Mission 8

176 18 1
                                    

"Anak, kakain na, lumabas ka na dyan!" nakinig kong sigaw ni Ama. Nandito ako ngayon sa isa sa malaking kwarto dito sa barko, kashare ko si Zabel, pero wala sya ngayon dito. Katabi lang ng kwarto namin ang kwarto ni Ama at Ina. Tapos nasa tapat naman yung kwarto ni Josh.

"Andyan na po!" balik na sabi ko. Ibinalik ko na yung mga gamit ko sa bag. Kinuha namin kanina ni Josh yung mga gamit namin sa Casa de la Calle Paredes bago kami umalis.

Paglabas ko ng kwarto ay saktong paglabas rin ni Josh. Tinignan ko sya mula paa hanggang ulo, Haha.
Anong trip nito?

Biruin mo kasi, yung isa sa pants na binili namin kanina, ginupit ng kupal! Hanggang tuhod na lang yun ngayon. Tapos yung rubber shoes na suot nya tuwing napasok kami sa school, ang ginamit nyang sapin sa paa. Tapos yung Kamisa de chino, ginawang t-shirt. Hay life parang buhay!

"Tsk! ano na namang trip mo?" nakangiwing tanong ko, atsaka nauna na sa paglalakad.

"Hindi 'to trip no! Style to! Style!" pasigaw na sabi nya.

"Kalma tayo! Ano nga kasing trip——este style 'yan?"

"Kamiso de Josh ala modern style!" proud na sabi nya.

Natigil ako saglit, bago napahagalpak ng tawa. Grabe! Kamiso de Josh ala modern style? Hayup! lakas talaga ng trip ng lalaking to! HAHAHA!

"Wengyaa Josh! lakas talaga ng trip mo! Ay hindi pala, style pala! Hahahaha!" napahawak na ako sa tiyan sa kakatawa. Agad naman akong napatigil nang batukan ako ni Josh! Aba! Naganti ang isang to ah!

"So, gantihan pala ha?" nakangising  sabi ko sa kanya. Unti-unti akong lumapit at umakbay sa kanya. Mas matangkad ng mga 5cm sa'kin si Josh kaya napatikdi pa ako, at napayuko sya.

"Oy! Biro lang yun, Celine! Walang seryosohan!" kinakabahang sabi nya.

"Nagbibiro lang naman talaga ako eh!" nakangiting sabi ko, bago inipit ang leeg nya gamit ang braso ko. Katulad ng ginawa nya kanina. Diba, gantihan lang kami, hahaha.

"Wala naman talagang seryosohan eh, hahaha." gigil kong sabi, habang  sakal pa rin sya.

"Cel—ine, m-mama—matay na a-ako!" hirap na sabi nya. Pilit pa syang sumisigaw pero hindi ko pa rin sya binibitawan. Bumitaw lang ako ng maramdaman kong hindi na sya gumagalaw. Saka sya dahan-dahang bumagsak sa sahig.

"Tsk! Basic! Haha!" tawa ko habang nakatingin kay Josh na parang tangang nakabulagta sa sahig. Huwag kayong magalala di pa patay  'yan. Ganitong paraan ang biruan namin sa isa't-isa. Nagpapatay-patayan!

"Binibini? anong ginawa mo sa ginoong iyan?" natigilan ako dahil sa nagsalita. Unti-unti akong tumalikod, at nakita ko si Mysterious Guy. Yung lalaking paulit-ulit na gumugulo sa isip ko. Yung lalaking nakita ko kanina bago kami sumakay sa barko. Yung lalaking nakatingin saakin habang lumuluha sya.

"U-uhm, ah, pinatay ko?——ah, I mean——ang ibig ko palang sabihin ay... ah, hindi pa yan patay, hehe." shikz ano bang sinasabi ko?

Palihim kong sinipa si Josh sa likod ko, kaya napasigaw sya.

"Masakit yun, Celina ah! 'Pag talaga ako nakaganti sa'yo. Eray ka sakin——" napatigil sya sa pagsatsat nang mapansin nyang may tao sa unahan. Kasabay kasi ng pagsasalita ay ang pagtayo nya habang nagpapagpag ng damit.

"Ginoo, ayos ka lang ba?" tanong nitong lalaking nasa harap namin.

"A-ah, hindi, eh! Itong babaeng to kasi balak akong patayin." bigla akong napatingin kay Josh. Ano to? Betrayal? Hayup! Laglagan pala ah!

"Paanong hindi kita papatayin? Eh, balak mo akong rape-in——este gahasain!" balik na sisi ko sa kanya.

"Hoy! Hindi ah! Itong mukhang to? Manggagahasa?

Secret Agent's Historical MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon