CHAPTER #29

1K 35 0
                                    


"Ang boring naman dito hindi ko alam kung paano ka nakatagal dito" tanong nito bumuga nalang ako ng hangin.

"Hindi naman ako katulad mong mareklamo" sabi ko tumawa naman siya at nilagpasan na ako.

"Mag kita tayo sa endo kung saan ang dulo ng demon world doon tayo mag lalaban maraming monster doon. Wala din akong paki kung mag dadala ka ng mga kasama pero kung ako ang tatanungin mas maganda kung tayong dalawa lang ang mag lalaban" aniya niharap ko siya dahil nasa likod kona siya.

"Okey lang sa'kin dahil wala naman akong isasama ayaw sa'kin ng ibang demon kaya ako lang din ang lalaban" nakangisi kong sabi.

"Si Ara ang gusto kong makalaban hindi si Yeona kaya naman mag kita tayo sa ikatlong araw bago tuluyang bumalik si Yeona dahil kahit na iisa lang kayo si Yeona parin ang orihinal,  dahil ikaw parang isang clone kalang ang misison mo ay ang baguhin lang ang kapalaran niya hindi yung manatili dito habang buhay" aniya. Yimuko naman ako at napahawak sa dibdib ko.

Hindi ko alam ang bagay na 'yon pero ngaun na sinabi niya na alam ko na. Kung babalik si Yeona paano na ako? babalik rin ba ako sa tunay kong katawan

"Mukhang hindi mo pa alam ang lahat ang alam mo lang ay iisa kayo ni Yeona pero mag kaiba ng ugali ang hindi mo alam kaya ka naisilang dahil kapag namatay si Yeona mapupunta ka sa katawan niya para baguhin ang kapalaran niya at hindi siya mamatay. Well ang totoo hindi ko alam kung 'yon ba talaga ang mangyayari" aniya nainis naman ako sa kanya.

"Kung ganon puwedeng hindi na makabalik si Yeona?" tanong ko nag kibit balikat naman siya.

"Oo pero kagaya ng sabi ko hindi ko alam ang lahat" aniya at saka na siya umalis. Napahawak nalang ako sa ulo.

Naupo ako sa trono ko at natulala kalaban kona nga siya parang kahapon lang ang kilala kong Sheila ay parang hindi kayang pumatay ng ipis tapos ngaun kalaban kona siya grabe ibang level na ang mga nangyayari pero kung 'yan ang gusto ni Sheila at tutal naman nasa ibang mundo na kami merong magic kaya lalaban ako.

"I see Sheila my dear bestfriend you want a fight then,  let's fight" Ngumisi ako at tumawa ng malakas ito ang unang pag kakataon na tumawa ako ng ganito para akong demonyo.





NIKOLAJ's P.O.V

"Hala anong nang yayari sa kanya?" David asked.

"Mukha atang masama na ang tama niya" Knoxx said. Ang akala namin kung anong mang yayari matapos naming maramdaman namay kakaiba sa loob ng temple at na abutan naming nag uusap si Queen Yeona at ang kanyang naging kaibigan sa kabilang mundo.

Umalis na ako at hindi nalang sila pinansin mukhang may binabalak si Queen Yeona ngaun at dapat kong malaman 'yon tumingin ako sa kamay ko parehas lumabas ang crist namin pero kahit na meron kaming ganito hindi ko pa rin makukuha ang puso niya kahit na hindi na siya ang dating Yeona ,  Siya pa rin ang babaeng minahal ko.

Ginawa ko ang lahat para protectahan siya wala akong sinayang na oras para kay Yeona after all nangako ako kay Yine na hindi ko bibitawan si Yeona.


100 years Ago

"Bakit ang lakas niyang umiyak?" tanong ko kay Yine hindi ko alam kung bakit siya tumawa sa tanong ko binuhat niya ang baby at pinatahan ito sa pag iyak tumingin lang ako sa kanya.

"Lahat ng sanggol malakas umiyak lalo na kapag malayo sila sa kanilang ina" aniya. Nag poker face lang ako.

"Malay koba,  hindi ko alam" sabi ko tumawa nanaman siya at naupo sa tabi ko tumingin sa'kin ang baby ang ganda ng mga mata niya katulad ng kay Yine.

"Ang ganda niya diba,  Nikolaj?" tanong ni Yine tumingin ako sa kanya nakangiti siya habang nakatingin sa baby.

"Lahat ba ng tao ganito? dumadaan sa pagiging sanggol?" tanong ko tumingin sa'kin si Yine at ngumiti.

"Oo naman,  alam ko ikaw din Nikolaj naging cute na sanggol karin" aniya. Hindi ko alam. Dahil isa akong demon isang demon lord ang aking mga magulang at hindi pa ako nakakakita ng mga baby na demon, baby monster lang pero ang papangit nila hindi kasing gandani Yeona.

"Hawakan mo Nikolaj at malalaman mo kung bakit sila mahalaga" aniya binigay niya sa'kin ang baby at hindi ko akalain na ganito sila kabigat.

"Ang bigat at ang init" sabi ko hinawakan niya ang daliri ko ito ang unang pag kakataon hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Simula nong araw na 'yon nangako ako na hindi ko pababayaan si Yeona poprotectahan ko siya hanggang sa pag daan ng panahon si Yeona nag karoon ng Infinite light of life binigay sa kanya ng goddess nasi Nyx at si ang pinili ng goddess para maging queen ng mga demons.

Marami ang natuwa..

Ipinag katiwala sa'kin si Yeona ng kanyang mga magulang at kasama ko si Saresia na nag alaga kay Yeona. Hawak ko siya sa kamay hanggang sa lumaki si Yeona pero ang akala kong habang buhay na hawak kamay nag bago ang lahat nag laho ang lahat.

Naging ibang tao si Yeona she use Demon to killed human. No one can stop her anger that's why me and Saresia decide to do something kahit na alam kong iyon ang mag lalayo sa'min ni Yeona at wala na akong pag pipilian pa,  ang kapangyarihan niya ay kakaiba mamatay siya at muling mabubuhay dahil meron din siyang gabay ng Goddess.

Habang naka seal ako hindi ko alam kung anong nangyayari kay Yeona sana naman okey lang siya. Sana naman nakahanap siya ng matinong asawa at merong magandang buhay kahit hindi niya alam na isa siyang Queen.

"You're free now Diablo" sabi ng babae siya ang nag seal sa'kin hindi ko siya kilala pero isa lang ang alam mo hindi siya basta basta.

"Marami na ang nag bago simula nong na seal kita katulad nalang ni Yeona" nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang pangalan niya and then she told me everything.

There was two Yeona but the other Yeona is in different world and now she's here because the Yeona here are gone. Pero hindi pa alam kung talaga bang nawala na ang dating Yeona kahit na iisa lang sila marami pa rin silang pinag kaiba lalo na at nabuhay sila sa mag kaibang mundo.

Bumalik ako sa mansion to see her and finally i saw her she still beautiful and my heart still founding everytime i see her. Her smile never change hindi ko masabi na ibang Yeona siya hindi ko masabi na Yeona siya na nag mula sa kabilang mundo dahil siya pa rin si Yeona.

At kahit saan siya nag mula siya pa rin ang babaeng hinawakan ko sa kamay at pinangakuan na hindi bibitawan sa huli.

"Nikolaj" napatingin ako sa tumawag sa'kin nakita ko ang nakasimangot na mukha niya kaya napangiti ako.

"Bakit? kanina lang tumatawa ka ng malakas ngaun nandito kana hinahanap mo 'ko? ano nanaman ba ang kailangan mo?" tanong ko. She pout so cute.

"Gusto pa naman sana kitang makita pero ngaun na nakita na kita parang nag sisi na ako na hinanap pa kita" aniya. Bumuga ako ng hangin at lumapit sa kanya.

"Alam kong nag pakita sa'yo ang kaibigan mo ano na ang balak mo?" tanong ko hinawakan ko ang maganda at mahaba nyang buhok hindi ako mag sasawa sa ganito,  naging habit kona atang hawakan ang buhok niya next time sa kamay naman hindi mona ngaun dahil kapag hinawakan kona siya ngaun baka hindi kona ulit siya mabitawan pa para hindi na siya mawala at malayo pa sa'kin,  hindi kona kaya.

Matagal rin akong nag tiis hindi na ako papayag na matagal akong muling mag titiis at mag hihintay.

"Ah, nandoon kadin pala nakita ko kasi sila Prince Killia at sinabi niya rin sa'kin na nakita nila" kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Ayaw ko talaga na nandito 'yan lalo na nong nalaman ko ang ginawa niya kay Yeona gusto ko siyang patayin pero ayaw ni Yeona na pumatay ako kaya wag nalang buti nalang at hindi na siya mahal ni Yeona ngaun.

"Mag pahinga kana muna ako na ang bahala sa ibang trabaho"

"Really thank you kung ganon matutulog muna ako" aniya at umalis na,  tumingin ako sa bintana hindi kopa alam kung nasan si Saresia at kung nasan man siya sana okey lang siya at bumalik na siya.

******

Suddenly, I Become A Villainess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon