CHAPTER ELEVEN

440 9 0
                                    

Shane's Point of View

Pagkatapos ng drama kanina ay hindi na ako nagpaalam kila Papa at umuna na. Syempre paninindigan kong hindi ko sila papansinin.

Ng makababa ako, tudo Yuko silang lahat at tudo salita ng "Magandang Umaga, Prensesa.", "Hi Princess Shane.", "Kamusta kayo, Princess Shane?"

Sa totoo lang, nakakaramdam ako ng inis. Nadagdagan tuloy ang galit ko kay Papa. Umiingay sila! Nakakasakit sa tenga!

Hinawakan ko ang korona ko at sinubukang hablutin iyon ngunit kahit anong gawin ko, hindi pa rin makuha-kuha! Baka maputol ang ulo ko nito! Sh*t.

"Bakit pa naman kase sinuot ito sa akin! Tss." Asar na bulong ko sabay hablot ulit ng korona kaso masakit talaga ang ulo ko sa kakahablot! Grr!

"My lady, saan kayo pupunta?" Mahinhin na sabi ng babae sa tabi ko. Nanlaki ang aking mga mata at tinignan si Evangeline na nakangiti sa akin. Ginulat niya ako tang*na!

"Evangeline." Malamig na sabi ko sa kanya at tinignan siya kaso hindi man lang siya natakot at nilapitan ako sabay kuha ng bag ko.

"Ako na, My Lady." Sabi niya at yumukod. *Sigh* sa totoo lang, nakakapagod ng tignan yung mga ganito. Yung tipong kailangan mo pang yumukod para sa nakakataas. I mean, hindi ba pweeding tango lang?

"Evangeline, bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya habang patuloy na naglalakad sa pasilyong ito.

"His Majesty told me to stay here, for good. Sabi niya rin na ipapaenroll niya ako dito at bantayan daw kita." Sabi ni Evangeline.

Nilingon ko siya at hindi pa rin mawala sa kanyang labi ang ngiti. Bumuntong hininga ako at napapikit sa inis. Hindi sa naiinis ako kay Evangeline pero kung tratuhin ako parang batang nawala sa landas.

"My Lady? Saan ba ang dorm mo?" Tanong ni Evangeline nang makaliko kami sa kanto. "Sa taas daw. Sayo?" Tanong ko pabalik.

"Kung saan ka, nandoon ako." Sabi ni Evangeline at yumukod. Nakakasawa na talaga. Yung mukha ko ngayon parang binagsakan ng langit at lupa dahil sa mga kagaguhang nangyari.

"Ahh, sige." Malamig na sabi ko sabay bukas ng aking pinto at dumiretso sa sala. "Not bad." Munting sabi ko habang nilibot ng tingin ang kwarto.

May sala, hapagkainan mala second floor and dating. Siguro yung whole second floor yung kwarto ko. "Saan ka matutulog, Evangeline?" Tanong ko.

Hindi ko siya hahayaang matulog sa sala -.- hindi naman ako ganun ka-sama para ipatulog siya sa sala. Nakita ko siyang natigilan kaya napabuntong hininga ako at tumayo sabay tingin sa hagdan na nakakunekta sa itaas.

May bakante pang pader.

Huminga ako ng malalim at tinuro ang aking kamay sa pader na bakante at pinikit ang aking mata. Gamit ang Bloodlust kong kapangyarihan, inisip ko ang magiging kwarto ng alipin ko.

Syempre pinabongga ko since may tiwala ako kay Evangeline. Pinalaki ko pa ang kwarto niya at inisip lahat ng Meron sa isang kwarto.

Ng binuksan ko ang aking mata, nakaramdam ako ng hilo at napa-upo sa sofa sabay hawak sa aking noo. Medyo umiikot ang mundo ko.

"My Lady!" Sigaw ni Evangeline at nilapitan ako sabay pahiga sa akin at tinignan ako ng nagalala. "Pweede naman akong matulog dito sa Sala, Your Lady. Sana hindi mo na iyon ginawa." Sabi niya sa akin at agad na
inilagay niya ang kanyang kamay sa aking dibdib.

"Tss. Keep quiet, umiikot ang mundo ko." Sabi ko sa kanya sabay pikit sa mata ko. Medyo nagamit ko ang kapangyarihan ko sunod-sunod ah, walang pahinga.

Kahit Bloodlust user ako, nakakagawa ako ng mga bagay bagay na para sa bahay, palasyo or ano. I just took someone's magic core na naglalaman siguro ng Create or Creation ang magic.

Sino sa tatlo nga ba ang may kapangyarihang Create or Creation? Sayang, sana tinuluyan ko nang kinuha ang buhay niya.(눈‸눈)

Nakaramdam ako ng sarap sa pakiramdam at alam kong ginagamot ako ngayon ni Evangeline. Walang specific na kapangyarihan si Evangeline except sa Medical o Heal ang kanyang magic.

Pero huwag niyo lang subukang galitin. If I can stop myself from killing others, si Evangeline naman ay diretso niyang pinapatay. Sa akin nga lang siya makikinig eh.

Evangeline is beautiful. Her brown bobbly hair, her blue eyes, her small face—in short maganda talaga si Evangeline. Yung hinahawakan niyang weapon ngayon is long range sword. Magaling siya sa fencing kaya hindi din siya normal.

Sinabi ko na na pinapatay niya talaga ng diretso ang mababangga niya. "Evangeline, tubig." Sabi ko at tinignan siya. Yumukod siya at dali-daling kumuha ng tubig.

Samantalang tumayo ako at tinignan ang kabago-bago kong gawang kwarto. Pinihit ko ang doorknob at pumasok sa loob ng kwarto.

Sabi na nga ba, my magic won't disappoint nor dissatisfy me. Napakaganda ang pagkakabuo ng kwarto niya. Simula sa ceiling na may dalawang chandelier, sa loob na may walk in closet, study table, bookshelf, malaking kama at palikuran. Tapos may mini-sala pa siya.

Napangiti ako sa aking sarili. Pweede na akong maging karpentero nito. Mas nakakaganda pa kase ang kulay ng kwarto ay kulay baby pink at pink. Babaeng-babae ang dating ng kwarto.

"Your Lady—" Hindi natuloy ni Evangeline ang kanyang sasabihin ng makita niya kabuuan ng kwarto niya. Napahinga ako ng maluwag at kinuha ang baso tsaka umalis sa kanyang kwarto at dumiretso sa sarili kong kwarto.

At tama nga hula niyo, binago ko ang kwarto ko. Mula sa celiling papuntang sahig. Binago ko lahat.

Ng matapos ako, napa-ubo ako ng dugo at napaluhod. Mas lalong umikot ang ulo ko at sobrang hilong-hilo na ako sa nangyayari sa akin.

Napa-ubo ulit ako ng dugo ng paulit-ulit. T*ngna, na sobrahan talaga ako ngayon sa paggamit ng kapangyarihan. Sa sobrang sobra ng paggamit ko, tuloy-tuloy akong napaubo ng dugo.

Feeling ko makakaabsent tuloy ako nito.

Evangeline's Point of View

Napanganga ako sa sobrang ganda ng kwarto ko. Hindi ako makagalaw at makasalita sa sobrang Ganda. Hindi ko akalain na gagawin to ni Lady Shane.

Sa totoo lang, masyado nang marami ang ginawa niya sa akin. She didn't just made this but saved me from drowning.

Isa ako sa mga Elites na matataas din ang ranggo sa Phantom, ngunit nang trinaydor ako ng kasamahan ko, nilunod nila ako habang nakabalot sa ice.

Malaki ang pasasalamat ko ng dumating noon si Lady Shane kasama ang dragon niya. Napansin niya siguro ang pinanggagawa ng mga traydor kong kaibigan kaya hindi siya nagdadalawang tumalon sa tubig kahit nakagown siya noon.

Mabigat na gown pa nga(;;;・_・)

Wala siyang takot na lumangoy papalapit sa akin at agad na tinanggal ang ice na nakabalot sa akin at niligtas ako sa aking pagkakalunod.

Simula noon, pwersahan kong nilapitan siya at inalay ang sarili ko bilang isang sandata at panangga niya sa darating na mga panahon.

Umayaw siya kase ayaw niya pero napilit ko naman. Hanggang ngayon hindi ko hinayaang may umaway sa kanya. Dahil mapapatay ko talaga kung sino ang umaway sa kanya, Royalty man o Elitista, wala akong pake.

Napangiti ako at agad na pumunta sa kanyang kwarto para magpasalamat. Sa sobrang ka-eksayted ko binuksan ko ang pintuan at masayang nilapitan siya ng mapatigil ako at tinignan siyang nakahiga sa sahig na puno ng dugo sa kanyang Baba at kamay.

Nasobrahan siya sa paggamit ng kanyang kapangyarihan.

PHANTOMENOUS ACADEMY: UNRAVEL S2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now