CHAPTER ONE

811 13 0
                                    

Nakaharap lang si Shane sakanyang salamin habang sinusuklay ang mahaba niyang buhok. Hindi niya alintana ang mga matang nakatingin lang sakanya. Oo, alam niyang may tumitingin sakanya.

Walang emosyon ang mukha ni Shane. Makikita mo sakanyang mata ang blankong tingin. Maganda naman si Shane ngunit hindi ito palaging ngumingiti. Kung ngumiti man ay siguro isa itong himala para sa kanyang pamilya.

"Your highness, kakain na raw." Sabi ng alipin at nagbow ito. Tinignan niya lang ito sa salamin at tumango bago at inilapag ang suklay sa kanyang tukador.

Shane Luna Point of View

Habang pababa na ay walang pumapasok sa aking isipan kundi ang paano ako ngingiti? May kulang saakin na para bang hindi ko kayang mabuhay at ngumiti man lang sa aking pamilya.

Siguro ay dahil wala si Mama sa tabi namin. Mapait akong napangiti. Si Mama ang nagligtas saamin ni Kuya Shaun sa binggit ng kamatayan.

Napahinga ako ng malalim at pumunta nalang sa hapagkainan upang kumain. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang problema saaking sarili. Parang wala akong buhay ngunit kung sa patayan ay nasasabik ako.

"Oh, Umupo ka na, Elaynie." Sabi ni Dad atsaka pinaghila ako ng upuan. Tumango ako kay Papa at nagsimulang kumain. Narinig kong napa buntong hininga si Papa atsaka umupo ito sakanyang upuan.

"Kumusta ka, Kapatid?" Tanong ni Kuya habang hinihiwa ang kanyang karne. Tinignan ko siya at tumango lamang. "Okay lang." Malamig na sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

Wala ng imikan ang nangyari. Ang maririnig lang ay ang mga alipin na maraming ginagawa at ang tunog ng mga kubyertos na ginagamit namin. Matagal ng ganito ang eksina sa buhay namin.

"Tapos na po ako. Maraming salamat." Sabi ko at tumayo na, tinignan ko si Dad at yumuko sakanya pati na rin kay Kuya. Ngumiti silang dalawa at tumango hanggang sa pinagpatuloy nila ang pagkain.

Wala naman akong gagawin sa kwarto ko kundi ang magbasa at ang matulog kaya pumunta nalang ako sa hardin.

Ewan ko pero aside sa kwarto ko, comfort zone ko ang Hardin na ito. Ngumiti ako ng wala sa sarili at napapikit nalang.

Hanggang sa marinig ko ang maingay na iyak ng isang dragon. Kumunot ang aking noo at dahang-dahang tinahak ang lugar ng pinanggalingan ng ingay.

Doon ko nakita ang pulang dragon na umiiyak. Binalingan ko ang katawan nito at tama nga ako sa hula. May tama ito sa dibdib.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa dragon. Umiling ito at umiri. Nanganganak pala ito. Tinignan ko ang dragon at namimilipit na ito sa sakit, kaya naman ay pumwesto ako sa kanyang pwetan at unti-unting hinila ang itlog nito.

Ngumiti siya at dahang-dahang pinikit ang kanyang mga mata hanggang sa nawala na siya sa mundong ito. Nakakalungkot man dahil tuluyan na niyang nilisan ang mundong ito.

Niyakap ko ang itlog ng dragon atsaka nilapitan ito. "Hm, Earth users." Bulong ko at unti-unting binunot ang sibat sakanyang dibdib at sinunog ito gamit ang itim kong kapangyarihan.

"Aalagaan kita." Sabi ko at agad na sinunog ang katawan ng dragon habang naglalakad papuntang kwarto ko. Bumuntong hininga ako at napahiga sa kama. Napagod ako sa paggamit ng mahika ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata at unti-unti na akong hinila ng antok.
--
Celestian Shaun Point of View

"AHHH!" Sigaw ko ng makapasok ako sa loob ng kwarto ng kapatid ko. Nagulat ako ng makita kong may maliit na dragon ang nakapatong sakanya!

"Little sis! Tumakbo Ka!" Sigaw ko sakanya at inihanda ang aking Death Scythe. Hihiwain ko na sana ang dragon ngunit biglang may kung anong enerhiya ang pumigil saaking pag atake.

Itim na mahika.

"Wag mo siyang papatayin." Malamig na boses ang bumati saakin. Bigla akong nangisay at ini unsummon ang sycthe. "Bakit?" Tanong ko sakanya.

Umiling it at tinignan ang dragon. "Puting dragon ka pala." Sabi nito. Binalewala niya ako dahil sa dragon na iyan!

Ngumiti ang dragon sakanya at niyakap siya. Ngumiti naman ang kapatid ko na nagpagulat ulit saakin. NGUMITI ANG KAPATID KO! Sigaw ko saaking isipan.

"Anong gender mo?" Tanong ng kapatid ko habang nakangiti. Kumunot ang mukha ng dragon at lumpad sakanya sabay siksik ng katawan nito.

"Sa pagkakaalam ko, Lalaki iyan, anak ko." Bigla akong napatalon at tinignan si Dad ng nakakatakot. "Dad! Wag kang susulpot ng ganun!" Sigaw ko. Ngumiti ang aking magaling na ama at pumasok sa kwarto ni Shane.

"Ahh, isang silver rare Dragon. Saan mo ito natagpuan Elaynie?" Tanong sakanya ni Papa. Nagkibit balikat siya at hinimas-himas ang dragon na natutulog sa hita niya.

"Kagabi po ay may dragong nakahilata habang natamaan ng isang Earth user. Sibat ang nakapatay sa pulang dragon kagabi." Sabi niya. Iyon ata ang pinakamataas na nasabi niya.

"Ganun ba? Alagaan mo yan ng mabuti anak." Sabi ni Papa at biglang umitim ang mukha nito. Ibig sabihin patay na ang dragon ni Mama Cassy.

"Babalik lang ako." Sabi ni Papa na napakalamig at sinara ang pintuan ng napaka lakas. Umiling nalang ako at nagdasal na sana mabuhay pa ang lalaking pumatay sa dragon ni Mama.

"Hilda." Tawag ko sa fairy ko. Bigla siyang sumulpot at yumukod saamin. "Anong maipapaglingkod ko, Kamahalan?"

"Pigilan mo si Papa na paslangin ang lalaking pumatay sa dragon ni Mama." Sabi ko. Tumango si Hilda at hinalikan si Shane sa noo bago ito nawala.

"Gusto kong ipangalan sayo Damon." Sabi niya at ngumiti. "Kasi demonyo ka." Sabi pa niya. Napatawa ako at ginulo ang kanyang buhok.

"Ewan ko sayo, Shane." Sabi ko at hinalikan ang kanyang noo. Ngumiti siya sa akin at ngumisi. "Isa ka rin. Demonyo." Sabi pa niya. Ngumiti nga siya ngunit malamig yung boses niya. Walang pinagbago.

Tinawanan ko lang siya at naglakad na palabas sa kanyang kwarto. Tinignan ko siya at ngumiti ako sakanya. "Magandang Gabi, Shane." Bati ko sakanya.

"Magandang Gabi, Kuya." Balik niya at humikab bago pinikit ulit ang kanyang mata. Ngumiti ako habang unti-unting hinila ang pintuan upang sumara.

Ng sumara ito, nakontento na ako at nagdesisyon ng pumasok na sa aking kwarto at matulog ng mahimbing. Ngumiti ako sa aking naisip, masarap talagang matulog sa kama.

PHANTOMENOUS ACADEMY: UNRAVEL S2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now