Chapter 9
TAMAD akong lumabas ng banyo, pikit pa ang dalawa kung mga mata. Ito kasing si Shynrone nakasanayan niya na atang gisingin ako ng maaga. Napatingin ako sa wall clock, seven o'clock palang.
Nagbihis lang ako ng isang ripped jeans pinaresan ko ito ng isang croptop. Naglagay lang din ako ng konting make-up.
Maingay sa dining table ang nadatnan ko. Nandun si Tita pati narin si Tito. Actually kakauwi lang ni Tito nung isang araw galing sa isang business trip. Nakakandung naman si Shynrone kay Klaus, nagpapasubo pa talaga sa Daddy niya.
Bumaba ang tingin ko sa suot ni Shynrone, nakablue polo shirt siya tapos nakatuck-in sa kulay itim na pantalon.
May lakad sila? Bakit hindi ko alam.
"Morning.."
Napatingin sila sa akin, ngumiti nalang ako at dumiretso sa tapat ni Klaus.
"Are you two going out?" I asked curiously while putting some rice and bacon on my plate.
"Huh?" sagot ni Klaus.
"Nakabihis kasi si Shynrone,"
Napangiwi naman si Klaus sa sagot ko, tiningnan niya din ako ng may pagdududa.
"What?"
"You forgot didn't you?" he accused.
Napaisip naman ako kung may nakalimutan ba ako. Well wala naman akong nakalimutan except sa schedule ko mamayang 1 o'clock. This is my first day of work though.
"It's Shynrone first day of school!" I stilled.
Shit I forgot. Kaya pala maaga niya akong ginising. Ang tanga ko naman oara kalimutan yun.
Hilaw akong tumawa, "Psh. O-of c-course I didn't forget about it." kabado akong sumubo sana hindi mahalata ni Klaus ang pagkautal ko.
"I already talk to Relani, Acy. She said siya ang magtotour sa inyo sa school ni Shynrone." sabat ni Tita.
Lakas naman may-ari pa talaga magtotour namin sa school.
"Okay."
SCHOOL..
"Let's go, Mom!" halos kaladkarin na ako ni Shynrone sa loob ng gate ng school. Nakasunod lang samin si Klaus na tumatawa.
"Careful, baka makabangga ka." Paalala ko. Medjo marami din kasing pumapasok kaya crowded.
Papasok na kami sa gate ng may makabanggan ako. Sus todo paalala ako kay Shynrone tapos ako pala makakabangga.
"I'm sorry po," hingi ko ng paumanhin. Hindi ko parin natitignan ang nakabanggan ko, tiningnan ko kasi kung may nahulog ba na gamit.
"Acy? I-is that y-you?" a woman spoke. Natigilan ako bago nag-angat ng tingin sa nagsalita. My mouth parted when I saw Tita Amara, Shan's mom. It's been five years since I last saw her. She's still beautiful even if she's old. Maybe she's in her late fifties.
"It's you!" she said happily.
"H-hello po," I said awkwardly. Ang malas naman, ngayon palang ulit kami nagkita ni Tita since that day, you know the break up part. I already forget about that naman.
"You're so beautiful. I didn't even recognize you at first!"
I smiled. "How are you na po?"
"I'm fine, Acy." she answered calmly. "What are you doing here, btw?" she asked.
"Hinatid ko lang si Shy—" Naputol ang sasabihin ko ng may batang kumalabit kay Tita. Natuon ang atensyon ko sa kanya ng masilip ang mukha nito. Mukhang kaage niya lang si Shynrone. She resemble someone, matangos ang ilong bilugan ang mukha tapos kulay abo ang mga mata.
YOU ARE READING
Love isn't Lost (Love Series #1)
RomanceLove Series #1 Date Started: 05/08/21 Date ended: --/--/--