"Ngayong araw ka na ipapakilala bilang unica hija ng mga Alvarez, Celina.."
Iyon ba ang dahilan kung bakit abalang-abala ang mga tao dito? At kung bakit ang daming taong pumupunta dito sa bahay?
"Bakit ngayon niyo lang sinabi? Hindi tuloy ako prepared," kunot-noong sabi ko. "Tinanong mo ba? 'Di ba hindi? Kanina ko rin lang nalaman pagkagising ko, e." pabalang na sagot niya bago umirap.
"Bakit irap ka nang irap? Bakla ka ba, ha?" kanina pa siya irap nang irap, e.
"Bakla agad? Hindi ba puwedeng trip lang?"
"Lakas talaga ng trip mo!"
Natigil kami sa pagbabangayan nang makarinig ng katok. Nagkatinginan kami ni Josh, "Senyorita, narito na po ang inyong kasuotan para sa gaganaping salu-salo," narinig naming sabi ni Zabel mula sa labas.
"Bilisan mo magtago ka!" aligagang sabi ko kay Josh habang tinutulak siya papunta sa aparador malapit sa pinto, "Shit! Celina madadapa ako! Dahan dahan naman!"
Nang masiguro kong hindi siya makikita ay dahan-dahan akong lumapit sa pinto saka ito binuksan. Nakangiting si Zabel ang bumungad sa akin dala ang nakatuping magarbong kulay pulang baro't saya at itim na barong tagalog.
"Magandang Hapon po, Senyorita," bati niya sa akin, "Maaari po ba akong pumasok, upang ika'y aking matulungan sa pagaayos?"
Agad naman akong umiling, " A-ah, ayos lang. Ako na ang bahalang magayos sa aking sarili,"
"Ngunit.."
"Kaya ko na talaga, Zabel. Maaari ka namang magpahinga na lamang. Alam kong napagod ka sa mga gawain kanina."
Ngumiti naman siya bago ibigay sa akin ang baro't saya, "Masusunod po, Senyorita,"
Sasaraduhan ko na sana ang pinto ngunit pinigilan niya ako, "Sandali lamang po, Senyorita,"
"May kailangan ka pa ba?" kinakabahang tanong ko. Baka kinukutuban na siya na may tinatago ako kaya ako nagmamadali. "Ano po ang nangyari sa inyo? Bakit ang daming dugo ng inyong damit?"
Napatingin ako sa braso ko. Ngayon ko lang uli naalala na mayroon akong sugat.
"Ah, hindi 'to dugo. N-na... natalsikan lang ako ng mga katas ng kamatis kanina habang namimili kami sa palengke. Iyon nga, hehe," naniwala naman siya sa sinabi ko dahil marahan siyang tumango.
"Oo nga po pala, Senyorita. Nakita niyo po ba si Ginoong Josh? Wala po siya sa kaniyang silid nang ito'y aking katukin," itinuro niya pa ang katapat na silid kung nasaan ang kwarto ni Josh. "Ipinabibigay po pala ito ni Don Facundo sa kaniya. Ito daw po ang isuot niya para sa gaganaping salu-salo," kay Josh pala 'yung itim na barong tagalog.
Kinuha ko sa kaniya ang damit ni Josh gamit ang isa ko pang kamay. Napakunot naman ang noo niya ngunit wala rin siyang nagawa, "Ako na ang bahalang magbigay nito sa kaniya. Maaari ka nang umalis. Maraming Salamat, Zabel,"
Yumuko na lang siya bago magpaalam. Sinigurado ko munang tuluyan na siyang nakaalis bago muling sinarado ang pinto.
"You can go out now, Josh!" sabi ko habang inilalapag sa kama ang mga damit.
"Woah! Ang init sa cabinet mo, Celina!" pinunasan niya ang pawis niya sa noo. Ang init nga talaga siguro doon.
"Kanino 'yan?" tanong niya nang makita ang mga damit na nakalapag sa kama, "Sa atin daw. Iyan daw ang susuotin natin mamaya."
Agad naman siyang lumapit sa kama at sinuri ang barong tagalog na isusuot niya. "Nice, ganda ng design," sabi niya bago tumingin sa akin, "Alis ka muna, magbibihis ako. Baka makita mo pa abs ko."
BINABASA MO ANG
Secret Agent's Historical Mission
أدب تاريخي[FIL/ENG] Si Blythe Fayra Celina Alvarez ay isang magaling na secret agent, at aksidenteng napunta sa taong 1887. Ayon sa mga napagaralan nya, ito ang taon na sakop pa ng mga espanyol ang bansang Pilipinas, that is also the year when the sudden deat...