A/N: This is the last chapter. Thank you for reading and thank you for voting. Hope this story make you realize about things, life and love. I hope you learned and sana hindi ka pa mamatay. Char.
PS: Hindi ako iiyak ako sa buong chapter na 'to. Mwaps!
Chapter 10
"Pres, ayoko sanang sabihin 'to pero gusto kong malaman mo na nagchat sa akin si Sky. Otw na raw siya. Usap daw kayo, labyu sagad."
"Huh?" napatigil ako sa pag-inom ng soju bomb. after ng kainan nagkayayaan naman ng kaunting inuman. At dahil public resto 'to may mga nagtitinda ng beer kahit saan.
"Char lang 'yung huli, pres. Basta susunod daw siya 'wag ko raw sabihin kasi baka umuwi ka. Hahahaha ang pogi ko 'di ba?" napangunot ang noo ko sa kanya. Isa 'to sa mga ka team ni Sky. Ang hangin mana sa kanya. Tss.
"Okay." wala sa sariling sagot ko nalang.
"'Yon, oh! Compliment from our president! Walangya ka talaga Jariel napakapogi mo!!!" halos makita kong napapasabunot nalang sa ulo at napapatampal sa noo ang ibang team mates niya.
Napa-iling-iling ako.
"Is he drunk? I think we should go home?" bulong ko sa katabi kong si Jethro. Magmula pa kanina, siya na ang katabi ko lagi. Hindi ko alam pero nahanap ko 'yung comfort na dapat nararamdaman ko kay Sky ngayon.
Miss ko siya pero... nevermind.
"Oy! Ano 'yan!? Pres and vp? Kayo ba? Hahabol pa manok namin mamaya na kayo magbulungan!"
"What the?" hindi makapaniwalang bulong ko.
May mumunting ngiti naman akong nakita sa labi ni Jeth habang umiinom ng soju deretso sa bote.
"Hoy jariel! Gago kalmahan mo lang, friends lang sila!"
"Bakit mukhang hindi?!"
"Gago kalalaki mong tao ang issue mo!"
"Syempre, para sa manok na 'tin 'yan, eh!"
"Oo alam namin! May jowa 'yan si Vp tanga ka ba? Bulag ampota!"
"Huh???"
Sasagot na sana 'yung lalaking kasagutan ni Jariel na mula rin sa team nila ng may babaeng tumawag dito.
"Kuyaaaaa!" sabay-sabay kaming napalingon sa babae. Nahagip pa ng paningin ko ang pag-upo ng straight ni Jeth.
"Anong ginagawa mo dito Steph?" pinasadahan ko ng tingin 'yung babae. Sa tingin ko ay grade 9 ito. Ang baby face niya, payat na malaman, magandang mukha, hindi katangkaran pero sakto lang.
Kita ko pang napalingon ito kay Jeth na nananatiling hindi lumilingon sa kanya o ako lang? Hmm..."Sinusundo ka! You're drunk! Mukhang kang unggoy!"
"Ano?! Paano mo nalamang lasing na ako? Sige nga, sige nga?" hamon niya sa kapatid. Pinagtuunan ko nalang ng pansin 'yung iniinom ko habang rinig ko silang nagtatalo.
"Cute nung kapatid niya. Mukhang baby." wala sa sariling bulong ko.
"Baby ko." bulong din ni Jeth. Nanlalaki ng mata kong napalingon sa kanya.
"Ano?"
"Wala."
"Tss."
Hindi rin nagtagal ang pagtatalo ng magkapatid at umuwi na sila. Kasama pala nung babae 'yung magulang nila kaya tiklop si Jariel.
"Pasensya na kay Jariel, Lorraine." paumanhin ni Rhombus. Captain ball nila Sky.
Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. Lamalim ang gabi wala pa ring nagbabalak umuwi. Kanina pa sinabi ni Jariel na on the way na raw si Sky pero wala pa ring dumadating.
YOU ARE READING
Fall Of Leaves (COMPLETED)
Short Story(SHORT STORY/) Lorraine Acaylar, an SSG president, a good leader, a topnatcher, and a teacher's pet. She's friendly, of course. She's kind and a fighter. She will fight what she think's right. Sa pagiging tutok niya sa pag-aaral at pagiging isang l...