CHAPTER #21

1.8K 75 2
                                    

"Please! Please sorry napag utusan lang kami, Ara." nakaluhod sa harap ko ngaun ang tatlong mayayabang na babae anak mayaman kaya naman akala mo kung sino na.

"Kayong tatlo minsan ko pang makita ang pag mumukha niyo tuluyan konang dudurugin 'yan" duro ko sa kanila umalis nadin sila nong natapos ako.

"Si Aton ang nag utos niyan hindi ko ma spelling ang lalaki nayun bakit hindi nalang siya pumunta sayo ng personal hindi yung mag uutos pa siya" umirap si Sheila. Tinambangan ako ng tatlo nayun at nag dala pa ng mga tao akala naman nila kaya nila ako wala naman silang ibubuga sa'kin malalaki nga mga katawan puro hangin naman laman.

"Siya nga pala kunusta naman 'yung pag punta mo sa tatay mo?" tanong ni Sheila, habang pinupunasan ko ang kamay ko dahil sa kasasapak ko sa kanina.

"Ayun kagaya ng dati para akong aso na pinag tabuyan" sagot ko. Gusto konang maniwala na talagang ayaw na nila sa'kin pero sana naman kahit na minsan tignan nila ako bilang anak hindi bilang isang aso.

Halos napababayaan ko ang pag-aaral ko pero mataas padin ang grades ko hindi naman ako bobo kahit na hindi ako mag-aral dahil si Sheila hilig niya ang mag-aral minsan kapag nasa bahay siya dinadamay niya ako sa ginagawa niya pati ang pag babasa niya ng novel ang boring kaya non.

Araw araw walang pinag kaiba ang buhay ko dahil doon lang umiikot ng paulit ulit.

"Bukas ulit, bye." paalam ni Sheila.

Nung nakarating na ako sa apartment ko ang linis at ang tahimik naupo muna ako sa isang tabi at tumingin sa kawalan. Sana ako din may mga magulang na nag mamahal at nag aalaga.



Minulat ko ang aking mata bumangon ako mula sa bintana nakita kong tanghali na tumingin ako sa sofa himala wala si Nikolaj nyare?

"Gising kana pala Lady Yeona maagang umalis si duke at ang yung dalawa mong kapatid busy ang duchess may gusto kabang kainin?" tanong nito. Busy nanaman ang lahat at ako eto nanaman mag-isa. Gusto kong kumain ng maanghang ngaun kaya naman sinabi ko kay Nami na mag handa siya ng maanghang na pag-kain.

Nag ayos na ako aking sarili matapos non lumabas na ako

Habang nag lalakad napatingin ako sa bintana mukha atang nag dagdag ng bantay ngaun dahil siguro utos ni Mother ganon ba talaga siya nag aalala sa'kin ang suwerte ko naman sa kaniya pero dapat ko pading malaman ang tungkol kay Lady Yeona.

Nag punta ako sa library para mag hanap ng libro na mababasa tungkol sa kapangyarihan na meron ako sa pinaka taas kopa nakita nakita yung hinahanap ko kaya naman inakyat ko pa 'yon nong nakuha kona nakaupo ako sa hagdan hindi padin ako bumababa.

Talaga namang kakaiba ang kapangyarihan na meron ako Infinite Light , Moon, Sun, Star and now Life.

Nakalagay din dito kung paano gamitn ang kapangyarihan nayun.

Goddess Nyx is really love this kingdom infinite moon ay merong suporta ng goddess tinuturing din itong secret weapon ng olivin kingdom na siyang hawak ng dating reyna.

Ngunit ang sumunod na hari naging makasarili siya nag away ang mga demon and human at nagalit ang goddess ginamit ng dating reyna ang kanyang kapangyarihan sinubukan niyang ayusin ang gulo na siyang dahilan ng pag kamatay nito.

Sumunod naman ay isang duchess ang kaso hindi katulad ng nauna hindi nag tagal ang buhay niya dahil namatay din siya agad sa edad twenty six at hindi nakapag asawa.

Iba ang nabasa ko sa prologue nong story dahil dalawang digmaan lang  ang dumaan sa nabasa ko ngunit hindi pala dahil ang unang digmaan sa pagitan ng human and demon sumunod naman ay human to human nang dahil sa Infinite Light ang akala ng lahat pinabayaan na sila ng lahat ng nasa taas.

Ikatlo naman ay yung human to demon nanaman na siyang pinigilan ni great great lola ko ikaapat yung kay Diablo. Ano naman ngaun na ako ang may kapangyarihan ng ganito human to monster naman.

Sabagay sa mundo na pinag mulan ko hindi lahat ng nasa libro totoo ang nakasulat pero ako mismo napunta sa libro at naging si Lady Yeona at nag simula ng maging magulo ang lahat.

Nong akala ko kapag natapos kona ang mission kong hindi ako mamatay magiging payapa na ako at hahanapin ko ang lugar kung saan ako nababagay ang kaso ito ang nangyari nakatakas si Diablo, May mga bagong character at bagong pangyayari hindi kona alam ang susunod tapos ito pa meron pang lihim sa tunay na pag katao ni Lady Yeona.

Dito na siguro mag sisimula ang pinaka mahirap na part after all patapos na ang kuwento nong dumating ako dito hindi na ako nahirapan na iligtas ang sarili ko sa kamatayan siguro dito palang mag sisimula ang dapat na mag simulang pangyayari

Saresia, Infinite Life, Nikolaj.

Ang mga 'yan misteryoso pa sa'kin maliban sa Infinite Light dahil kahit papaano meron akong nabasa tungkol sa kapangyarihan nayan tapos si Saresia naman nakalimutan ko meron ding tao ang nakaalam na hindi ako taga rito at si Nikolaj wala pa akong alam tungkol sa pag katao niya.

Tinaas ko ang kamay ko at tinignan yung seal na nasa kamay ko isa pa ito.

"Hindi kaba natatakot na baka mahulog ka?" napatingin ako sa baba nakita ko si David meron siyang binabasang libro.

"Bakit ka ba nandito. Wala ako sa mood makipag lukohan"

"Hindi naman ako nakikipag lokohan ikaw lang talaga ang loka loka minsan. Siya nga pala merong sasabihin sayo si Koa" aniya at saka na umalis.

Kakaiba talaga siya hindi ko siya ma gets minsan dahil sa ugali niya.

Bumaba na ako ang kaso nong tatlong hakbang nalang pababa nawalan ng balanse ang hagdan at nahulog ako.

Hindi ko naramdaman na bumagsak ako sa sahig kaya minulat ko ang aking mata nakita ko si Nikolaj seryoso ang kanyang tingin sa'kin habang salo ako.

Agad naman akong tumayo at lumayo sa kanya inayos ko ang sarili ko at tumikhim.

"Hindi bagay sa isang Lady ang umaakyat sa taas at nauupo sa mataaas" aniya. Bumuga nalang ako ng hangin.

"Sorry but i am not a Lady " sabi ko. At saka na ako umalis iniwan kona siya doon meron din akong gustong malaman tungkol sa kanya ang kaso hindi ko alam kung bakit wala akong lakas ng loob para mag tanong.

"Mukha atang hindi ka mataray at barombado ngaun hindi bagay sayo" nanlaki ang mata ko at tumingin sa gilid ko hindi ko alam na kasabay ko pala siya sa pag lalakad hindi ko naman kasi ugali ang intindihin ang nakapaligid sa'kin.

"Bakit kaba sumusunod?" tanong ko

"Hindi kita sinusundan ha, Papunta na ako sa kuwarto ko para matulog" aniy at saka humikab.

"Aba kailan mo pa naging kuwarto ang kuwarto ko aber?" inis kong tanong hindi niya pinansin ang sinasabi ko.

Isa ito sa nag aalalangan ako kapag mag tatanong ako bigla bigla kasi siyang tumatahimik.

"Bakit hindi kaba masaya?" tanong nito. Taka naman akong tumingin sa kaniya diretso naman ang tingin niya.

"Hindi ko alam na ganito pala mag alaga ang isang ginto. Makinig ka hindi ka mag-isa kaya naman dapat masaya kalang wag kang mag alala hindi ako papayag na kunin ka nila at saktan" aniya. Woah! What's wrong anong pinag sasabi niya? adik ba siya?

"Anong pinag sasabi mo?" tanong ko. Kumunot lang ang noo niya at tumingin sa'kin huminto siya sa pag lalakad ganon din ako at tumingin sa kaniya.

"Naniniwala kaba na talagang masasama ang mga Demon?" tanong nito.

"Hindi ko alam. Kakaiba ang mundo nato ang hirap intindihin ang gulo din" sabi ko. Nanlaki ang mata ko ng marealize ko yung sinabi ko hindi niya pala alam na hindi ako si Yeona.

"Magulo ang mundo nato kaya naman napag desisyonan namin na ilayo ka at para maging ligtas ka ang kaso bumalik ka ulit" nagulat ako ng hawakan niya ang pisngi ko at yung takas kong buhok nilagay niya sa tenga ko.

"Anong sinabi mo?" tanong ko ngumiti lang siya bumaba ang kanyang kamay sa mahaba kong buhok at inamoy niya yun.

"My queen"

***********

Suddenly, I Become A Villainess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon