CHAPTER FIVE

419 8 0
                                    

Shane's Point Of View

"Upo kayo." Sabi ni Prof. Evon at umupo sa kanyang silya. Nagkibit balikat ako at umupo sa silya na nasa harapan ni Prof. Evon.

"Alam kong hindi iyon tiyan mo, Shaun." Sabi ni Prof. Evon sa seryosong tono. Natigilan ako at tianignan si Prof. Evon ngunit malamig pa rin akong nakatingin sa kanya.

"Show me your bag, Ms. Elaynie." Sabi ni Prof. Evon. Tinignan ko si Kuya Shaun at umiling—pinapahiwatig na ayokong ibigay sa kanya si Damon.

Baka patayin niya si Damon! Papatayin ko rin siya kung ganoon!

"Ibigay mo na, Shane." Sabi ni Kuya at ngumiti ng pilit. Ano? Ibibigay ko sa kanya? What the? Seryoso ba si Kuya?

Sinamaan ko siya ng tingin at walang magawang binigay ang bag ko. Kinuha iyon ni Prof. Evon at tinignan ako. Tumango ako at napabuntong hininga. Shet, ayokong mapahamak ang dragon ko!

Binuksan iyon ni Prof. Evon at kumunot ang noo niya. Tinignan niya kaming tatlo na para bang naguguluhan siya sa nakikita niya. May mali ba?

Binigay niya sa akin ang bag at tinignan si Eclipso-stupid. Pake ko kung ganyan tawag ko sa kanya?
Stupid naman talaga siya :3

"Eclipso ang bag mo?" Tanong ni Prof. Evon at kinuha ang bag ni Eclipso. Walang gana naman iyong binigay ni Eclipso at pumikit. Yung totoo, bakit na top two tong tamad na ito?

Napatingin ako kay Kuya Shaun ng bigla niya akong piningot sa legs. Tang** ang sakit! Sinamaan ko siya ngunit napangisi ng nakita kong binigay niya sa akin si Damon.

Kinuha ko agad si Damon at inilagay sa kandungan ko. Nice plan mga parekoy, nice plan *insert evil smirk*.

"Shaun ang bag mo!" Na frau-fraustrated na sabi ni Prof. Evon. Ngumiti si Kuya Shaun at binigay ang bag sa kanya na walang halong kaba.

Psh, mabuti na lang at naisipan nila ito kung hindi, patay na si Damon. *Sigh*

"Ibigay niyo sa akin ang bag niyo!" Galit na sigaw ni Sir. Evon. Napatigil ako ngunit agad namang nakabawi. Galit na galit ka zer?

Binigay namin ang bag namin sa kanya at ngumiti ng matamis sa kanya. "Tumayo kayo!" Sabi ni Prof. Evon. Tumayo kami ngunit nailagay ko na si Damon sa bag ko. Ano ka ngayon?

Umikot siya ng umikot sa amin at ng makumperma na na wala talagang dragon, napabuntong hininga siya at tumango na lang.

*Evil smirk* bad genius ata kami.

"Pweede niyo ng makuha ang bag niyo. Siguro nagdedelusyon lang ako." Sabi ni Prof. Evon at napabuntong hininga ulit.

"Pweede na po ba kaming lumabas?" Tanong ni Eclipso at kinuha ang bag niya sabay tayo. "Oo." Ganun lang ang sinabi niya bago umupo ulit sa silya niya at ginulo ang buhok niya.

"Siguro nga nagdedelusyon lang ako." Sabi ni Prof. Evon habang nakayuko sa kanyang lamesa. Napangisi ako at dahan-dahang sinuot ang aking bag sabay hampas sa braso ni Kuya Shaun.

"Nice plan." Malamig na sabi ko at tinignan si Eclipso. Inirapan niya ako at sinuot ang headphone niya sabay alis sa harap namin.

Tangina napaka attitude niya naman -.-

Sirentinia's Point of View

Tangina, muntik na akong mamatay doon ah! Tangina ba't ko pa kase tinanong at nagduda sa kanya? Obvious naman atang may ganun siyang kapangyarihan dahil sa Ama at Ina nilang napaka kapangyarihan din.

*Sigh* Di na ako uulit talaga. Hindi na talaga! Kinabahan ako dun' ng sobra! Yung magic core ko nanghihina pa rin dahil sa ginawa niya *pout*.

"Hi babe." Tawag sa akin ni Shaun. Ngumiti ako at kumaway sa kanya. Shit andito na si Ms. Elaynie! Ano ng gagawin ko? Kinakabahan ako!

"H-hello Princess Elaynie. P-pasensya na tungkol doon sa tanong ko." Sabi ko habang nakayuko at naka-courtsy. Respetado talaga sila dito lalo na't anak ni Tito Ives at Tita Cassy.

"Okay lang yun. Huwag kanang mag-ganyan, nakakainis." Malamig na sabi nito sabay tingin sa Kuya niya. "Una na ako." Dagdag pa niya at iniwan kaming dalawa ni Shaun.

Huminga ako ng malalim at hinabol-habol ang aking paghinga. Shet ng dahil sa kaba ko hindi na pala ako humihinga!

"N-nakakatakot naman ng kapatid mo, Shaun." Sabi ko sa kanya sabay hawak sa puso ko.

"Don't be scared. Mabait naman yang si Shane. Sadyang malamig lang talaga." Sabi ni Shaun at ngumiti sa akin sabay yakap sa bewang ko.

Mabait? Yun yung mabait?! Nasaan ang pagiging mabait dun?!

"A-ahhmm, oo nga mabait nga siya." Sabi ko sabay ngiti ng pilit. Tangina nasaan ang justice dito? Bakit hindi ko alam na ganun pala ang definition ng 'Mabait'?

"Tara kain na tayo. Ihahatid pa kita sa dorm mo." Sabi ni Shaun sabay hawak sa kamay ko at naglakad. Ngumiti ako at ngumiti. Sister-in-law, maging mabait ka na naman sa akin oh? *Pout/sigh*

"There's the b*tch."

"Tss, bakit siya pa ang jowa ni Prince Shaun?"

"Inakit niya si Prince Shaun!"

"Tss mang aakit!"

"B*tch!"

Napatigil ako at tinignan si Shaun. Klaro sa aking mga mata ang sakit dahil sa mga sinasabi nila. Ganun na ba talaga ako?

Susumbatan na sana ni Shaun ang mga babaeng nasa gilid ng sumulpot si Shane at tinuro ang kanyang kamay sa pinakaunang babae sa gilid at ngumisi.

"Bloodlust: Boil." Sabi ni Shane isinara ang kanyang kamay sabay tingin sa babae.

Biglang namula ang babaeng tinuturo niya at napaluhod sabay hawak sa kanyang dibdib at nakangangang nakatingin sa sahig.

"Ang init— tulong! T-tulong! M-mainit! M-mainit!" Sigaw ng babae habang namimilipit sa sakit. Napatingin ako kay Shane at umiling. Shit mapapatay niya ang babae!

"Shane! Itigil mo na iyan!" Sigaw ko at tinignan si Shaun. "Shaun! Pigilan mo siya!" Sigaw ko kay Shaun na hindi makagalaw.

Bago pa man nakagalaw si Shaun ay agad na ibinaba ni Shane ang kanyang kamay at binuksan ang kanyang palad.

Napadapa ang babae at huminga ng malalim sabay dahang-dahang tumayo at tinignan si Shane.

"Isang sabi mo pa na ganyang klaseng tao ang nobya ni Kuya, hindi lang yan ang aabutin mo sa akin." Malamig na sabi ni Shane at umalis na.

Agad namang pinalibutan ang babae ng mga healer at dinala sa clinic dahil nanghihina ito at abnormal ang paghinga nito.

Sa pagkakaalam ko, malaki talaga ang damage ng mga Bloodlust user. Aabutin talaga ng ilang weeks or months ang mga natamaan lalo't hindi sila Royalty. Mabuti nga sa akin at ilang weeks lang okay na ako.

Parang ayaw ko na atang lumapit sa kapatid ni Shaun. Nakakatakot na nakakastress dahil sa dinadala niyang kapangyarihan!

"S-shaun..." Nauutal kong tawag sa jowa kong hindi makagalaw. First time ba niyang makita ang kapatid niyang ganoon?

"T-tara." Nauutal na sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hinila ako papalayo sa lugar na iyon. Parang magkakaphobia ako nito *iyak*.

PHANTOMENOUS ACADEMY: UNRAVEL S2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now