Blythe Fayra Celina Alvarez
"I heard a news, guys,"
"What news?"
"Aalis na daw si geek,"
"Are you sure?! sayang beauty at body, kaso ang boring naman nya!"
"Yeah right!"
Ayan na naman sila sa mga bulungan nila, ay no! Hindi na ata bulungan kung tawagin yun eh, sinisigaw nila, para talaga marinig ko, nagabala pa silang magungungan kung ipapakinig rin naman sakin! Mga bopols langya!
Ganyan sila lagi sa tuwing makikita nila ako, lagi nila akong tinatawag na geek! Hindi mo naman kasi ako matatawag na nerd, dahil wala naman akong mga big eye glasses, braces, at kung ano pang mga kinemedu para magmukang nerd.
Geek, yan ang tawag sakin ng mga schoolmates ko, nagstart yung pagtawag nila sakin ng ganon 1 week after nang pagtransfer ko dito. Hindi DAW kasi ako approachable, tutok lang DAW ako sa libro, at ang boring ko DAW, sabi nila!
Pero lahat ng impressions nila sakin hindi tumugma sa tunay kong personality. To be honest, i'm approachable person, happy-go-lucky, at hindi rin ako tutok sa libro! Duh, I hate books kaya! Pinangtatakip ko lang yung libro pag natutulog ako no!
Pero kabaliktaran ang pinapakita ko sa kanila, kaya ganon ang akala nila sakin. Hindi naman kasi ako pumasok sa school na yun para makisama sa kanila, pumasok ako dun upang gampanan ang pagiging secret agent ko. Yes! I'm a secret agent, hindi ko na rin kailangang magaral dahil nakagraduate na ako nung 17 yrs old pa lang ako, masyado kasing advance ang isip ko, ikaw ba naman magkaron ng tatay na sobrang galing na scientist, tapos ikaw pa yung pinagexperementuhan! At kung bakit ako yung napagdiskitahan? Hindi ko rin alam kay Master. (tawag ko yan sa tatay ko)
At pumasok ako sa University na yun para sa isang misyon. Isang misyon na natapos lang ng tatlong linggo, ang tantsa ko pa naman ay baka abutin ako ng 2 buwan sa misyong yun, kasi sabi ni Josh mautak daw yung mga sindikatong gustong dumukot sa babantayan namin. Eh ang depungal na Joshxaya kaya lang pala sinabi sakin yun, kasi alam nyang iiwas ako sa mga tao kapag matatagalan ako sa misyon ko AT HIGIT SA LAHAT hindi ko sya mapapakialaman sa pakikipaglandian nya! Hayup! Kaya pinabayaan ko na lang sya hanggang sa matapos ang misyon namin at ngayon ang huling araw namin sa University na ito.
Tama yung chismis kanina, aalis na ako! Pero kasama ko ang pinakamamahal nilang Joshxaya Aurius Villafuerte! Dahil tulad ko, isa ring secret agent si Josh, at kami ang magkasama sa misyong to!
Ang peymus kasi ng isang yun dito, aminado akong pogi naman yun, kaya nga ang daming babae ang naghahabol dun eh, pero di ako kasali sa kanila! Eew lang! Para ko na lang kuya yun eh, mas matanda kasi sya sakin ng 4 years. So, bale 24 na sya tapos 20 naman ako. Napeke nga lang namin yung requirements namin dito kasi highschool yung babantayan namin.Speaking of the depungal, kitang kita kong may kaakbay na chics, at magkakasalubong pa kami. Nung nakita nya ako ay tsaka sya ngumiti, pero ginantihan ko lang sya ng irap, ang depungal kumindat lang at bahagyang tumawa bago makipaglandian sa kasama nya.
Dumiretso na ako sa Dean's Office kasi dun talaga ako pupunta para asikasuhin yung pag transfer out naming dalawa ni Josh. Ang alam ng Dean at mga teachers ay magkamaganak kami kaya hindi sila magtataka kung bakit pati yung kay Josh ako ang magaasikaso. Apakatamad kasi, sya dapat nagaasikaso nito eh!
I knock before opening the door, "Goodmorning Dean, aasikasuhin ko lang po yung mga kailangan sa pagtatransfer out namin ni Mr. Villafuerte," sabi ko, habang nakasilip sa pintuan
"Oh, sure, come in," pumasok ako sa loob, tinawag naman ni Dean yung secretary nya para sya ang magassist sakin, ang dami pa daw kasing aayusing papeles ni Dean.
BINABASA MO ANG
Secret Agent's Historical Mission
Ficción histórica[FIL/ENG] Si Blythe Fayra Celina Alvarez ay isang magaling na secret agent, at aksidenteng napunta sa taong 1887. Ayon sa mga napagaralan nya, ito ang taon na sakop pa ng mga espanyol ang bansang Pilipinas, that is also the year when the sudden deat...