Chapter 6
Sky: Lapit na game, magiging busy na tayo both. Pwede ba tayong lumabas sa sunday? Pwede ka?
Ako: Hmm... papaalam muna ako.
Sky: Papayag 'yan, kulang nalang ampunin na ako ng pamilya mo, eh, pero syempre, hindi ako papayag. Incest yon, oy!
Napanguso ako sa reply niya. Nakapatay na ang ilaw sa kwarto ko at tulog na tulog na rin ang mga tao sa bahay maliban sa akin na mulat na mulat pa sa oras na 11:33 pm.
Sa nagdaang isang buwan na may something na nagaganap sa amin, sanay na ako na inaabot na kami ng ganitong oras sa paguusap. Thank god at hindi ako pimple-lin kaya may lakas ako ng loob na mag stay na gising sa ganitong oras.
Sa nagdaang mga araw na naging buwan, halos hindi na kami mapaghiwalay na dalawa. Mas lalo naming nakilala ang isa't isa at mas lalo rin naming nakakabisado ang paguugali ng isa't isa.
May malokong side siya, makwela minsan, seryoso kapag seryosong pagkakataon. Passionate siya kapag gusto niya ang ginagawa niya lalo na ang paglalaro ng basketball. Ilang beses niya na akong sinasama sa game nila at nakikita ko ang kagustuhan niyang maabot ang goal ng team nila. Ang makapasok sa finals at manalo.
Nakita ko na rin ang side niyang nagseselos. Lalo na't kapag kasama ko ang Vice President ng SSG na si Jethro Agarin. At kapag naalala ko ang pagseselos niyang iyon, natatawa nalang ako bigla na parang baliw. Ang cute niya pero alam kong mababaw na dahilan lamang iyon dahil pure pagkakaibigan lamang ang meroon sa amin ni Jethro. Ang alam ko ay may secret girlfriend siya pero hindi ko alam kung bakit secret, e alam ko nga. Tss. Hina naman magtago nito.
Sa nagdaang mga araw, nasolve na rin namin ang case namin sa paaralan. About bullying and Fraternity gang. Nakahinga na ako ng maluwag. Maayos at payapa na ang paaralan at napuri rin kami ng mga adviser namin at ng mga head namin dahil doon. It's a best feeling. Okay na kami roon. Simpleng pagbati o parangal lang ay achivements na para sa amin.
"I'm just wondering... nagkaroon kana ba ng girlfriend? Hmm... exes? Ilan?" hindi nagtagal tumawag na siya sa akin. Rason niya pa, "Hindi ako kuntento kung hindi ko makikita ang mukha mo bago ako matulog."
Parang sira. Ang korni. Pero dagundong ang hatid nito sa puso ko.
"I have one... hmm... but can we just not talk about her? I'm not interested about her, I'm more than interested about you."
"Hmm..." tumango ako. "Bolero. Ang galing galing mong mambola. Basketball player ka nga." natawa siya sa sinabi ko. Napanguso ako.
"Ouch daw sabi nung bola. Nadadamay na naman daw sila dahil sa mga player na mambobola. Nga lang, iba ako, eh. I'm serious. I'm more than interested on you. My past is already on my past. Mananatili 'yun doon. At ikaw, ikaw 'yung present na pangfuture ko na." sa husky ng boses niya, para ako nitong dinuduyan. Ang sarap pakinggan ng husky at malalim niyang boses. Kaya siguro hindi ko na namalayang nakatulog na ako. Hindi na napakinggan ng maayos ang iba pa niyang sasabihin.
"Goodnight....my love."
---
"Good morning!" umaga ng linggo, bumungad sa akin ang pagmumukha ni Sky. Nangunot ang noo ko pero nang natawa siya at makita ko ang suot niya, nanlalaki ang mata ko ng mapagtantong may lakad nga pala kami!
"Gagi, sorry! Wait lang, ha. Mabilis lang ako. Sorry, shit!" muli siyang natawa.
"Oks lang master, take your time." natawa ako at umirap. Kinindatan niya ako at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko.
"Cute mo. Ang cloudly mo tignan..." lumapit siya sa may tenga ko. "Sarap yakapin sa malamig na panahon." umagang umaga pinamulahan ako ng pisngi. Sa marahan at malalim niyang boses, nakakapanghina ng tuhod.
YOU ARE READING
Fall Of Leaves (COMPLETED)
Short Story(SHORT STORY/) Lorraine Acaylar, an SSG president, a good leader, a topnatcher, and a teacher's pet. She's friendly, of course. She's kind and a fighter. She will fight what she think's right. Sa pagiging tutok niya sa pag-aaral at pagiging isang l...