Chapter Thirty Three

402 29 3
                                    

Emerald Revenge

Harper's POV

Ilang oras na ang nakalipas simula nung umalis kami sa kaharian ng Polaris. Malalim na ang gabi habang ang mga kasama ko ay malalim na din ang tulog sa kanilang mga sleeping bag. Hindi na namin napag isipan pang mag tayo ng tent dahil pansamantala lang din naman ito.

Sout ko ang cloak ko habang nakaupo sa kahoy na kaharap ng apoy. Ako na lamang ang mag isang gising pa din. Hindi ko magawang matulog.

I slowly opened the book of spells. I lighted up my wand and placed it on the pages to see a clear look. Pinagmasdan ko ang huling mensaheng isinulat ni Queen Lyra na hanggang ngayon ay hindi ko padin naiintindihan ang kalahating nakasulat, malapit ko nang makabisado ang nakasulat roun.

Inilipat ko ang pahina, Pinagmamasdan ko ang forbidden chapter na hanggang ngayon ay blanko pa din at agad napapalibutan ng chains sa tuwing hinahawakan ko ang pahina nito. I'm very curious what's inside of this chapter and who is the one who wrote  this chapter.

For the past few days, I realized that who wroted this chapter also inherited the throne. Because you can't place a single ink inside the pages unless you inherit the throne as a Queen.

I'm aware that opening this chapter is very dangerous pero bakit pakiramdam ko ay may kaya din itong magbigay ng katotohanan. I feel like it can also give me the answers that I've always wanted. It's like something that is part of the past is hidden inside of this chapter. Pero paano ko naman ito bubuksan kong hindi ko alam ang susi nito?

Walang nakakaalam kung nasaan ang susi nito maski si Ciana. Hindi ko alam saan ako magsisimula kung hahanapin ko ito dahil wala namang naiwan na bakas kung saan ito maaring makita. Parang sinadya itong mawala sa mundo.

"Harper?" Agad kong sinarado ang libro at itinago ang wand ko matapos marinig ang boses ni Leila. Nilingon ko siya nang umupo siya sa tabi ko.

"Can't sleep?" She asked. Bahagya niyang sinulyapan ang tinago ko. Napansin niya ata kanina ang libro at ang wand.

"Uhh... h-hindi." Nag iwas ako ng tingin sakanya. I felt a bit guilty.

"Ikaw?" Tanong ko sakanya.

"I saw you sitting here so I thought of joining you. Nagising lang din ako." Binaling niya ang tingin sa apoy.

"Ahh... d-dont worry matutulog din ako mamaya." I assured her. Hindi na niya ako sinagot at nanatiling tahimik habang nakayuko ang kanyang ulo at nakatitig ng malalim sa apoy. Pinagmasdan ko siya.

Her eyes looks empty and tired.

"Leila, okey ka lang?" Binalingan niya ako. Bakas sa mukha niya ang gulat matapos ko siyang tanongin na para bang bago sa kanyang pandinig ang tanong ko. It was like it was the first time that someone asked her if she was okey, iyun ang nakikita ko sa mukha niya kahit na natatakpan ito ng pagkagulat.

The edge of her lip lifted up a bit Before turning her gaze at the fire without answering my question. Bumalik uli ang mga mata niyang pagod.

Hindi ko alam kung ganun lang talaga ang kanyang mga mata. Physically normal but mentally and emotionally tired and empty. Until now, it's still difficult for me to read her. Para akong nagbabasa ng librong hindi ko man lang magawang intindihin.

Bahagyang kumunot ang nou ko ng makitang humihina na ang apoy ayt dahan dahan na itong sinasakop ng kadiliman. Tatayo na sana ako upang kumuha ng gamit upang sindihan ang apoy ngunit umupo din uli ng tinapat ni Leila ang kanyang mga palad sa apoy na para bang kinokontrol niya ito.

I watched her as she gently moved her hands. The fire started to grow again, lighting the whole area.

"Fires are hard to predict, aren't they?" Biglang tanong niya  bago binaba ang mga kamay niya. Sinulyapan niya ako saglit.

Oxzoria Academy: The Heart of Zaronaria Where stories live. Discover now