Mission 3

266 32 3
                                    

Chapter 3

"Paano mo naman nalaman na 1887 ang taon ngayon?" tanong ko kay Josh.

Nandito kami sa isang karinderya sa Intramuros. Ang ganda ng ambiance dito, hindi mausok. Sa kasalukuyang panahon kasi nasa tabing kalsada ang mga karinderya, kaya napasok yung usok ng mga sasakyan sa loob.

"Syempre nagtanong-tanong ako kanina. Pagkagising ko kasi, parang nagiba yung ambiance, buti na lang nasa tagong lugar ako kanina, walang nakakita saking nakabulagta dun. Tapos yun nga, ang suspicious ng lugar, may mga nababasa kasi ako sa libro, yung parang nagtitime-travel sila, tapos bigla na lang mapupunta sa sinaunang panahon, kaya nagtanong ako kung anong taon ngayon, sabi nung lalaki kanina, taong Isang libo't walong daan, walumpu't pito. Nagprocess pa nga sa utak ko kung anong taon yun, apakalalim kasi nung pagtatagalog eh," mahabang litanya naman ni Josh.

"Tinanong ko lang kung paano mo nalaman yung taon, ang dami mo agad nasabi, tsk."

"Mabuti na yung detalyado diba——" naputol ang sasabihin ni Josh dahil dumating na yung waitress dala ang pagkaing inorder ni Josh.

"Magandang umaga po, ito na po ang inyong pagkain." saka sya ngumiti ng malawak, inilagay nya rin ang ilang hibla ng kanyang buhok sa likod ng tainga nya. Nagpapacute si ate! Kahit pala dito, may mga talandi rin, tsk.

"Magkano lahat, miss——este binibini?" tanong ni Josh sabay kindat dun sa babae, yung babae naman biglang namula. So, maglalandian sila sa harap ko, ganern?

"A-ah, walong piso lang po, ginoo.." the fudge?! walong piso? As in 8 pesos lang? Eh andami nitong pagkain ah. Samantalang pag nakain kami ni Josh sa karinderya sa year 2019, mga 400+ ang nagagastos namin, tapos dito 8 pesos lang? What the hell?!

Kumuha si Josh ng, ano yun? 20 pesos? Yun yung nakasulat sa papel eh. Ganon ba itsura ng pera dito? Cool! Pero saan nakakuha ng pera si Josh?

Ibinigay na nya yung 20 pesos kay ate. Bahagya pang hinawakan ni Josh yung kamay ni ate, kaya eto namang si ate namula. Binigyan ni ate ng sukli si Josh tapos yumuko at nagpaalam na.

"Hoy, Joshxaya! wag mong dalhin dito yang kalandian mo, tumigil ka!" asik ko sa kanya. Nagsign of the cross muna ako bago dinampot ang kutsara't tinidor at saka kumain.

"Sus, selos ka lang. Hayaan mo ikaw lang naman lalandiin ko habangbuhay." taas talaga ng confidence nito.

"Asa ka! Wag kang assuming! At saka saan mo nga pala nakuha yung perang pinambayad mo?" ang sarap ng pagkain nila dito ah, infairness.

"A-ah, di ko rin alam eh. Pero ang alam ko bago tayo mapunta dito, may 1 thousand at bente pa ako sa bulsa," may kinuha sya sa bulsa, atsaka inilapag sa lamesa. Andaming barya, tapos may ilan ring papel-perang papel.

"I think napalitan yung pera ko, nung napunta tayo dito." sabi pa nya at ibinulsa uli yung pera. Ang dami kasing napatingin samin dahil sa pagkalansing nung barya na inilapag ni Josh.

Syanga pala! napakalaking pera na nga pala para sa kanila ang isang libo sa panahong 'to! Edi ang yaman pala namin dito, kung ganon? Well, mayaman na naman ako kahit sa kasalukuyang panahon.

"Teka, ibig sabihin yung dala kong pera napalitan rin?" nagkibit-balikat naman si Josh sa tanong ko.

"Look for yourself, bakit? magkano ba nadala mo?" inilapit ko naman sa kanya yung mukha ko. Bahagya namang nagulat si Josh, pero kalaunan ay bigla naman pumikit.

Anong iniisip nito? akala ba nya hahalikan ko sya? Assuming amp*ta!

"50 thousand." pabulong kong sabi sa kanya, mahirap na baka may makarinig. Bigla naman napamulat si Josh, at halata ang pagkadisappoint sa mukha nya. Akala talaga nya hahalikan ko sya? Luh, asa sya!

Secret Agent's Historical MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon