CHAPTER 1
"Oh, hinay-hinay lang sa pagkain anak!" napatigil ako sa mabilisang pagsubo ng breakfast na kinakain ko at nilingon si Mama.
"May meeting kasi, ma, para sa Quezon City high school sports league. Bawat club ng mga sports sa school imemeeting namin. Kailangan ko rin po dumaan sa NBS para bumili ng materials sa project namin."
"Kakapasok palang ng second quarter niyo project agad? Tapos ang dami mo pang aasikasuhin dahil diyan sa posisyon mo. Hindi naman ako against diyaan, anak pero baka ang kalusugan mo pa ang malagay sa alanganin. Bigyan mo rin sana ng pahinga ang sarili mo." nilapag niya ang kulay violet kong lunchbox na nasa loob ng plastik sa tabi ng plato ko. Naupo siya sa upuang katabi ng kabisera kung nasaan si papa 'saka uminom sa kape.
"Agree ma! Baka kasi sa sobrang pagaalaga mo sa lahat ng istudyante riyan sa school niyo, nakakalimutan mo nang alalahanin ang sarili mo. Tsaka, magkaroon ka nga ng life! Ang pangit mo kabonding, hindi ba naboboringan mga kaibigan mo sa 'yo? Puro ka aral at SSG, batukan kita, eh! Hmp!" singit ng ate kong epal sa buhay ko. Nakaupo siya sa tabi ko. Kaharap ko si mama tapos sa tabi ko ay si papa na nasa kabisera.
Napairap at napanguso ako, "Ang epal mo na naman umagang-umaga! Syempre my buhay ako, 'no! Humihinga ako! Duh! And FYI hindi ako boring! Baka ikaw! 'Diba iniwan ka no'ng jowa mo kasi boring ka raw. Wala ka raw maitopic kaya pinagpalit ka sa matopic! Egul, mars!" pang-aasar ko at dinilaan siya.
"Wow, ang mature! Pasmado ka, ha 'wag ko kaya balik roshi mo!" aba! Ang kapal nitong si Ate siya na nga nanghiram ng sapatos!
"Luh, subukan mo! Gagamitin ko 'yon sa P.E.!" dinilaan niya lang ako at inirapan.
Kita mo! Sino kayang mature sa amin!?
Nilingon ko si Mama. Nanghihingi ng tulong.
"Ke-aga-aga nagsisigawan kayo. Para kayong aso't pusa. Ibalik mo ang sapatos niyang kapatid mo, le, ha. Ikaw na nga nanghihiram, kurutin ko singit mo riyan." napangisi ako at benelatan si Ate le.
Sasagot pa sana si Ate le ng sumabat na si Papa na kanina pa tahimik dahil nagbabasa sa dyaryo."Maglalabas na ba ako ng dalawang kutsilyo at nang magpatayan nalang kayo sa harapan namin ng Mama niyo. Walang araw na hindi kayo nagbangayan, kotangan ko kayo riyan ng tig sampo." pareho niya kaming sinamaan ng tingin 'saka tumayo.
Napanguso ako at sabay kaming napatakip ni Ate le ng mata nang mabilisang hinalikan ni Papa si Mama.
"Woah! Agang PDA naman niyan!" hiyaw ni ate. Natawa ako at napailing.
"Che! Inggit ka lang, nak. Tsaka huwag na huwag nang tutungtong ang lalaking 'yan sa pamamahay ko, ha. At huwag na huwag mo na rin lalapitan pa. Hindi pinagsasawaan ang mga anak ko. Hindi kayo boring at mas lalo hindi kayo kaiwan-iwan. Dalian niyo na riyan at aalis na tayo, bubuhayin ko lang ang sasakyan." sabi ni Papa at lumabas na sa bahay. Nakatinginan kaming tatlo nina mama at ate 'saka nag ngisian.
Si papa talaga, minsan seryoso, minsan maloko, at minsan sweet. Hindi mo talaga aasahan ang mga kilos niya. Bipolar lang.
Nagpaalam na kami pareho ni Ate le kay mama. Binatukan pa ako ni Ate no'ng naglalakad kami palabas!
"Ba't mo sinabing iniwan ako ni Jeremy! Panget mo talaga kabonding!"
"Aray! Malay ko ba!?"
"Malay mo ulo mo!"
"Nyenye." sabay naming inirapan ang isa't isa bago sumakay sa sasakyan ni Papa. Simple lang naman ito. Sakto sa aming apat nina mama. 5 seater car pero kung mataba ang kamasa magiging 4 nalang hehe. Buti nalang sakto lang timbang namin. Fit.
Una akong binaba ni papa sa mall. Lagpas na ang school. Bali sasakay nalang ako uli ng jeep pabalik. Maaga pa naman. Kaya ko pang makapunta sa meeting on time. Hindi naman magsisimula 'yon kung wala ako, eh. Hehe.
Nagmadali na ako papunta sa NBS. Nagulat pa ako ng may bigla kumalabit sa akin habang nakapilar ako sa cashier!
"Hi, press. Goodmorning." ngumiti sa akin 'yung lalaking nakabangga sa akin noong nakaraang friday. Teka, feeling close? Char, wala naman sa akin 'yon.
"Uy!" awkward na bati ko. "Goodmorning din."
"Anong binili mo?"
"Uh, materials lang for our project." wala sa sariling napatingin ako sa relo ko na nasa wrist ko. Akala ko hindi na siya magsasalita ngunit akala ko lang pala 'yon.
"Pupunta ka meeting?""Huh?"
"QCSL." simpleng sagot niya para sa Quezon city sports league.
Napairap ako, "Duh!" sagot ko. Ewan ko ba kung bakit hindi ko 'to trip na kausapin ng maayos. Sa friendly kong 'to? What's happening to me?
He chuckled at sinilip ako mukha ko. Nasa likod ko lang siya sa pila.
"Sungit naman miss president."
"Don't call me that when we're out of school."
"Hala. English. Sana all."
"Ewan ko sa 'yo."
"Pasabay naman, oh." pinakita niya sa harap ko ang dala niyang dalawang cartolina at dalawang illustration board. Kumuno ang noo kong nilingon siya.
Ngumiti siya sa akin at nagpacute. Mas lalong nangunot ang noo ko.
Luh, bat ang cute niya nga!?
Ampotchi! Bakit ako nacucutan sa kanya?! May sinabi ba akong cute siya!? No! Wala!
"Akin na pambayad."
"Nice nice." nag ning-ning ang mata niya at inabot sa akin ang pambayad. Nagulat ako ng kuhanin niya ang bag ko. Nanlalaki ang mata ko at napalinga-linga sa paligid.
"Akin na 'to pres. Hintayin kita sa labas sabay na rin tayo pumasok." kinindatan niya ako at wala na akong nagawa ng umalis siya agad-agad. Hindi na ako hinayaang makaapela!
Napailing-iling ako ng makabawi.
Hindi naman mabigat ang bag ko. Sakto lang naman ang bigat no'n since 'yung mga libro ko naiiwan ko sa SSG room. Isa sa mga benefit na nakukuha ko bilang SSG president.
After ko magbayad lumabas na ako sa NBS. Nakita ko siyang nakatayo lang roon sa may gilid, sa tapat ng glass wall. Para siyang batang nawawala dahil palinga-linga siya.
Napanguso ako habang naglalakad papalapit sa kanya.
"Oh." Inabot ko sa kanya ang paper bag na brown. Inabot niya iyon at ngumiti.
"Thanks." nagsimula siyang maglakad pero napahinto ng hindi ako maramdaman na naglalakad sa tabi niya.
"Bakit?"
"Give me back my bag." napanguso siya at tinitigan lang ang kamay kong nakalahad 'saka nagsimula uli maglakad.
"Hoy!" tawag pansin ko sa kanya.
"Malalate na tayo, pres. Sige ka, masasabihan kang iresponsableng lider."
"Pake ko?"
"Sungit." ilang dipa na ang layo niya sa akin kaya naglakad na ako para maabutan siya.
"Akin na bag ko. Nakakahiya."
"Anong nakakahiya ro'n?"
"Duh! Syempre, iisipin nila na magbf and gf tayo!" nangunot ang noo niya at nilingon ako.
"Luh, ano naman? 'Yun nga 'yung gusto kong mangyari, eh."
"Ano?" napakunot ang noo ko dahil hindi ko masyado naintindihan ang sinabi niya.
"Lika na pres. 'Wag nang makulit. Kung hindi ka titigil diyan iisipin ko nang concern ka sa akin dahil baka nabibigatan na ako sa bag mo."
Ano raw?! Hindi ako concern, ha! Never! Bala nga siya riyan! Amfee!
Dahil sa pride ko. Hinayaan ko siyang buhatin ang bag ko. Sabay kaming nakarating sa school at hindi ko inaasahan ang kantyawang ibubungad sa akin ng mga schoolmate ko.
"Uy! Si pres may boyfriend na!"
To be continued. . .
YOU ARE READING
Fall Of Leaves (COMPLETED)
Short Story(SHORT STORY/) Lorraine Acaylar, an SSG president, a good leader, a topnatcher, and a teacher's pet. She's friendly, of course. She's kind and a fighter. She will fight what she think's right. Sa pagiging tutok niya sa pag-aaral at pagiging isang l...