"Senyorita, ano po iyang inyong kasuotan. Bakit napakaikli?" kanina pa tanong na tanong 'tong babaitang 'to. Saan daw ako nanggaling. Bakit hindi daw ako umuwi sa bahay ng 2 araw. At ngayon naman anong klaseng kasuotan 'tong damit ko. Ni isa sa tanong nya wala akong nasagot. Eh, kasi naman, sunod-sunod syang magsalita, hindi ako makasingit.
Atsaka, anong bahay? Hindi ko pa nga alam kung sino si Celestina? Tapos ngayon naman may bahay ako dito?
"Siguradong kagagalitan ka ni Don Facundo kung ika'y makita nya sa ganiyang ayos, Senyorita." sino naman si Don Facundo?
"Teka lang nga! What are you saying huh?" nakapamewang kong tanong sa kanya at tumigil sa paglalakad. Naglalakad kami ngayon dito sa, uhm...di ko alam. Basta naglalakad kami sa kalye. Bitbit ni Josh at ni...I don't know her name, yung dalawang kahon. After naming kumain, sya na ang naginsist na magbuhat nung kahon na dala ko. Trabaho nya daw ang pagsilbihan ako eh, kaya sya na daw ang magbubuhat.
"Senyorita, paano po kayo natuto ng salitang banyaga? Kailan ma'y hindi po kita narinig magsalita ng wikang Ingles. Iyon po ba ang inyong pinagkaabalahan nang ika'y mawala?" takang tanong niya sa'kin. Oops! wrong move.
"A-ahm, ano, oo hehe. Iyon nga ang pinagkaabalahan ko nang ako'y mawala." grabe kinakabahan ako, para akong ineenterogate dito eh!
"Ngunit, bakit hindi po kayo nagpaalam sa inyong Ina at Ama? Labis po ang kanilang pagaalala nang sabihin kong wala kayo sa inyong silid nung isang araw. Lalo na po nang sumapit ang hating-gabi ay wala pa kayo. Halos hindi po nakatulog si Don Facundo at Donya Catalina sa labis na pagaalala sa inyo. Halos ipahalughog na po nila ang buong Maynila, ngunit hindi pa rin po kayo mahanap. Sabagay, mahihirapan po talaga sila dahil, walang nakakakila sa inyo dito, maliban na lang sa inyong mga kapamilya at sa aming mga naninilbihan sa pamilya ninyo." mahabang litanya niya.
Teka! Anong Ina at Ama? Andito ba si Master? Eh, anong Ina? Wala naman akong nanay.
"Teka, ano bang sinasabi mo? Kanina pa kita hindi maintindihan. Atsaka sinong Don Facundo at Donya... ano nga yun? Donya Catalina? Yun! Donya Catalina nga! Sino yung mga yun? At bakit nila ako pinapahanap?" naguguluhang tanong ko. Napatingin rin ako kay Josh na tahimik ring nakikinig pero nakakunot ang noo. Naguguluhan rin ang isang 'to panigurado.
"Senyorita? Ano po ba talaga ang nangyari sa inyo? Bakit hindi nyo po kilala si Don Facundo at Donya Catalina na iyong mga magulang?" mga magulang ko? Paanong naging Facundo ang pangalan ni Master? Eh, Zacharrius naman yun.
"Ah, miss—–ay este binibini? Ako ang nakasama nya sa loob ng dalawang araw nang sya ay mawala. Nakita ko sya sa aming lugar noong isang araw, ngunit siya ay walang malay at maraming galos. Dinala ko sya sa aking tahanan at doon ko siya inintay na magising. Ngunit nang siya ay magkamalay ay wala na syang maalala, kahit ang kanyang pangalan ay hindi nya alam, maliban na lang sa lugar kung saan siya nakatira. Sinabi nyang nakatira siya sa Intramuros, Maynila, kaya't sinamahan ko sya dito upang magbakasakaling may makakilala sa kanya at sya'y makabalik na sa kanyang tunay na tahanan." nagulat ako sa mga sinabi ni Josh. Anong sinasabi nitong kupal na 'to?
Pero, infairness ah, galing nya magtagalog ng malalim.Tinignan ko ng may pagtataka si Josh, ngunit kinindatan lang niya ako na nagpapahiwatig na makisakay na lang ako. Kaya't napilitan na lang akong mapatango.
"Naku, ganoon ba ginoo? Maraming Salamat sapagkat inalagaan nyo ang aking Senyorita." bahagya pang yumuko itong si ate kay Josh, bago sya bumaling sa akin.
"Senyorita, kailangan na po nating magmadali sapagkat hindi pala maganda ang inyong kalagayan. Tama nga po si Ginoong J-josh, marami nga po kayong natamong galos. Kailangan pong malaman kaagad ito ng inyong Ama at Ina, lalo na at hindi po pala kayo nakakaalala. At ako nga po pala si Zabel, ako po ang inyong personal na tagapagsilbi" nagaalalang sabi ni Zabel na personal na alalay ko daw. Bahagya pa syang yumuko bago mauna sa'min sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Secret Agent's Historical Mission
Historical Fiction[FIL/ENG] Si Blythe Fayra Celina Alvarez ay isang magaling na secret agent, at aksidenteng napunta sa taong 1887. Ayon sa mga napagaralan nya, ito ang taon na sakop pa ng mga espanyol ang bansang Pilipinas, that is also the year when the sudden deat...