CHAPTER 9

9 2 0
                                    

A/N:

Life is so ironic, we crave for those we can't have. —Lily Esmeralda Gazellian
(From: Ventrecanard Story)

Chapter 9

"Liz...?" napalingon ako sa likod ko. Isang babaeng kasing edaran lang din namin. Maputi, maganda, malinis tignan. Mukhang mataray pero... sino siya? Bakit gulat na gulat si Sky nang makita siya? Bakit ako kinakabahan sa presensya niya?

Bakit ako nasasaktan sa presensya niya? Sa ikinikilos ni Sky?

"S-Sky... hinanap kita... pinuntahan kita, binalikan kita. Handa na ako. Girlfriend mo na ulit ako." natigilan ako sa sinabi no'ng babae. Mula sa marahan na pagsasalita hanggang sa naging matigas na pagsasalita.

Humigpit ang kapit ni Sky sa bewang ko.

"A-Ano... a-anong ginagawa mo dito Liz? Malayo 'to sa bulacan p-paano—"

"Binalikan ko nga ang boyfriend ko! 'Yung boyfriend ko na iniwan ako kasi hindi ko kayang sumama sa kanya rito sa maynila!
Binalikan kita, Sky... pinuntahan kita. Alam na ng mga magulang ko, naiintindihan na nila ako. Pwede na tayo magsama uli. I'm sure Tita and Tito will take care of me. Gaya noon... gaya nung dati..."

"Liz..." nadurog ang puso ko sa marahan na pagtawag ni Sky sa babae.

Habang hawak niya ako ng mahigpit, may ibang babae siyang tinatawag. Marahan, puno ng pagsusumamo, puno ng... luha? Nagbabadyang luha.

I never seen a guy crying for a girl. Sabi-sabi ng mga kakilala ko when a guy can cry or crying for a girl it means he loves the girl. Malalim. Passionate. Wala nang tanong-tanong makikita mo agad ito sa lalaking lubos na nagmamahal.

"S-Sky..." tawag ko sa kanya sa namamalat na boses. Akala ko nawalan na ako ng boses. Hindi ako makalunok ng maayos, feeling ko natuyuan na ako ng laway.

Kahit kitang kita ko na ang sitwasyon hindi ko kayang tanggapin. Mahirap iproseso. Mahirap sa sitwasyon ko kasi... mahal ko na siya. Mahal na mahal ko na si Sky. Hulog na hulog.

Pero gaya ng dahong nahuhulog sa sanga nito, walang sasalo nito. Hahayaang malugmo sa kalsada, yuyurakan ng paa ng mga tao, yuyurakan ng gulong ng sasakyan. Walang awang bibitawan. Walang pagaalinlangang tatalikuran.

"I'm tired, love mahaba ang byinahe ko. Uwi na tayo please... uwi na tayo, Sky."

"Lorraine..." ngayon ako naman ang tinawag niya. Mas lalo kumalabog ang puso ko.

Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari, natatakot ako sa mga mamumutawi at lalabas sa bibig niya.

Natatakot akong salubungin ang tingin niya... dahil ayokong makitang tinatapos niya na.

"A-Ano ito... Sky? B-Bakit ang sakit? Bakit
g-ganito?" hindi ko man kaya pinilit kong salubungin ang tingin niya.

Understanding akong tao, may konsiderasyon at marunong magpakumbaba.

Alam ko kung saang mga laban ako magpapatuloy. Kahit anong risk mamartyahan ko. Isusulong ko hangga't alam kong nasa tama ako.

Marami na akong seminar na napuntahan, pero mukhang palyado kung pag-ibig ang paguusapan.

"Lorraine, I'm sorry. I'm very sorry, love.." no... don't call me love when another girl calling you that.

"B-Bakit ganito, Sky? Totoo ba? Sa kanya ka at iyo rin siya? Pero nasaan ako sa atin, Sky? Nasaan ako?" barado na ang lalamunan ko, nahihirapan akong magsalita pero pilit ko nilabas ang katanungang namumutawi sa aking isipan.

Feeling ko na left out ako. Dumating lang siya, feeling ko talo na ako. Ang bilis. Sa dami kong nilaban na karapatan ng mga istudyante bakit sa ganitong usapan ang bilis kong sumuko? Bakit? Putangina, bakit?!

Fall Of Leaves (COMPLETED)Where stories live. Discover now