CHAPTER TWENTY FIVE

341 7 0
                                    

Abot kaba sa dibdib ang nararamdaman ngayon ni Ives at hindi mapakali dahil ilang oras ng nawala si Shane. Alam niyang malakas si Shane ngunit hindi niya mapigilang magalala sa anak niyang babae. Wala ni' isang Shadow Knight ang lumabas at nag report sa kanya tungkol kay Shane. Ibig sabihin, may nangyari na talagang hindi kaaya-aya.

"At nangunguna sa labanan si Prinsepe Eclipso at Prinsepe Shaun! Magaling talaga ang dalawa sa pagdating ng ganitong pagsusulit! Mahusay ang ginagawa nila!" Sigaw ng lalaking akalain mong announcer.

"Sumusunod si Prinsesa Nica Zayn at ang iba pang mga Prinsesa! Mukhang nagsasama-sama ang mga Prinsesa ilang makalabas sa pagsusulit na ito! Clever idea!" Sigaw ulit ng Announcer.

Sa kabilang dako naman, Hindi na mabilang no Shaun kung ilang ilusyong halimaw na ang kanyang napatay. Alam niyang magkapareho sila ng patay ni Eclipso. Napakagat siya sa kanyang labi at agad na inisip ang mga ginawa ni Eclipso sa kanya.

Binawi niya ang kanyang kapatid, naging mas close pa ang kanilang relasyon kesa sa kanya at kay Shane, at mahusay na pakikipaglaban na kayang palitan si Shaun sa kanyang pwesto.

Sa bawat rason na kanyang maiisip ay, singbilis pa ng alas kwatro ang pagtama ng kanyang mahiwagang Scythe sa katawan ng halimaw.

"Eeeeekk!" Sigaw ng Halimaw ng matamaan siya ng Sycthe at nawala. "Light beam!" Sigaw ni Shaun at itinuro ang kanyang kamay sa papalapit na halimaw.

Lumabas ang puting mahika at dumiritso sa puso ng Halimaw na agad namang ikinatumba nito. "Light spear! Heaven balls!" Sunod-sunod na pagincant ni Shaun.

Lumabas ang sphere na gawa sa outing mahika at mga bolang mas malaki pa sa ulo ng Higante. Agad na sumigaw ang mga halimaw na nakapalibot kay Shaun dahil sa sunod-sunod niyang pagsabi ng mga spells.

Agad siyang napahinga ng malalim at tumakbo ng mabilis at mahanap ang exit sa pagsusulit.

Habang si Eclispo Naman ay turo Lang ng turo Kung saan tatama ang kanyang mahikang pinapalabas niya sa kanyang magic core. Prenteng naglalakad lang at hindi kinakabahan sa mga halimaw na palagi siyang pinupuntirya.

"Dark cage!" Pag enchanto ni Eclipso at agad namang lumabas ang malaking kulongan at nabitag ang higit benteng halimaw. Agad namang nawala ang Kulongan ngunit maririnig mo ang sigaw ng mga halimaw.

"Eeekk! Kkyyrwaahh! Arrrrwwkk!" Sigaw ng mga halimaw. Ngunit parang walang narinig si Eclipso at naglakad lang, isa Lang ang gusto niyang gawin; ang makalabas at mahanap ang babaeng nagpabaliw sa kanya simula ng makick out siya.

"Pagnakalabas ako dito, pasensyahan tayo Shane." Bulong ni Eclipso at patuloy na nagbulong ng mga spell pampatay sa mga halimaw.

Habang ang mga Prinsesa ay nagtutulungan na mapuksa ang mga halimaw. Sabay sabay na bulong, sigaw at bills ng pagpatay halimaw ang ginawa nila.

"Paper Art: Pain!"

"Ice daggers!"

"Water lasers!"

"Fire ball!"

Sigaw ng mga Prinsesa at agad na tumakbo. "Nice one, Nics!" Sigaw ni Sirentinia habang pawis na tumatakbo. Ngumiti si Nica at tinagnan sila Ivanna at Meteora. "Nice one mga ate!" Sigaw ni Nica habang may ngiti sa labi.

"Ivanna sa likod mo!" Sigaw ni Meteora at agad na nagcast ng spell. "Paper Art: Attach!" Sigaw ni Meteora na agad namang iniwasan ni Ivanna. Magaling matamaan ang Higante at tuluyang nawala.

"Nice save, Meteora!" Sigaw ni Ivanna at natatawang umapir sa kanya. Ngumiti si Meteora ng malaki at parang walang kasamaang nagawa. Meteora shrugged off at nagpatuloy sa pagtakbo.

"Come on guys! Nararamdaman kong malapit na tayong matapos." Sabi ni Sirentinia at dinalian ang kanyang pagtakbo. Agad namang nagsitango-an ang mga Prinsesa at binalisan rin ang pagtakbo.

"Oi Gag* buhay ka pa?!" Natatawang sigaw ni Light kay Travis na natamaan ng hampas ng Higante. Napabakod si Travis at pinahiran ang kanyang labi na may dugo.

"Gag* ang sakit!" Sigaw pagbalik ni Travis at agad na bumulong ng spell. "Techno Punches!" Bulong ni Travis at agad namang lumabas ang malalaking kamay na kulay green at sinuntok ang Higante.

"Hinay-hinay lang tayo Kuya Travis!" Galit na sigaw ni Kane at sinamaan ng tingin si Travis. Napatawa lang si Travis at sinangga ang paparating sa kanya na palaso at sinipa ang Dwarf na nagpana sa kanya.

"Pasensya na Kane!" Sigaw ni Travis at sinakal ang Dwarf. "Arrcckk-" ungol ng Dwarf at agad na nawala sa kamay ni Travis. Napabuntong hininga si Kane at agad na isinumon ang mga baging at ipinulupot kay Travis.

"Abay p*ta—" Hindi natulog ang sinasabi ni Travis ng hinarangan ng baging ang kanyang baba kaya hindi siya makapagsalita o makagalaw.

"HAHAHA!" Tawang tawa si Light habang tinuro-turo pa si Travis na parang uod na makagalaw. "Kuya Light, ilag!" Sigaw ni Kane ngunit huli na ang lahat at agad siyang napalipad at tumama ang kanyang katawan sa punong kahoy.

Napadura si Light ng dugo na agad namang ikinatawa ng malakas ni Travis ngunit sukluban pa rin ang boses dahil sa baging na nakapulot sa kanyang baba. "Put*k na Higante!" Sigaw ni Light.

"Lightning flash!" Sigaw ni Light at agad na tumama ang kidlat sa Higante. Sinipa niya at  sinuntok ang mga iba pang halimaw at bumulong ng incantation ulit.

"Lightning Rain!" Sigaw ni Light at umulan naman ng mga kidlat at tinamaan ang mga halimaw. "Sabi ko sayo umilag ka, Kuya Light! Yan tuloy!" Napailing na Sabi ni Kane kay Light at pinasunod ang mga baging na nakapalibot kay Travis ng simulan nilang tumakbo-lakad.

"Pasensya na, natuwa ako eh." Sabi niya kay Kane at tinignan si Travis na tawang-tawa pa rin. Nahiya siya dun kaya hinampas niya si Travis at sinamaan ng tingin.

Habang ang loko naman ay sinamaan siya ngunit bumawi rin at ngumiti kay Light ng nangiinis. Gustong paulanan ni Light si Travis ng kidlat ngunit mas gusto pa niyang makalabas at matulog. Hindi niya alam kung Ilang oras o araw na silang nanatili.

Lumipas ang isang araw na hindi pa rin nakikita si Shane. Agad na nag-aanunsyo si Ives at direktang kinausap ang iba pang mga Sang'gre at opisyales na hanapin ang nawawalang Prinsesa.

Hindi alam ng mga estudyanteng nagkagulo ang mga Tao habang hinahanap ang Prinsesang si Shane. Tinaasan ni Ives ang perang ihahandog sa makakakita kay Shane kaya tuloy-tuloy ang paghahanap nila.

Hindi na mapakali si Ives at tuluyang iniwan ang kanyang pwesto para hanapin ang kanyang anak na kahapon pa nawawala. Hindi niya lubos maisip kung ano ang mangyayari sa kanyang anak.

"Magpakita ka na, Shane." Bulong ni Ives sa takot at pangamba na baka nawalan ito ng Malay at kinuha na ng mga Hollowsian. Biglang sumama ang kanyang loob at tinawag pa ang kanyang minamahal na alagad.

"Ilvis!" Tawag niya sa Anghel na demonyo. Ito ang Familiar niya na pinagbabawal na ipalabas sa publiko. Ngunit mas importante pa ang kanyang anak kesa sa publiko.

"Hanapin mo ang anak ko!" Sigaw ni Ives. Ngumiti ang Anghel na Demonyo at yumukod sabay nawala sa paningin ni Ives.

PHANTOMENOUS ACADEMY: UNRAVEL S2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now