Mission 9

169 17 2
                                    

"Maligayang Pagbabalik Don Facundo at Donya Catalina. Ikinalulugod ko naman na ika'y makitang muli, Senyorita Celestina." pagbungad sa amin ng isang binata na nakasuot ng pangmagsasaka. Hinubad niya ang kaniyang sumbrero at itinapat  sa kanyang dibdib bago bahagyang yumuko.

Wooh! Narvaez City!

Inabot kami ng dalawang araw sa paglalakbay, at ngayo'y kabababa lang namin sa barko. At sinalubong kami ng isang poging nilalang.

"Anak, siya si Samuel. Isa siya sa ating mga kutsero," wika ni Ina sa akin bago bumaling sa lalaki na nagngangalang Samuel, "Marahil ay alam mo nang nawalan ng ala-ala si Celestina, hindi ba Samuel?"

Ngumiti naman si Samuel, "Nakarating nga po sa amin ang balita, Donya Catalina. Labis po kaming nabigla ng magpadala si Zabel ng sulat, na nagsasabing nawala ang Senyorita. Ngunit agad rin kaming natuwa ng malamang nakabalik siya ng ligtas, makalipas ang dalawang araw. Ngunit ang magandang balitang iyon nama'y may kaakibat na masamang balita, at yun nga po ay nawala ang ala-ala ng binibini."

Hindi ako makapaniwalang kutsero lang namin 'tong si Samuel. Akala ko kanina prinsipe ang isang 'to eh. Napakapogi! Idagdag mo pa yung malalim na dimple nya sa kaliwang pisnge na lumalabas sa tuwing magsasalita at ngingiti siya. Shit lang! Nakakamatay!

"Kaya pinahihintulutan ko kayo na sana'y gabayan ninyo siya kung sakali man na may nais siyang gawin, ¿Puedo contar contigo, Samuel? (Can I count on you, Samuel?)" singit naman ni Ama.

Yumuko naman si Samuel, "Puedes contar conmigo, Don Facundo (You can count on me, Don Facundo)" magalang na sabi niya.

Napansin ko lang na maalam mag-Spanish ang mga taga-pagsilibi namin. Madalas ko kasing naririnig mag-Spanish ang mga taga-pagsilbi namin na naiwan sa Maynila. Kapag kinakausap sila ni Ina o kaya ni Ama ng Spanish, then sinasagot rin nila ng Spanish.

Hindi naman sa bawal magsalita ng Spanish ha, pero base sa mga nababasa ko madalang sa mga Indio ang nakakapagaral, kaya maliit ang posibilidad na matuto sila ng wikang Espanyol. Maliban na lang kung nabibilang ka sa mga maharlika.

"Mabuti kung ganoon," ngiting wika ni Don Facundo saka bumaling sa amin, "Tara na't umuwi, alam kong kayo ay napagod sa ating paglalakbay. Sapagkat, ako'y napagod rin at nais ko nang lumundag sa kama at nang ako'y makapagpahinga."

"Halina po kayo, nagiintay na rin po si Diego sa isa pang kalesa." sambit ni Samuel. Nauna sya sa paglalakad. Huminto kami sa tapat ng dalawang kalesa. May lalaking nakapangmagsasaka ang nakatindig sa gilid ng isang kalesa.

I guess, kapatid ni Samuel 'to. Magkamukhang magkamukha sila eh. Pero, unlike Samuel, palaging nakasimangot ang isang 'to. Pinaglihi siguro sa sama ng loob.

Yumuko si kuyang pinaglihi sa sama ng loob, "Maligayang pagbabalik po, Don Facundo at Donya Catalina." ngumiti sya, pero halata namang pilit.

"Muchas Gracias, Diego." sambit ni Ina. Nauna na si Ama sa kalesa. Halata nga na pagod siya dahil ipinikit niya agad ang kaniyang mata. Sumunod na rin si Ina. Si Samuel ang magpapatakbo ng kalesang sinasakyan nila habang si Diego naman sa kalesa namin.

"Ah kamusta—" ay bastusan? Kinakausap pa tapos biglang aalis. Pasalamat nga siya dahil inaapproach ko siya. Madalang ako makipagusap sa lalaki, kaya dapat maging grateful siya. Hindi na nga niya ako binati kanina, tapos wawalk-out-an pa ako?

Tinignan ko si Diego habang nakakunot ang noo. Sumakay na siya sa unahan ng kalesa, kung nasaan ang puwesto ng kutsero. Hindi man lang kami hinintay!

"Ang suplado ng isang 'yon ah," naisatinig ko ng hindi namamalayan.

Natawa naman si Josh sa sinabi ko, "Baka may galit sa'yo,"

Secret Agent's Historical MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon