Mission 2

333 31 2
                                    

'Anong nangyari sa binibining iyan?'

'Jusko, anong klaseng kasuotan iyan, bakit kay ikli?

'Ang ganda ng kulay ng kanyang buhok, kakaiba!'

'Takpan nyo ang ibabang parte ng kanyang katawan, baka siya ay masilipan, madali!"

Nagising ako dahil sa mga naririnig kong bulungan, may naramdaman rin akong telang tumaklob sa hita ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko,

"The heck!!" napatili ako dahil sa mga babaeng bumungad sakin! Biruin mo yun, sobrang lapit ng mukha nila sa 'kin, as in sobrang lapit!

"Binibini, ikaw ay kumalma, pakiusap," tumingin ako kay ateng nagsalita, nahiya naman ako sa kanila kaya tumigil na ako sa kakasigaw.

"Ay, sorry aken hehe," saka pilit na ngumiti, nakapalibot pa rin sila sakin, habang ako naman ay nakaupo pa rin sa, ano ba to? lupa? Ay, lupa nga! Tumayo ako, pero may dumausdos na tela sa hita ko at nahulog sa lupa, kaya agad ko itong kinuha, saka sila hinarap.

Napansin kong bahagyang napakunot ang noo nila, bago may magsalita "Ano ang iyong tinuran?" gondo naman ni ateng nagsalita, naka pang Maria Clara pa ang peg.

"Uh, sorry aken?" tinignan ko sila isa-isa, ngayon ko lang napansin na nakapang Maria Clara silang lahat. Eleven silang nakapalibot sakin, dami ah. Ngayon na ba start ng Buwan ng Wika? ang excited naman nila masyado, next month pa yun ah, kakaannounce pa nga lang kanina eh. Tsaka infairness ah, kinareer nila magsalita ng tagalog.

"Anong ibig sabihin ng salitang, uh, s-sori aken?" luh? Meganon? Outdated ba sila sa uso ngayon? Kinareer talaga nila masyado ang pagiging dalagang pilipina, yeah.

"Ay, di mo knows yun? wala ka bang social media? daming nagsasabi ng sorry aken dun, lalo na sa facebook, Ay! Speaking of facebook, you can add me, accept na lang kita, Blythe Fayra Celina Alvarez name ko, meron ka rin bang IG, twitter, tumblr? search mo na lang username ko @celine_alvarez hehe," tinignan ko sila ng may malawak na ngiti,

'nows?'

'sosyal midya?'

'peysbuk?'

'aksep?'

'neym?'

'blayt?'

'payru?'

'ayji?'

'twiter?'

'tambler?'

'serts?'  Sabay-sabay nilang sabi.

Eh? Taga-bundok ba sila? Di nila alam yun? 'Bopols naman Celina kaya nga nagtatanong sila eh' Baka kasi ginugood time lang ako ng mga 'to eh. Hayae na nga, baka wala lang talaga silang social media accounts.

"Ay, hehe, wala yun, wag nyo na lang pansinin yung sinabi ko," tapos awkward akong ngumiti sa kanila, sila naman, kahit alam kong naguguluhan pa rin sila ay ngumiti na lang sila pabalik.

Nilibot ko ang aking tingin sa paligid, infairness ah, ganda ng booth na ginawa nila, para akong nasa sinaunang panahon. Bravo! Teka nasang part ako ng school?

"Nasan tayo? Bakit tayo lang ang nandito?" tanong ko sa kanila habang nililibot ang tingin sa paligid

"Nandito tayo sa Beaterio de Santa Catalina, at walang tao dito dahil tapos na ang klase," sabi ni ateng naka blue na baro't saya. Pero wait lang ha,

Secret Agent's Historical MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon