulog lang. Ayun kahit na ayaw nila pumayag padin.

"Sige dito ka muna" lumabas na ako ng kuwarto at bumaba pag baba ko nakita ko ang matatawag kong pamilya completo kami ngaun at nakaayos.

Napangiti ako hindi ito pilit dahil ito ang pangarap kong completong pamilya.

Suddenly, I Become A Villainess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon