Chapter 17

947 41 25
                                    

Hellooo! Grabe I'm so happy. Congratulations LOVE ISN'T LOST for the 18k reads. Grabe I wouldn't reach 18k reads kung hindi dahil sa inyo so I'm very thankful sa inyo. To my reader and my silent readers thank youuu so much.

Anyways add niyo ko sa fb: Tambokky Wp

Thank you.

Chapter 17

"IS that all ma'am?" I nodded as a response to the organizer. Tita Ailyn was sitting beside me she's busy scrolling on the iPad though.

Nandito kami sa garden ng mansyon. Pinagplanuhan namin ni Tita ang paparating na kaarawan ni Shynrone. I just want a simple party pero hindi sang-ayon si Tita dahil daw nag-iisang apo niya na nga lang simple party pa.

I couldn't blame Tita, ayaw naman kasi siyang bigyan ng apo ng mga anak niya kaya anak ko ang iniispoiled niya.

"Wait! Can I add somet--" Tita was about to say something but I cut her off.

"Tita, that's enough." Pigil ko sa kanya ng may idadagdag pa sana siya. Tumingin ako sa organizer. "Okay na po yun. Thank you."

The gay organizer offered his hand before standing up. "The sample invitation will be out tomorrow."

Tita Ailyn pouted. "Okay thanks." Humarap siya sakin. "You won't go pa ba sa work, dear?"

I looked at my wrist watch. "Later po, after I send the organizer off."

Her forehead creased. "Ako na. You should go already baka malate ka pa."

Maaga pa naman pero baka matraffic ako papunta sa venue ng shoot. My photoshoot will be held on a beach, mageendorse kasi ako ng perfume and lotion. Nawala nga ang gana ko kagabi na umattend ng shoot dahil nalaman kung sasama pala si Shan dun.

Like invited ka gurl? Bakit ba kasi siya sasama? Hindi naman required na dapat siyang sasama e. Nakakabadtrip kasi ang hitsura ni Shan kaya ayaw kung nandun siya.

"Sige po," I said and excuse myself to go to the garage. Manghihiram nalang ako ng sasakyan kasi naiwan sa kompanya ang kotse ko. Akala ko pa naman na ipapahatid ni Shan yung kotse ko dito.

My phone vibrated. Dalawang message, ang isa ay galing kay Klaus ang isa naman ay galing kay Vin.

From Klaus:

I'm done sending Shynrone to school. Goodluck on your photoshoot. Don't forget to eat your lunch :)

From Vin:

San na u mam? Nandito na q. Pnta k hotel.

Halos matawa ako dahil sa text ni Vin, ang laki kasi ng pinagkaiba ng text nila ni Klaus yung ka Klaus complete yung kay Vin naman parang ang tamad magtype.

Muntik ko ng matapon ang cellphone ko ng may biglang kumalabit sakin. Paglingon ko nakita ko si Manong Roel na ngayon ay inosenteng nakatigin sakin. "Manong!?"

"Acy? Nagkakape kaba?" Tanong niya sakin. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Anong connect nun? Baka naman magpipick up line si Manong?

"I drink coffee every morning, Manong. Why?"

Tumango-tango naman siya para bang maynarealize. "Kaya pala. Eto na ang susi sa sasakyan. Ingat ka." huling sabi ni Manong bago umalis. Yun na yun? Akala ko ba magpipick up line si Manong? Nevermind.

Napailing nalang ako bago pumasok sa sasakyan at pinaandar ito. I open the stereo to lighten up my mood. I also open my gps, hindi ko kasi kabisado ang daan papunta dun.

Love isn't Lost (Love Series #1)Where stories live. Discover now