"Ugh!" Ungol ni Meteora sa galit at padabog na umupo sa sofa. Kanina pa siya naiirita dahil sa kapatid ni Shaun na walang ibang ginawa kung hindi magpapansin. Lahat tuloy ng atensyon nila nasa kay Shane at wala sa kanya.
Isa pa si Ivanna na unti-unti ng nagbabago at nagiging friendly sa babaeng kinaiinisan niya. "Ugrh! Bakit nasa kanya lahat?! Bakit?!" Galit na sigaw niya at ginulo ang kanyang buhok.
"Ugrh! Bakit kinukuha niya lahat sa akin?! Pati ang kapatid ko, sa kanya lumalapit, Nakakalimutan na ako! Ano bang gagawin ko?!" Naiiyak na sigaw ni Meteora at napahampas sa babasaging mesa.
Nagkapira-piraso ang gawa sa salamin na mesa at nagkasugat sa kamay si Meteora. "Ouch!" Ungol niya sa sakit at umiyak. Ni isa walang lumapit sa kanya kahit si Ivanna.
Pinakalma niya ang sarili niya at pinahiran ang kanyang mga luha. Sa lubos na galit niya, nagdesisyon siyang maglakad-lakad na lang para mawala ang galit at tensyon na kanyang nararamdaman.
Naglakad siya at hinilamusan ang sarili at humarap sa salamin sabay ngiti na para bang baliw. Nang mapagtanto niyang okay na siya, umalis siya sa kanyang dormitanyo at naglakad-lakad kung saan man siya dalhin ng kanyang mga paa.
Simula talaga ng tumuntong ang paa ni Shane sa Phantomenous Academy, nawala sa kanya ang atensyon na laging nasa kanya. Simula ng dumating si Shane ay wala na sa kanya ang mga mata ng mga estudyante.
Ng dahil kay Shane, nawala sa kanya ang kanyang Kuya.
Sa lalim ng kanyang pagiisip, Di na niya namalayang mapunta sa lugar hindi niya pamilyar at kabisado. Hindi niya alam kung sa'ang parte ito ng Phantomenous Academy.
Pero sa naalala niya, walang lugar sa Phantomenous Academy ang hindi niya napuntahan, pwera na lang sa 'The Forest of Depths' na pinagbabawal ng Headmistress.
'Wait, bakit napunta ako dito? Hindi ko naalalang ito ang daan na tinatahak ko?' Nagtataka na tanong ni Meteora sa kanyang isipan.
Ang kagubatan ng Depths ay hindi open sa lahat. Even the Board of Directors, Supreme Court Council, at mga ordinaryong studyante ng Phantomenous ay pinagbabawal na pumasok.
Kilala ang kagubatan na ito sa pagiging malalim, ma-espasyo at nakakanullify ng kahit anong kapangyarihan. Even Priestess at si Shane, hindi makakagamit ng mahika sa loob nito.
Kung titignan mo, mukha siyang may malalakaran, pero kung papasok ka, mahuhulog ka at sa pangalan palang nito, hindi mo alam kung kailan ka babagsak. Pero may nagsasabi na mamamatay ka na lang dahil sa malalim na bangin, may mga matatalim na bato na kayang pumatay ng mga Magicians.
Napalunok sa takot si Meteora at aatras na sana ng maramdam siyang parang may nakabangga siya habang umaatras. Natatakot na hinarap niya ito at kumunot ang noo kung sino ang bumangga sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito? Alam mo bang pinagbabawal ng Headmistress na makapasok dito?" Pangangaral ni Meteora sa babaeng nakatayo sa kanyang harapan.
Tinignan ni Meteora ang buong anyo ng babae at napansin niyang pareha sila ng uniform na sinusuot. Tinignan niya ang mukha ngunit hindi ito pamilyar sa kanya.
"Bagong estudyante ka ba?" Tanong ni Meteora. Tumango ang babae at ngumisi sa kanya. "I'm Shiro Yumenaka. Anong ginagawa mo dito, Your Highness?" Tanong ng babae.
"Naglibot-libot lang. I need to recompose my self because of that f*cking b*tch who ruined my life! Oh, I'm sorry." Paghihingi ng umanhin ni Meteora ng marealized niya ang sinabi niya.
Napatawa ng mahina si Shiro which Meteora finds adorable. "Will you let me know who's this person is?" Tanong ni Shiro habang nakangiti.
Gusto ni Meteora na sabihin pero baka isa ito sa mga sumusuporta kay Shane. Ngunit halata naman na hindi siya taga supporta ni Shane dahil baguhan pa lang ito kaya tumango siya at hinila si Shiro Yumenaka sa lugar na malayo sa The Forest of Depths.
Umupo silang dalawa sa ilalim ng kahoy at nagusap. Sinabi lahat ni Meteora ang galit at ugat ng kanyang galit kay Shiro na nakikinig ng mabuti.
Ngunit lihim siyang napangiti ng maakit niya Prinsesa ng Kahariang Airus. Magsisimula ang kanilang plano kapag nagawa ng Prinsesa nito ang gusto nila.
"Isa lang naman ang paraan diyan, Prinsesa." Sabi ni Shiro habang ngumingiti ng matamis. Tinignan siya ni Meteora at bahagyang kumislap ang mga mata nito pagkasabi pa lang ng plano.
"Gawan niyo siya ng maling impresyon sa lahat ng madla. Pagkatapos, magdadrama ka sa harap ng kaibigan mo. After all, gusto mong ikick-out si 'Shane' diba?" Pagsasuggest ni Shiro habang dinidiin ang pangalang Shane.
Tumango si Meteora at bahagyang bumuntong hininga. Nakita ito ni Shiro at tumaas ang kanyang kilay at hindi nagustuhan ang inakto ng Prinsesa.
"Kaso, wala siyang planong pansinin yung mga rumors about sa kanya. Kahit harap-harapan na ang pagkakarinig, tumatahimik lang yung mga estudyante kapag dadaan siya. Forget your useless plan, hindi iyan matitinag dahil sa baseless rumor." Sabi ni Meteora.
"Oh my, you need to pull the trigger." Sabi ni Shiro na nakangiti lang. Nacrecreepihan na nga si Meteora at bakit pangiti-ngiti si Shiro.
"What I'm trying to say is, you need to find a hole that can trigger her severely. In that way, lalaban siya sa rumor na iyon using force and her power. In that way, her fame will reach downwards." Pag e-explain ni Shiro sa plano.
'And in that way, makakapasok na ang mga Hollowsian na hindi namamatay sa kamay ng babaeng iyon.'
"I'm sorry did you say something, Shiro?" Tanong ni Meteora. Umiling si Shiro at ngumiti ulit ng matamis. "So what do you say, gagawin mo ba?"
Tumango si Meteora. Napalaki ang ngiti ni Shiro Yumenaka, ang kanilang plano na pasukin ang Academia ay tagumpay. Salamat sa Prinsesang tumulong sa amin.
"Kaso ayokong ako ang magspread ng rumor." Sabi ni Meteora habang nagiisip ng paraan. "Why don't you blackmail someone?" Sabi ni Shiro.
"Me? Blackmailing? Are you joking? I'm keeping my status as a good girl here!" Naiirita na sabi ni Shane sa kay Shiro.
"Ahh, this girl's a dumb one." Mahinang bulong ni Shiro at napahampas sa kanyang noo. Huminga siya ng malalim at gusto sanang sugurin si Meteora kaso baka maepic fail ang kanilang plano.
"Think, your fame or her reign? If you pick you're fame, blackmail someone para nasaiyo na ang atensyon! Because if you let her reign, maiiwan ka sa sulok na walang kaibigan. You'll be a forgotten princess." Shiro said while licking her lips.
"I say you'll do it. Kung gusto mo hanapan kita ng babaeng mabablack-mailan mo." Sabi ni Shane at sumipol. Agad na dumating ang babaeng dali-daling tumatakbo sa kanilang direksyon.
"The Eldest daughter of Duke Andrielle, Rihanna Andrielle. I bet your father's working so hard right now to pay your worth a life debt." Sabi ni Shiro at tumayo.
"You want to help your father right? Then let us use you. Pagkatapos, binigyan ka namin ng triple pa sa utang niyo." Sabi ni Shiro habang inaahas si Rihanna.
Tumango si Rihanna at bahagyang lumuhod sa kanilang harapan sabay iyak. "Tulungan niyo po ako, ayokong makita si Papa na umiiyak." Sabi ni Rihanna.
Napalunok si Meteora. Tinignan niya si Shiro na ngumingiti sa kanya. "Tick tock, Princess. Use her for your gain." Sabi ni Shiro.
Ano ba talaga ang gagawin ni Meteora? Use her for her selfish gain, or let Shane reign the school?
YOU ARE READING
PHANTOMENOUS ACADEMY: UNRAVEL S2 (COMPLETED)
FantasyIn this world, life and death is just a normal thing. If you want to die peacefully, you can suicide, if you want to live a life with peace, you need to achieve it. But I, Shane Luna, the daughter of Cassy Venice Elaynie and Ives Knight, will search...