Chapter 1

2.9K 88 13
                                    

Dedicated to KateZyreneFranco ❤️

Chapter 1

5 years later

"Boo!"

"Putang-" muntik nakong mahulog sa inuupuan ko ng biglang sumulpot si Klaus. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Ang mukong tumawa lang.

"Laughtrip HAHAHAHAHA"

"Argh! Gago ka talaga." iritado kung sabi.

He just zipped his mouth and sit in front of me.

"May sasabihin ako." sabi niya seryoso na ngayon.Tinaasan ko siya ng kilay.

"Uuwi ako ng Pilipinas!" dugtong niya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Kung uuwi siya it mean isasama niya ko! What the hell!? Di pako ready bumalik dun!

"So?..." I trailed off tumingin naman siya sakin.

"Wala sinasabi ko lang sayo." sagot niya.

Wow! Hindi niya ko pipilitin sumama. This is new. Or baka may plano tong mukong nato.

Pinagmasdan ko siya habang kumakain. Nilalagnat siguro to!?

"Klaus?"

"Hmm?"

"May lagnat kaba?" tanong ko.

Sunod-sunod siyang napaubo sa tanong ko. May mali ba sa tanong ko?

"Oh! Eto tubig baka mamatay kapa!" saad ko. Baka ano pang mangyari sa kanya, malaki pa naman utang na loob ko sa kanya.

"Gago!Wala akong lagnat kung naguguluhan ka kung bakit di kita isasama pauwi kasi..." he trailed off. "Pagod nakong pilitin ka, alam ko naman na hindi kapa ready" dugtong niya sabay ngiti.

Ngiting parang may binabalak. Alam ko lahat ng galaw niya kaya malalaman mo talaga kung may binabalak to.

Tumatango-tango lang ako habang umiinom ng tubig.I smell something fishy.

"Wala kang shoot today?"

Umiling lang ako at nagpaalam na maliligo muna. Pumasok naman nako sa banyo.

I open the shower, thinking about what happened 5 years ago.

Am I not ready?

Nanumbalik sakin ang mga nangyari sa nagdaan na taon.

NAGISING ako sa puting silid nilibot ko ang tingin sa kabuohan ng silid.

Nasan ako? Damn ang sakit ng katawan ko.
Napahawak ako sa ulo ko ng maalala na nasagasaan pala ako! Napaupo ako sa kama habang hinihilot ang aking sentido.

Argh!

Napabaling naman ako sa pinto ng biglang may pumasok na doctor at kasunod nito ay isang lalaki.

"Gising kana pala!" Ani ng Doctor.

Tsk malamang alangan naman na nagiimagine siya na gising ako. Pero dapat chill lang kasi nasa hospital na nga ako nagawa ko pang mangbara ng doctor.

"A-asan po ako?" tanong ko.

"Nasa hospital ka iha sinugod ka dito," sagot niya sabay ngiti. Okay gwapo sana si Doc kaso hindi pwede baka may asawa na yan.

Tumatango-tango nalang ako habang inaalala ang mga nangyari. Umalis din ang doctor pagkatapos niya akong icheck at sinabihan na pwede na akong umuwi. Dalawang araw narin pala akong nakaconfine dito.

"U-uhm..."

Napalingon naman ako sa lalaki na napakamot batok habang umiiwas ng tingin.

"I'm Klaus Jace Dela Paz, ako nga pala ang nakabangga sayo," ani Klaus sabay lapit sa kama at naglahad ng kamay.

Love isn't Lost (Love Series #1)Where stories live. Discover now