Mission 15

180 13 6
                                    

"Nagaral ako sa Estados Unidos noong bata pa ako kaya maalam ako ng wikang Ingles. Tsaka ano bang nakakapagtaka roon, samantalang karamihan ng tao dito sa Narvaez ay madalas umimik noon. Sabagay ikinulong ka nga pala buong buhay mo sa inyong mansyon, kaya hindi mo alam ang tungkol sa bagay na iyon," ngumisi pa siya matapos sabihin iyon. Nangiinsulto ba 'to? Saka totoo ba talaga 'yung sinabi niya? Nahihiwagaan na talaga ako sa lugar na 'to, kakaiba ang sistema ng pamumuhay nila kumpara sa mga history books na nabasa ko noon.

Ang alam ko ay mga maharlikang pamilya lang ang may kakayanang makapagaral sa ibang bansa. Iyon ang mga pamilyang madalas umimik sa wikang espanyol. Pero English? Nakakapagtaka ang sinabi niyang HALOS lahat ay nakakapagsalita noon gayong halos lahat ng tao sa Narvaez ay simple lang ang pamumuhay. Hindi sa pagiging judgemental ha, pero parang ganon na nga. Madalas kasi sa mga nababasa ko na kahit ang mga maharlikang pamilya ay walang kakayahang umimik ng wikang Ingles at tanging ang mga taong nagsasalita lang sa wikang Espanyol ang itinuturing na Maharlika.

Mahiwaga ba talaga ang lugar na 'to o masyado lang talaga akong judgemantal?

"Alam mo unang kita ko pa lang talaga sa'yo alam ko na mabaho ang ugali mo!" bulyaw ko bago isubo ang pansit na aking binili. Tinawanan lang niya ako bago sumandal sa upuan. Ipinagsiklop pa niya ang kanyang mga braso at nagcross legs. Akala mo naman hari!

Nang magkabungguan kami kanina ay inaya niya ako rito sa karinderya, kung gusto ko daw malaman kung paanong nakakapagsalita siya ng english. Hindi ako tumanggi kasi nacurious talaga ako. Bumili lang ako ng pansit para naman may nginunguya ako habang nagpapaliwanag siya. Samantalang siya naman ay walang binili dahil wala daw siyang pambili.

 Kung close kami edi nilibre ko siya e kaso hindi. Bahala siyang magutom diyan.

"Iyan rin ang sinabi mo sakin noon," ngumiti siya habang nakatingin sakin. Biglang nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

Kailan ko naman sinabi 'yon? "Ngayon naman gumagawa ka ng kwento," nawiwiwirduhan na ako sa kanya sa totoo lang.

Nagkibit-balikat lang siya bago tumayo, "O siya, mauna na ako sa'yo, Binibini. See you!"

Hindi ko na siya pinansin at tinapos na lang ang pagkain. Bumalik agad ako sa bahay dahil malapit ng magdilim. Nangako pa naman ako kay Mang Kulas na babalik agad ako bago mag gabi. Kaya kailangan ko nang makauwi agad.


"Celestina, mabuti naman at ika'y nakauwi na. Halika at sabay-sabay tayong maghahapuan..." agad na bati ni Ina pagkapasok ko sa bahay. Agad naman akong sumunod sa kanya papunta sa kusina. Naroon na ang lahat pati na rin ang mga trabahador at kasambahay. Kasabay naming kumain ang mga trabahador dahil sabi ni Ina ay pamilya na raw ang turing nila sa mga ito. 


Ang swerte ni Celestina, may mabait at mapagmahal siyang pamilya. Well, mabait at mapagmahal rin naman si Master. At saka siya lang ang kasama ko sa buhay... pero hindi ko rin naman maiwasang isipin na parang may palaging kulang. Speaking of my tatay, miss na miss ko na siya! Hay, bakit kasi ako napunta dito?


Napadako ang tingin ko kay Diego na katabi ng kakambal niyang si Samuel. Ngayon na lang uli siya sumabay sa amin. Pinaglalaruan niya ang kutsarang hawak habang walang emosyong nakatingin sa akin. Iniwas ko na lang ang aking tingin at saka umupo sa katabi ni Josh. 


 Lumingon ako kay Josh na kanina pa pala nakatingin sa 'kin. "Saan ka na naman galing ha?" bulong niya.


"Wala ka na dun!"

"Attitude mo ha!"


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret Agent's Historical MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon