Matapos ang ilang linggong pagkansela ng selebrasyon ng 'Survival of the Fittest', naisipan ng mga BOD, ang Headmaster at ang Student Councils na ipagpatuloy na ito at huwag ng kanselahin pa.
Tama nga naman, ngayon at tapos na ang mga isyu, nararapat lang na ipagpapatuloy ang naudlot na selebrasyon ng Survival of the Fittest. Imbetado lahat ng mga Nobles, Commoners at ang mga Hari't Reyna na namumuno sa Phantom.
Ang ibang mga estudyante ay kinakabahan, nagagalak at hindi maipaliwanag na emosyon ang bumabalatay sa kanilang mga katawan. Lalo't manonood ang kanilang mga pamilya para supportahan sila.
Nag-ingayan ang kapaligiran, mga torotot na nagsisigawan, mga tambol na naghahampasan at mga taong masayang naguusap para sa paligsahang magaganap ngayon sa loob ng Phantomenous Academy.
Ang mga watawat na iwinawagayway, simbolo na dumating na ang Haring nagrerepresenta ng watawat. Ang lahat ay tumahimik samantalang tumikhim naman ang lalaking nakatayo sa harap ng mga mamayanan.
"Greetings to Queen Drianna Eclipse Eroseles!" Sigaw ng lalaking tumikhim. Ngumiti ang babaeng binati at kumaway sa lahat saka naglakad ng mahinhin at may dignidad.
Sumunod ang karwaheng nagmula sa Technea Kingdom. Bumukas ang pinto at inilabas nito ang Hari't Reyna ng Technea Kingdom. "Greetings to King Trek Techea and her Highness, Queen Ericka Techea!"
"Greetings to King Ivan Akaliene, and her Highness Queen Leinna Akaliene!"
"Greetings to King Sam Merman and her Highness, Queen Trina Merman!"
"Greetings to King Cavern Caintes and her Highness, Queen Krizzen Caintes!"
"Greetings to King Litinous Bolt and her Highness, Queen Canterlotte Bolt!"
Sunod-sunod na sigaw ng lalaki. Kulang na lang na mamaos ang kanyang boses sa malakas na pagsigaw niya. Sunod-sunod ding kumaway ang mga nabanggit na panauhin habang may ngiti sa labi.
"Greetings to King Krain Reds, and to her Highness the Queen, Kuzumi Reds!" Sigaw ng lalaking pumalit sa lalaking namaos na kakasigaw. Bumaba ang mag-asawa na may ngiti sa labi at kumaway sabay lakad papunta sa stage.
Malakas ulit na pagtambol at pagihip ng mga torotot ang umusbong sa Phantomenous Academy. Simbolo na dumating na ang pinaka-importanteng tao sa buong Phantomiun.
"Greetings to our Salvation! Emperor Ciel Ives Knight! May you reach evangellium!" Sigaw ng lalaki. Bumukas ang pintuan ng karwahe at lumabas si Ives na nakapormal, suot nito ang kanyang korona at mga alahas.
Yumukod ang lahat, kahit isa ka pang Hari o Reyna, kapag si Ives o ang namumuno ng Phantom ang bumaba, respeto kaagad ang magliligtas sa iyo. Lahat ay lumuhod pagkatapos bumaba ni Ives, sabay pagbati nila.
"MAY YOU REACH EVANGELLIUM!" Sigaw ng lahat.
Tinignan niya ang lahat saka tumango sa lahat at hinarap ang pintuan sabay lahad ng kanyang kamay sa karwahe. Biglang may humawak sa kamay ni Ives at bumaba dun ang babaeng pinakamaganda sa buong kaharian.
Nakatingin lahat ang mga majikero sa babaeng nakahwak sa kamay ni Ives habang may inip sa kanyang magandang mukha. Tumikhim si Ives at sinamaan ang lalaking nag-aanunsyo.
Nagising siya sa kanyang pantasya at agad na isinigaw ang pangalan nito na agad namang ikinagulat ng mga Majikero, maliban sa mga dugong bughaw na nakakakilala sa babaeng nabanggit.
"Greetings to her Highness, Princess Shane Luna Elaynie Twilight Knight II! May you reach evangellium!" Sigaw ng lalaki habang nakatitig pa rin kay Shane. Inirapan ni Shane ang lalaki at sinamaan ng tingin ang kanyang Ama.
Nagsimula silang naglakad habang nakahawak ang porcelanang kamay ni Shane sa kanyang Ama. ANG suot niya sobrang gara na akala mo sa isang magarang pagtitipon siya sasali.
"Smile my dear, you look dashing in your gown." Ives said while maintaining his cold aura and looks. Umayaw si Shane at bumuntong hininga. Ang kanyang magandang linggo ay natapos na. At kailangan niya pang pumunta dito sa paaralang ito sa loob ng dalawang araw.
"Ayoko." She coldly said as she eyed some of those jealous girls looking at her. She rolled her eyes and focuses on walking down in the aisles.
Nang makarating sila sa kanilang upuan ay, umupo si Shane sabay tingin sa lahat ng estudyanteng nakatingin sa kanya. Ang mga mata nila ay naninira, naiingit at nanggagalaiti sa galit at tindi ng selos.
Napatawa siya ng pagak at napansing nakatayo lahat ng mga Hari't Reyna sa kanyang harapan.
"Ang laki mo na, Shane! Noong una hindi ka man lang mayakap dahil sa takot na mapisa ka!" Natatawa habang nakayakap na sabi ni Reyna Kuzumi.
"Nako, Kuzumi sa takot nga natin si Shaun lang ang pinayakap sa atin lahat. Sobrang liit mo noon, Shane." Sabi naman ni Reyna Canterlotte.
"Kumusta ang lahat, nagkabatian na ba?" Tanong ni Haring Sam at natatawang kinamusta ang lahat. Agad na nagkamayan at nagchikahan ang lahat sabay tawa maliban kay Ives na nakatayo lang at pinagmamasdan sila.
"Dad, bakit di ka sumali sa kanila?" Tanong ni Shane ng makalapit siya sa kanyang Ama na nakatayo lang. Tinignan siya ng kanyang Ama at nginitian, "What for?" Sagot nito.
"They're having a blast reunion. Sumali ka sa kanila." Pakikipag-usiso ni Shane sa kanyang Ama. Umiling si Ives at malungkot na tinignan ang kanyang wedding ring sabay sabing, "I can't. Kapag siguro nagising na si Shin. Saka na ako sasali."
"There's nothing wrong, go now." Pagtataboy ni Shane sa kanyang Ama sabay tulak nito sa nagkukumpulang mga Hari at Reyna. Naghiyawan ang lahat ng dumating si Ives sa kanilang grupo at nagyakapan ang lahat.
"Si ate Shin na lang talaga." Sabi ni Kuzumi habang malungkot na tinignan si Ives. Ang lahat ay natahimik at agad na lumuhod sabay bigkas ng mga salitang hindi maintindihan ni Shane.
Para bang sariling lengguahe ang ginagamit nila para walang makaintindi sa kanilang mga sinasabi. "Wow, it's my first time that my knowledge didn't work out. I mean come on, Hindi ko sila maintindihan ng sobra." Bigkas ni Shane sa kanyang isipan.
Nagulat na lang siya ng napaiyak ang lahat at ang mga Hari ay parang natigilan ng may sinabi si Ives sa kanila. Gusto itong malaman ni Shane dahil nagtataka siya kung bakit umiyak ang lahat at parang natigilan ng marinig ang balitang iyon.
Hanggang sa nagsimula na ang paligsahan ay hindi mapakali si Shane sa kanyang upuan. Tinignan niya ang mga Hari't Reyna at halata dito na gusto pa nilang umiyak at tinatago nila ang kanilang emosyon sa likod ng kanilang mga ngiti.
Isa-isang nagbigay ng talumpati ang mga Hari at Reyna. Talumpating para sa mga sasabak sa palighasan na ito. Masaya ang lahat ng marinig ang talumpati nila ngunit si Shane, napapansin niya ang mga peke at halatang hindi totoong damdamin nila.
May nakuha siyang implikasyon kung sino ang pinaguusapan nila at alam niyang ang kanyang Ina niya iyon. Narinig niyang nabanggit ni Reyna Kuzumi ang pangalan ng kanyang Ina bago sila nagiyakan dahil sa sinabi ni Ives sa kanila.
Kung ano man iyon, kailangan niyang malaman iyon at alamin kung ano ang pinaguusapan nila at bakit sila umiyak.
YOU ARE READING
PHANTOMENOUS ACADEMY: UNRAVEL S2 (COMPLETED)
FantasyIn this world, life and death is just a normal thing. If you want to die peacefully, you can suicide, if you want to live a life with peace, you need to achieve it. But I, Shane Luna, the daughter of Cassy Venice Elaynie and Ives Knight, will search...