Chapter 6
"Yvonne? Pakiuwi sila Owen!" I whispered
Lagpas alas dose na ng gabi pero nandito parin kami sa bar. Lasing na si Owen,Drew pati narin si Peter. Hindi rin masyadong uminom si Klaus, magmamaneho pa kasi.
Matik na baka si Spence— este San Pedro pala sumalubong samin.
"A f*cking weakshit.."
Hanu daw?
Tumayo ako sa harap nila "Uwi na tayo" deklara ko.
Tumango naman sila Klaus, kanya-kanya silang alalay sa tatlong lasing. Buti nalang nagpatianod ang tatlo.
"Fuck walk properly dimwit!" Inis na sigaw ni Yvonne kay Drew. Pagiwang- giwang kasi na naglakad si Drew.
Mahina akong natawa dahil nasagad na ang pasensya ni Yvonne kay Drew.
"What? Stop laughing at me!"
Umiling nalang ako sa sobrang OA ni Yvonne. Narating namin ang parking lot. Sinakay nila ito sa sasakyan ni Yvonne.
"Take care of them!" I said and waved my hand
"Yeah, yeah"
"We'll get going bro!" Kuya Kai said
Pumasok na kami sa sasakyan inantay muna namin na makaalis sila bago napagdesisyunan na tumulak narin.
Humikab nadin ako dahil siguro sa sobrang pagod at medyo late narin.
"Are you tired?" si Klaus
"Hmm.." mababa kung sagot at pinikit ang mga mata.
Hindi ko na nadinig ang sunod na tanong ni Klaus dahil tuluyan na akong dinalaw ng antok.
—————
Naalimpungawan ako ng maramdam na parang nakalutang ako sa ere.
Wait? Bakit ako nakalutang? Shit namatay naba ako? Naaksidente ba kami? Ang bata pa ni Shynrone para kuni—
"Hey stop moving.." someone whispered softly.
Tuluyan na akong dumilat, sumalubong sakin ang mukha ni Klaus. Seryoso siyang naglalakad sa hagdan habang karga-karga ako, bridal style.
"Why are you carrying me?"
He gazed at me "You look tired, I didn't bother waking you up.." he said
Oh? Ang gentleman naman.
Imbes na sagutin siya sumandal nalang ako sa kanya at pinakiramdaman ang tibok ng puso.
Hmm much better....
Ilang minuto naramdaman ko na ang malambot na kama. Naramdaman ko din na hinubad ni Klaus ang heels ko.
"Change your clothes.."
Tumango lang ako pero hindi ako bumangon. Tinatamad ako plus gusto ko ng matulog.
He groaned at my action, I heard the door closed. Buti naman umalis na nakakairita ang ingay niya.
—————
"Daddy? Is Mommy dead?"
Dinig kong tanong ng kung sino. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Sinag ng araw ang unang sumalubong sakin. Kinusot ko naman ang mga mata ko.
Bumungad sakin ang mukha ng anak ko nakaupo siya sa tyan ko, habang si Klaus naman nakatayo sa gilid ng kama.
"Good morning,My" bati ng anak ko
"Morning, why did you thought that I was dead?" I asked.
Dinig ko ang pigil na tawa ni Klaus sakin. Hayop tinawanan pa talaga ako.
YOU ARE READING
Love isn't Lost (Love Series #1)
RomanceLove Series #1 Date Started: 05/08/21 Date ended: --/--/--