A/N: STREAAAAM HE'S INTO HER ON IWANT TFC, CHANNEL A2Z, OR KAPAMILYA CHANNEL!!!! S2 NA AGAD HAHAHAHA, SANA. Happy Birthday pala sa cheatmate ko noong grade 9 HAHAHA miss ko na 'yung mga times na pinagnanasahan na 'tin science teachet na 'tin. Mwaps!
CHAPTER 2
Nanatiling namumula ang pisngi o buong mukha ko na siguro hanggang sa matapos ang meeting kasama ang lahat ng sport batch na isasabak namin sa sport league. Hindi ako makatingin sa banda ng mga basketball team kahit kanina ko pa ramdam ang titig ng isang masamang ihemplo na alam kong ngi-ngisi-ngisi dahil sa kantyaw sa amin kanina pa. Oo. Hanggang ngayon ay kinakantyawan pa rin kami. Kahit napatigil ko sila gamit ang autoridad ko, ramdam ko pa rin ang mga malisyang pagtingin sa akin ng bawat isa. Ang mas matindi pa, pati mga teacher na narito sa meeting ay may malisyang tingin sa akin!
I feel betrayed!
"That's all for the meeting. Hangad namin ang maayos na pag-p-practice at ang maayos rin na laro sa mismong league. You can now go to your classes. Good luck, athletes!" pagtatapos ko sa meeting.
Pumihit ako paharap sa adviser namin sa SSG at nahagip ko ang tingin ni... wait, I don't even know his name! I'm sure hindi ko pa siya nakikita so, is he a transferee? Ugh, nevermind.
Naging abala ako sa usapan namin ni Ma'am Jing. Nakisali na rin ang iba pang officer at nagkaroon kami ng short meeting para ilang pagbabagong mangyayari sa schedule ng mga athlete namin. After no'n, pumasok na kami sa kanya-kanyang klase. Hindi na kami nagkita no'n buong araw dahil sa pagiging abala ko.
Competitive ako sa lahat ng gawain, kapag may gawain, agad akong nagpapasa on time. Ayoko kasing natatambakan kasi iisipin at iisipin ko lang ang mga gawain ko kapag duty ko na as SSG president. Hindi pwedeng tatamad-tamad lalo na't mataas ang posisyon ko sa aming paaralan. Lalo na sa klase dahil with honor pa naman ako.
Pero kahit na gano'n, I always give time pa naman sa sarili ko. Syempre, sarili pa rin ang dapat na nauuna. Sa una pa nga akala ko mapapabayaan ko ang mga dating nakagawian ko noong hindi pa ako SSG president pero thank god kasi nagagawa ko pa rin lahat. Parang walang nagbago sa akin, may nadagdag lang sa routine ko sa pang-araw-araw.
Minsan mahirap, of course. Nawawalan ako ng gana, pinanghihinaan ako ng loob pero dahil nandiyan si God, he always lifted me up. Hindi niya ako pinapabayaan sa pang-araw-araw ko na buhay. Kaming lahat. Tayong lahat.
That's why my friends are calling me sometimes a 'Multi Tasker'. Kasi napapagsabay-sabay ko lahat. Hindi ako nagkukulang as a student, ssg president, a friend and a daughter.
"Jowa nalang talaga kulang, tsk, tsk." parinig ni Monica. Napairap ako.
"Ano namang mapapala ko ro'n? Heartbreak?"
"Duh! Hindi heartbreak ang makukuha mo kung pareho kayong hindi magkukulang at papalpak." si Kyla.
"Kaya nga ayoko. Walang kasiguraduhan. Mas mabuting nasa safe place ka para iwas sakit." nakalabas na kami sa gate ng school. Uwian na namin kaya paglabas namin maraming mga vendor ang nakakalat. Syempre marami ring mga nakakalat na istudyante. Natatawa pa ako sa isip ko kasi karamihan sa mga nakakasalubong namin ay binabati ako at nag gigive way pa. Hindi naman need 'yun dahil sa loob lang naman ng paaralan ko sila sakop. Pero ang cute na rin kasi hanggang sa labas ng paaralan nakikita o nararamdaman pa rin nila ang otoridad ko. They're really respecting me in or out of school. Nakakaproud naman ang mga batang 'to. Sayang lang at last year ko na ito sa school. Matagal pa ang moving up pero talagang napamahal na ako sa tungkulin kong ito.
"Hi!" napatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot sa aking likod 'yung lalaking bumunggo sa akin noong nakaraang friday na kinakantyaw naman sa akin kanina.
Sa hindi ko malamang dahilan biglang uminit ang pisngi ko at hindi ako makatingin sa kanya ng deretso!
"H-Hi?" tumawa siya at dinungaw pa ako. Pilit kong iniwas ang tingin ko at nagpatuloy sa paglalakad. Papunta sa nagtitinda ng calamares at kwek-kwek.
"Sorry nga pala kanina." sumunod siya sa amin ng mga kaibigan ko na may kakaibang ngiti at tingin na sa amin.
Sunod-sunod ang ginawa kong pagtuhog bago siya sinagot, "Uhm, it's okay. It's not like, it's true naman haha."
"Haha, eh paano kung gusto kong totohanin? Haha." Anito sa gitna ng pagtawa. Natigilan ako at nalingon siya bigla. Ang akala kong nakatawa niyang mukha ay seryoso pala. Ilang segundo na nagkatitigan ang mata namin at hindi pa sana iyon matitigil kung hindi namin narinig ang impit na tili ng dalawa kong kaibigan.
"OMG!!! The right guy at a right time! Sakto hinahanapan na namin 'tong kaibigan namin ng bebe!" si kyla at natawa pa silang tatlo. Pinamulahan ako ng pisngi at nag-iwas nalang ng tingin.
Really, hindi ko nga nakikita ang sarili kong may kaholding hands sa daan, tapos aakbayan sa daan, ihuhug, ikikis— OMG!!!! BAKIT ANG LAKAS NG TIBOK NG PUSO KO! Scam! Myghosh! Namamahiya ata 'to, ah! Ah, basta hindi! Hindi talaga.
Napapikit ako at hindi na sila pinansin. Naging sunod sunod ang subo ko sa calamares na tinuhog ko pagkatapos ko sinawsaw. Tumuhog pa uli ako at kumain muli. Favorite ko 'to, eh. Ba't ba?
"Kung gano'n pwede bang mag apply?" rinig kong tanong niya sa mga kaibigan ko na nakapag patili na naman sa dalawa.
Sinimaan ko sila ng tingin at inirapan. Napailing-iling ako. Mga bugaw ampotchi!
"Manong isa pa dito, ha?"
"Sige lang, ne. Kuha lang. Bayaran mo nalang pagtapos kana."
"Anong oras pa po kayo nandito?"
"Kanina pang tanghali, Ne. Buti nga napaaga labasan niyo, eh. Makakapaglako pa ako nito." naglagay si manong tindero ng panibagong calamares sa buhay na maliit na kalan.
"Huh? Maglalako pa po kayo? Gabi na, ah?"
"Syempre, kailangan maubos 'to ngayong araw, ne para hindi masira kasi wala naman kaming ref sa bahay. Mahirap na." Natawa si manong pero kirot sa puso ang hatid no'n sa akin.Napayuko ako napanguso. Naramdaman kong may tumabi sa akin kaya paangat ako ng tingin sa taong 'yon.
"Manong ilang piraso nalang po ba iyan? Bilhin ko na po, manong para makauwi na po kayo sa pamilya niyo. Gabi na rin po kasi, baka mapagtripan pa ho kayo sa daan." nanlalaki ang mata namin ni manong sa lalaking nakatayo sa tabi ko. Matangkad talaga siya, nakaopen ang dalawang butones ng uniform niya at sa loob niyon ay sando. Nakasabit sa isang braso niya ang bag niya at nanlalaki pa ang mata ko lalo ng hawakan niya ako sa braso ko at tinabi ako sa kanya dahil may isa pang istudyante na sisingit para sana bumili.
Bumangga ako ng kaunti sa kanya pero hindi niya iyon pinansin. Nakatuon ang atensyon niya kay manong na nagpapasalamat na.
"Hoy! Kayo! Lika kayo rito! Pakyawin niyo 'yung tinda ni Manong kung hindi ipapatalo ko ang basketball team!" pananakot niya sa mga team mate niya ata sa basketball na papalabas sa gate ng school. Nagtawanan sila at nagsilapit nga sa banda namin.
"Kahit hindi mo sabihin bibili kami! Sarap sarap ng benta ni manong, eh. Suki kaya ako!" sabi noong isang lalaking papalit sa amin.
"Hindi ko tinatanong!" sagot nitong katabi ko at nagtawanan uli sila. Napatabi ako dahil madami na ang bumili bigla sa calamares ni manong. Doon ako napansin ng mga kateam niya.
"Uyyy, He's with miss president pala! Nakanang pucha, humaharot ka pa sa calamares ni manong! Lansa mo oy! Kaya pala tumakas ka sa cleaners!"
"Ulol, gago! Ingay mo!" maliit ko silang nginitian. Pinasupot ko nalang kay manong ang iba ko pang binili at nang nakuha ang supot na may nakatabing sawsawan, maglalakad na sana ako paalis nang pigilan niya ako sa braso at naglahad ng kamay.
"Sky, miss president." ngumiti siya sa akin at doon ko lang napansin ang dimple niya sa kanang bahagi. Uminit ang pisngi ko at pinagpasalaman kong gabi na. 6:30 pm ang uwian namin.
Tinanggap ko ang kamay niya. Pagaspang... na malambot. Syet, sarap hawakan. Pang lalaking-lalaki.
"Lorraine." maikling sabi ko at ngumiti sa kanya. "Una na kami." tumango-tango siya at ang laki ng pagkakangiti.
"Ingat...
mamahalin pa kita sa susunod at susunod pa na mga bukas."
To be continued. . .
YOU ARE READING
Fall Of Leaves (COMPLETED)
Short Story(SHORT STORY/) Lorraine Acaylar, an SSG president, a good leader, a topnatcher, and a teacher's pet. She's friendly, of course. She's kind and a fighter. She will fight what she think's right. Sa pagiging tutok niya sa pag-aaral at pagiging isang l...