CHAPTER SIX

417 9 0
                                    

Nica Zayn's Point of View

Bulong-bulongan sa campus ang ginawa ni Ate Shane sa babaeng Elite kanina. Nagtaka daw sila dahil bakit daw nalagutan ng hininga ang babae. Wow! Bakit nga ba? Curious na curious ako kung ano ang nangyari sa kanya.

Kagagawan kaya yun ng BloodLust niyang abilidad?

Habang naglalakad ako patungo sa cafeteria ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari sa classroom kanina. Napaka-cool nun! Malapit na niyang mapatay si ate Sirentinia!

Kung hindi lang sana umepal si Kuya Shaun ಠωಠ.

Hay nako, *sigh* napaka malaking sana lahat kay Ate Shane. I mean, maganda siya, yung puti niyang buhok, ang mata niyang pula, lahat ata sa kanya maganda. Tapos biniyayaan pa siya ng kapangyarihang malakas pa nga siguro kay kuya Shaun. *Pout*

"Nics! Dito!"

Napalingon ako at agad na ngumiti ng makita ko sila Kuya Travis na kumakaway sa akin. Malaki ang ngiti kong lumapit sa kanila at tumabi kay Ivanna.

"Ang saya mo ata ngayon ah, baby?" Tanong ni Kuya Travis sa akin sabay himas sa buhok ko. Napaka sweet talaga ni Kuya Travis!

"May iniisip lang naman Kuya Travis hehe." Sabi ko habang tumatawa ng mahina.

"Ehem. Kuya. Ehem." Tahol ni Kuya Light habang may ngisi sa kanyang labi. "Inuubo ka Kuya? Nako, sana hindi ka na lang pumasok!" Sabi ko sa kanya habang tinitignan siya.

"May nagagalit. Nics baby, huwag mo na akong aalahanin. Mas mabuti pang unahin mo na lang yung nagagalit." Sabi ni Kuya Light habang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanyang labi.

"Huh? Sino naman pong magagalit—"

Hindi ko natuloy ang pagsasalita ng pumasok sa Cafeteria si Ate Shane habang malamig na naglalakad papunta sa direksyon kung saan may mga chefs na nagluluto.

"Mas malamig pa ata siya keysa sa nyebe ni Ivanna ah." Munting bulong ni ate Eclipsa sa akin. Kung alam mo lang ate Eclipsa, hindi yan lumalabas sa bahay nila Tito. *Sigh*

"Nabalitaan ko ang ginawa niya kay Sirentinia. Wala siyang takot sa mga Royalty?" Mapride na sabi ni Ivanna. Sumang-ayon naman si Kuya Kane sa sinabi ni Ivanna.

"Before you said that Ivanna, mas mabuti pang kilalahanin mo muna siya bago mo banggain. Who knows you might ended like Sirentinia—almost not breathing." Seryosong sabi ni Kuya Travis.

"Bakit? Is there something special to her huh? Wala naman ata siyang panama sa ice ko eh!" Nagkokompyansang sabi ni Ivanna.

"Really? Then I supposed you should watch her status." Sabi ni Kuya Light habang sumisimsim ng tsaa. Hala! Oo nga no? Bakit hindi ko tinignan?

Tinignan ko si Ate Shane habang hindi pumipikit. Nagfocus Lang ako sa kanya at nang naramdaman ko ang kapangyarihan ko, mas inigihan ko pa siyang tinignan.

"Misasete." Bulong ko.

"Aray! Huhu!" Bigla kong naipikit ang aking mga mata at agad na kinuskus ang aking mata. Huhu ang sakit! *Umiiyak*

"Okay ka lang ba, Baby?" Tanong ni Kuya Travis habang inaalo ako. "Masakit ang mga mata ko Kuya Travis huhu." Iyak ko sa kanya.

"Sh*t my eyes!" Sigaw ni Ivanna at napapikit. Kita mo na! Kita mo na! Masakit talaga sa mata! Huhu!

"Why can't I see a thing?" Tanong ni Eclipsa habang kinukuskus ang kanyang mga mata. Tumaas ang sulok ng labi ni Kuya Light at ni Kuya Travis.

"Dalawa lang ang meaning niyan. It's either her status is far more higher than us. Second, maybe she sealed her status so no one will suspect such thing." Pag eexplain ni Kuya Light.

"Suspect what?" Tanong ko pabalik. May dapat bang ipagkakasuspektahan kay Ate Shane? Wala naman ah? Infact nga sobrang bait ni Ate Shane sa akin to the point na gusto ko tuloy siyang maging jowa!

"To hide that she's one of the most respected and sought after Princess of the Phantom—who tamed the BloodLust element." Pagtutuloy ni Kuya Travis.

*Shock* oh my gas!

Shane's Point of View

Hindi ko talaga alam kung bakit pumunta ako sa ganito ka ingay na lugar. Bakit nga ba ako nandito? Ah, para bilhan ng Karne ang alaga kong nagugutom na.

Damon is too special to me na kaya kong pumasok sa lugar na ito. Pero advice lang, ayoko ng mangyari to ulit. Nakakarindi sa tenga -.-

When will this end? When will this suffering end? How long will I stand here? Sa sobrang ingay gusto ko nang patayin tong mga to! Grr!

Dalawa lang talaga ang kahinaan ko. Ang marumi at ang maingay. It's like sa ganitong klase ng kahinaan, iisipin mo talaga na joke lang.

Bakit?

Kasi dala-dala ko ang BloodLust element tapos yung kahinaan ko lang ay ang Karumihan at Kaingayan? Hah! Totoo to kaya walang magrereklamo.

"Isang Karne nga. Roasted beef." Sabi ko. "Yung malaki." Dagdag ko. Tinaasan ako ng tindera at mariing napatawa. Tangina?

"Ms. Baka bago ka palang, sasabihin ko na sayo, Hindi porket sumikat ka na dito, magfefeeling ka ng may pera. Huwag kang bobo Ms.!" Natatawang sabi ng Tindira.

Bahagya akong natigilan at napatingin sa kanya ng madilim. Lahat ng mga estudyante ay natigilan at natakot dahil sa pinapalabas kong awra.

Anong sabi niya? Huwag maging bobo?

"Ganito na ba lahat ng maid sa paaralan ni Papa? Bobo pati tindera? Sana pala hindi na siya pinag-aral pa at pinatrabaho dito." Malamig na sabi ko.

"Aba'y ikaw na bata ka!" Galit na sigaw niya at hinagisan ako ng kalderong maitim pa sa budhi niya. Sinadya kong magpatama at nagkukunwaring nagulat sa ginawa niya.

Ngumiti siya na para bang nanalo siya ng lotto. Malaki ang ngiti niya sa kanyang labi habang nakatakas ang isang kilay niya.

"Ah, dinumihan mo ang uniform ko." Malamig na sabi ko sabay tingin sa kanya ng nakamamatay.

"Emit: Classical Whip." Bulong ko at agad na hinampas ang babaeng chef ng mabilis. Tignan natin ngayon kung sino ang mas bobo sa ating dalawa. *Evil smirk*

*Wapak!*

Napahiga ang duguang babae habang hindi makagalaw dahil sa bigla. Isinummon ko ang aking Samurai bago pa siya magsalita at boom, Ayan na siya ngayon duguan.

May isa pa palang katangian ang aking beloved Samurai. Noon na si Ina pa ang nakautusang magdala ng Classical whip, dalawa lang ang katangian nito kumpara sa Scythe ni Kuya.

Pero ng ako ang nakahawak ay bigla itong lumiwanag at nagevolve. Maganda siya actually may panibagong skill na naman. Pero hindi ko talaga favor yung whip, mas gusto ko nitong Samurai.

Pero nagbago ang aking pananaw simula ng hinagisan ako ng kalderong ma-uling. *Smirks*

Ang tawag ng bagong skill ay Emit. Kagaya ng Scythe, nakakapag copy ito ng weapon, but mas malaki ang lamang nito sa Copy lamang. Nakakapag absorb ito ng kapangyarihan at mas do-doble pa ang sakit nito kapag na absorb ng tuluyan ang kapangyarihan ng humahawak ng weapon na ito.

At mas lalong sasakit pa dahil ako, si Shane Luna Elaynie Twilight Knight II, ang dakilang humahawak sa isang Legendary weapon at ang Rarest element, BloodLust. *Evil laugh/chuckle*

PHANTOMENOUS ACADEMY: UNRAVEL S2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now