CHAPTER NINE

401 10 1
                                    

Shane's Point of View

Bahagyang napatigil si Eclipso at tinignan lang ako. May mali ba sa tinanong ko sa kanya? Simple lang naman nung tanong ko eh.

"Eclipso?" Tawag ko sa pangalan niya. Napapikit-mata siya at umiling. Nababaliw na siguro tong lalaki na to. "So bakit nga?" Tanong ko.

"Well, kung lalayo ka sakin syempre, mamamatay ka." Sabi niya habang unti-unting tumataas ang sulok ng kanyang labi.

"Ano?! Mamamatay ako kapag lalayo ako sayo?" Hindi pweede! Ano nang gagawin? Marami pa akong plano sa buhay? What if lumayo ako sa kanya, titigil ba puso ko? What if pupunta ako sa palasyo, malayo kami sa isa't-isa, mamamatay ba ako?

Habang nagtatantrum ako ay natatawa siyang nakatingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin habang nakahawak sa puso kong dumadagundol ng malakas.

"Sagutin mo naman ng maayos!" Sigaw ko habang nakatingin sa kanya ng masama. Natawa siya ng malakas habang nakahawak sa kanyang tiyan. Natigilan ako at pinagmasdan ang gwapo niyang mukha, ang gwapo niya talaga. Sobra.

"Okay, okay. Kapag lumayo ka sa akin, your heart might stop. So it's better if your beside me, para hindi ka mamatay ng maaga." Sabi niya habang sinusupil niya ang ngiti sa kanyang labi.

Natigilan ako at tinignan siya na para bang nababaliw na. Mababaliw na ako kapag mamatay ako ng maaga!

"So what if umuwi ako sa palasyo? Magkakahiwalay tayo!" Mahinang sigaw ko habang hinawakan ang puso kong nagwawala na sa ribcage ko.

"Then kumuha ka ng dorm, if you want, we can live together." Sabi niya na nakangisi. Ang sarap mong patayin, sobra.

"Hindi pweede yon! Bawal magsama ang lalaki at babae sa isasang kwarto!" Pangangatwiran ko sa kanya. He just shrugged and jump down. Nanlaki ang mga mata ko at tinignan siya na nababaliw. Tumalon siya habang nasa pinaka-tuktok kami ng Puno!

"Eclipso! Nababaliw ko na!" Sigaw ko sa kanya. Ngumisi lang siya at kumaway sabay lakad papalayo. Bumuntong hininga na lang ako at sinilid sa bag si Damon na natutulog.

Nang mapansin kong nasa malayo si Eclipso, hinawakan ko ang puso kong unti-unti nang nanghihina. Hindi pweede!

Tumalon ako sa Puno kahit na mataas at napatayo naman sa lupa, ng hindi ko maiwasang magalaw ang paa ko na nagresulta ng pagkaka-slide ko sa lupa.

"Sh*t!" Bulong ko at hinintay ang pagka-salampak ng aking pwet sa lupa nang biglang may humawak sa aking bewang at agad na hinila ako pataas.

Tinignan ko ito at si Eclipso pala na mataman akong tinignan. Bumilis ulit ang tibok ng puso ko sabay tingin sa kanyang mga mata. Ano ba itong nararamdaman ko? Sign na ba ito para mamamatay ako ng maaga?

Although, may puso pa rin kami ngunit hindi siya ganun kaimportante keysa sa magic core naming nasa tiyan. Our hearts are in our ribcage, samantalang ang magic core namin ay nasa tiyan. So basically, we have two hearts.

"Careful." Bulong ni Eclipso at pinatayo ako sabay bumuntong hininga at iniwan ako sa kinatatayuan ko. "Wait!" Sigaw ko sa kanya.

Napahinto siya at tinignan ako habang nakakunot ang kanyang noo. Edi siya na talaga ang pinagbagsakan ng langit at lupa! Tss.

Tumakbo ako palapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. "Huwag mo akong iwan, mamamatay ako." Sabi ko sa kanya at bahagyang hinigpitan ang hawak ko sa kanyang kamay.

Ngumiti siya at tumango sabay hawak-kamay na naglakad pabalik sa school. Napahinga ako ng maluwag at nagpapasalamat sa mga Diyos at Diyosa, dahil hindi nila ako hinayaang mamatay ng ganun ka-simple!

PHANTOMENOUS ACADEMY: UNRAVEL S2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now