"Binibini, Ipagpatawad mo, minahal kita agad," napamaang ako dahil sa sinabi niya.
Is he confessing or something? Shit, pwede na akong mamatay! Right now! As in, right now! OMG sabi ko na nga ba may gusto sa'kin to, e! Kaya pala palagi siyang nakatingin sa'kin kasi may hidden feelings siya sa'kin--
"Iyon ang paborito kong linya sa kantang iyon," dugtong niya.
Eh? Ay, ano ba yan!
Hay, napaka-assuming mo talaga Celina! 'Yan tuloy umasa ka ng wala sa oras! Aish! Akala ko talaga may crush siya sa'kin, kasi hindi ako magdadalawang-isip na i-crush back siya.
Inayos ko ang upo ko at umiwas ng tingin, "A-ah, hahaha, ako rin... 'yun rin ang paborito kong linya, hehe," saka awkward na tumawa.
Tumingin siya sa paligid, "Binibini, mainam siguro kung tayo ay umuwi na. Aking nabalitaan na maraming mga kawatan at rebelde ang namamalagi rito. Baka tayo ay masumpungan nila, mabuti na iyong tayo ay magingat," tumayo siya at pinagpagan ang pantalon.
Inilahad niya sa akin ang kaniyang palad kaya tinanggap ko iyon, "Salamat," ngiti ko nang alalayan niya akong makatayo. Ngumiti naman siya pabalik.
Tama nga yung mga lectures sa History subject, ang gentleman ng mga lalaki nung sinaunang panahon. Exempted nga lang si Diego.
Eh? Bakit ko ba naiisip yung kumag na 'yon?
Binitbit niya ang kaniyang gitara at umuna sa paglalakad, kaya sumunod na ako. Nagkuwentuhan lang kami ng mga bagay-bagay. Actually, siya lang pala ang nagkukwento. Wala naman kasi akong maisip na puwedeng sabihin na hindi makakapagbunyag ng tunay kong katauhan. Duh, galing ako sa modern world at hindi ako ang tunay na Celestina, remember? Baka madulas pa ako kapag nagsalita ako, kaya hinayaan ko na lang siya magkuwento.
Isa ang pamilya nila sa mga maharlika. Ang pamilya Ezperanzate. Pumapangalawa sila sa mga mayamang pamilya dito sa Narvaez. Ngayon ko rin lang nalaman na kami ang nangunguna sa mga maharlikang pamilya dito. Sabagay, Alcalde si Ama dito, kaya posibleng nga na manguna sila sa mayamang pamilya dito.
Nabanggit niya rin na nag-aaral siya ng medisina sa isang kilalang paaralan sa Intramuros, Maynila. Ang Colegio de Santo Tomas. Pero nasa Sampaloc, Manila na ang university na 'yon sa modern world. Alam na alam ko ang school na 'yon kasi dream university ko 'yon. Gustong-gusto kong mag-aral at makapagtapos bilang isang medicine student sa UST. Bata pa lang kasi ako gusto ko nang maging isang Doctor, a Cardiac Surgeon. I want to be a Cardiac Surgeon even before, bago pa mawala si Tita Xena. Xenayah Aurea Villafuerte. She is Josh's mother. Bata pa lang ako magkasama na talaga kami ni Josh.
Si Tita Xena ang tumayong mommy ko. But, she died 8 years ago, because of a surgery failure. Tita Xena has CAD (Coronary Artery Disease) before that incident happen. Sabi ng doctor niya, kailangang maoperahan ni Tita then after ng operation magkakaroon na ng improvement 'yung paggaling niya, or maybe not. Because, they said na in the middle of the surgery, nagkaroon ng internal bleeding at hindi nila iyon napigilan dahil sa dami ng dugo. That's why Tita Xena died.
Although, I'm just 12 years old that time but I understand what the doctor is saying. Palagi akong nagaadvance reading when I was just a student, lalo na sa physiology, anatomy, biochemistry and etc. Ang mga subjects na 'yon ang pinagtuunan ko ng pansin even though hindi pa dapat pag-aralan ang mga iyon ng isang grade 7 student na kagaya ko. And I pursue my dream being a doctor even more when Tita died, at dahil doon napabilis ang pagaaral ko.
I am known as a gifted student when I was in highschool. I always got perfect scores in seatworks, quizes and even in exams. They even accused me being a cheater because of that! They said that I used kodigo. Mahihirap daw ang mga tanong na nakalagay doon kaya imposibleng maperfect ko 'yun. But I did! I did got a perfect score! Kaya para mapatunayan na hindi ako gumamit ng cheat sheets or whatsoever.
BINABASA MO ANG
Secret Agent's Historical Mission
Ficción histórica[FIL/ENG] Si Blythe Fayra Celina Alvarez ay isang magaling na secret agent, at aksidenteng napunta sa taong 1887. Ayon sa mga napagaralan nya, ito ang taon na sakop pa ng mga espanyol ang bansang Pilipinas, that is also the year when the sudden deat...