EPILOGUE

3.4K 72 4
                                    

    Wow Roses! Thank you sa pag babasa hanggang Ending sana nag enjoy ka sa magulo nilang kuwento

--------------

WALANG ginawa ang dalawa kong kapatid kundi ang sulitin ang araw na ito dahil bukas balik school nanaman sila.

"Nag enjoy ba kayo?" tanong ko sa dalawa.

"Syempre" sagot naman ni Cheska.

"Ate,  ate punta lang ako sa mga kaibigan ko sama kona si Cheska" paalam ni Dash.

"Sige,  pero wag gagawa ng kalokohan Dash, Cheska,  nako" umalis na ang dalawa naiwan  akomg mag- isa nag lakad lakad muna ako.

Sobrang kapayapa ang lahat,  tumingin ako sa buwan kabilugan pala niya ngaun. Ngumiti ako dahil naalala ko ang Olivin kingdom.

In Olivin Kingdom hindi ako nakakita ng buwan ang nakita ko lang ay mga nag gagandahang bituin.

"Are you alone,  Miss?" Tumingin ako sa likod ko at nakita ang isang lalaki.

Kumunot ang noo ko kasi siya yung pinag kakaguluhan ng mga babae kanina.

"Excuse me Sir. Have we met before?" tanong ko. Nag kibit balikat ito.

"What do you think?" tanong nito. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa,  No. I never meet him before baka naman nahihiya lang ako kaya bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Oh, i see.  i think kanina lang talaga tayo nag kita,  sorry. Mukhang malamig na babalik na ako sa loob" paalam ko umalis na ako bago pa siya nag salita. Hindi tumitigil ang tibok ng puso ko kahit na papalayo ako sa kanya para bang sinasabi ng puso ko na balikan ko ito dahil mahalaga siya sa'kin.

Huminto ako sa pag lalakad at humawak sa puso ko. Paano kung makinig ako? paano kung sinunod ko ang puso ko na balikan yung lalaki? anong mang yayari? Nikolaj ayaw kitang palitan ngunit kung titibok ang puso ko sa iba hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Ara" napatingin ako sa tumawag sa'kin nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino siya.

"Yeona?" gulat kong sabi ngumiti si Yeona sa'kin.

"Listen, trust, and follow your heart" aniya at saka na siya at unti unting nawala nanlaki ang mata ko ng marealize ko ang sinasabi ni Yeona napatakip ako ng bibig. Nikolaj.

Tumakbo ako pabalik kung saan ko nakita ang lalaki ngunit pag dating ko doon wala na siya nag tatakbo pa ko hinanap ko siya,  please nasan kana.

"Ara over there!" nag pakita ulit si Yeona at tinuro kung nasan si Nikolaj nag tatakbo ako kung nasan siya nag punta ako sa pool kung saan walang katao tao at ang dilim. Sana hindi ako mahulog sa pool buti nalang merong liwanag ng buwan

"Nikolaj nasan ka!" sigaw ko kahit marinig nila ako at isipin nila na baliw na ako  kasisigaw.

"Nikolaj!" sigaw ko tumutulo na ang luha ko habang tinatawag si Nikolaj.

"Yeona" napahinto ako. At napapikit ang boses na 'yon dalawang taon kona itong hindi naririnig sobra ko itong namiss dahan dahan akong humarap sa kay Nikolaj,  pag harap ko nakita ko syang katayo at isa isang bumukas ang ilaw sa paligid hindi ko ito pinansin nakangiti si Nikolaj habang nakatingin sa'kin.

Agad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap si Nikolaj. Mahigpit ko syang niyakap,  yakap na parang ayaw kona syang bitawan.

"I miss you" umiiyak kong sabi nag bago man ang itsura ni Nikolaj dahil sa itim nyang mga mata at clean cut na buhok ,  siya pala ang Nikolaj ko. Siya ang mahal ko. Siya lang at wala nang iba.

Suddenly, I Become A Villainess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon