CHAPTER#22

1.7K 65 4
                                    


Naweirdohan ako kay Nikolaj inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa buhok ko hindi parin malinaw sa'kin kung sino ba talaga siya? kaaway ba siya o kakampi.

"Sa totoo lang hindi kita ma gets at saka hindi pa kita kilala bukod sa pagiging tulugin mo wala pa akong alam tungkol sayo" seryoso kong sabi tumingin lang siya sa mga mata ko at tapang kong sinalubong ang kanyang mga tingin napangiti naman siya na para bang nag eenjoy siya sa nakikita niya.

"Hindi ko alam kung anong binabalak mo pero sana ligtas yang gagawin mo" aniya at saka na umalis. Hah? hindi ko talaga siya magets umiling nalang ako at umalis pumunta ako kung nasan ang tatlong Mage nakita kong busy sila sa mga trabaho nila actually halos nakakalimutan narin ni teacher namay klase ako sa kanya pero hayaan muna.

"Nandito kana pala. Meron sana kaming gustong sabihin sayo." seryosong sabi ni Koa, naupo ako sa sofa at silang tatlo naman mag kakasamang naupo sa kaharap na sofa.

"Ano naman yun?" tanong ko.

"Ano ba dapat ang itawag namin sa'yo Yeona o Ara meron sana kaming hihilingin" sabi ni Koa.

"Yeona, dahil total naman wala na ako sa dati kong buhay" tama gagamitin ko ang pangalan ni Yeona dahil total naman nandito naman din ako sa katawan niya.

"Kung ganon Lady Yeona nais namin ang tulong mo kailangan namin ang kapangyarihan mo" seryosong sabi ni Koa kumunot naman ang noo ko dahil nagiging weird na sila.

"Hindi basta bastang demon lord ang kalaban natin ngaun at kahapon lang naman sa wizard god tower humingi ako ng tulong kahit alamin lang kung sino ang kalaban natin at nalaman namin na hindi siya basta basta" aniya. Bumuga siya ng hangin at seryosong tumingin sa'kin.

"Hindi siya taga dito sa mundo nato katulad mo dahil nag mula din siya sa mundo na pinag mulan mo" nanlaki ang mata ko. Nag kamali ba ako ng dinig o ano? tama ba ang narinig ko?

"P-Paano? kung ganon hindi lang ako ang nag mula sa mundo ko meron pang iba?" tanong ko tumango si Koa.

"Hindi namin alam kung paano nangyari pero sigurado na hindi siya nasabay sayo sa pag punta mo dito at mukhang alam na alam niya ang lahat tungkol sa Olivin Kingdom kaya masasabi kong nauna siyang napunta dito bago ikaw" aniya. Napaisip naman ako hindi ko inaasahan 'yon teka kapag nag mula ba talaga sa mundo ko malalakas na pag dating sa mundo nato?

"Malakas ba siya?"

"Oo. Masasabi naming malakas siya pero unknown pa din kung sino siya pero malinaw na sa kanya nag mumula ang mga monster na nakalaban ng iyong ama at mga kapatid at nakakalungkot sabihin na baka sa mga sumunod na araw mas lalong dumami at baka lumakas pa ang mga monster"

"Sa mundo na pinag mulan ko mga ordenaryong tao lang no mana, no powers, magic ang mundong ganito ay isang magical world lang sa'min sa panagip lang meron kaya nag tataka ako bakit pag dating namin sa mundo nato malakas kami?" tanong ko.

"Walang paliwanag sa ganiyan pero ilan lang ang nakakaalam na ganon ang mangyayari" Natahimik kaming lahat. Pare parehas kaming walang Idea sa bagay na 'yon.

Siguro kung hindi nangyari to ngaun ano na kaya ang ginagawa ko after makasal ng dalawa? ayaw konang isipin siguro dapat malaman nanamin kung sino yung tao na nag mula sa mundo ko na syang kalaban namin ngaun.

Hindi pa nakikita si Diablo at hindi kopa nakikita si Saresia pero naririnig kong binabangit ang pangalan ko dapat kopang kausapin si Mother to know everything.

Si greate grandmother ang huling may hawak ng ganitong kapanguarihan at matagal na 'yon tapos ako meron ngaun at si Nikolaj.

"Meron sana akong ipakikiusap" napatingin silang lahat sa'kin tumingin ako sa kamay ko kung saan nakalagay yung tattoo.

Suddenly, I Become A Villainess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon