CHAPTER 4

9 1 0
                                    

CHAPTER 4

"Pres, blueming ka."

"Huh? Hindi naman. Stress nga ako ngayon dahil sa mga napapabalitang frat-frat na 'yan sa campus."

"Naku! Ingat lang pres, ha. Baka mapaginitan ka ng mga 'yan." napanguso ako sa sinabi ng classmate ko at napaisip.

"Hindi naman siguro. Kailangan ko rin gawin 'to para sa kanila rin mismo. Kung ayaw nila papigil I'll drag them out of our school. Ako mismo. Kung ayaw talaga nilang mapakiusapan na itigil na ang mga gawain nilang iyan."

Lahat ng SSG officer ay abala sa aksiyong ipinatupad ko. Iyon ay maging mahigpit sa lahat ng istudyante. Bag checking and room checking. Pinamamanmanan ko rin ang mga officer ng bawat klase ang mga istudyante na maaaring kasapi sa napapabalitang frat na nabuo sa campus.

Noong nakaraan tatlong istudyante ng aming campus ang siyang hinihinala na napagtripan ng mga frat. Bugbog sarado ang mga ito at iyon ang mas kinagagalit namin lalo na ng mga magulang ng tatlong bata.

Nahuli ang limang istudyante na nambugbog. Kaya nasiwalat din nila ang frat na nabubuo sa aming campus. At iyon ang pinagkakaabalahan ko this fast few days.

"Hey..." nagising ako sa isang marahan na boses. Nandito ako sa library at hindi ko napansin na nakatulog na pala ako.

Ngayon lang ako nagkatime na pag aralan ang hindi ko pa napapagaralan na aralin namin kahapon dahil nag excuse ako kahapon sa teacher namin sa Ap. Kinausap ko ang mga magulang na nagrereklamo.

I'm so dissapointed at myself. How can I let this happen to our campus!? It's a private campus how can I let this happen huh! Feeling ko tuloy napakawala kong kwentang namumuno. Kinailangan ko pang makipagtulungan sa senior high student council para lang dito. Imbes na ako nalang sana dahil sakop ko naman ang mga pasaway na istudyanteng iyon.

Nasalubong ko mapupungay na mata ni Sky. Just like the sky, it looks so calming. I wanna be with that calming sky.

"Mag-uuwian na, hindi ka pa ba mag-aayos? Hinahanap ka ng mga kaibigan mo. Buti nalang magkasunod na subject wala ang teacher niyo. May seminar daw kaya you don't need to think what happen today in that two subject. Wala rin naman pinagawa kaya..." umayos ako ng upo. Pasimple pang kinapa ang gilid ng labi at baka tuloy laway na pala ako. Inayos ko ang buhok ko at tinali pa bun. Aayusin ko na rin sana ang gamit ko na nakakalat sa mesa ngunit napatigil din ng makita wala na ang mga iyon doon.

Nilingon ko siya, nagtatanong na tingin. "Uh... inayos ko na. Sorry. Tsaka... uhm... chineck ko na rin notes mo and uhm... I add some notes. Napagaralan na rin namin 'yan so... you can read that in your home." He wink at me. Pinamulahan ako ng pisngi at napaiwas ng tingin.

"T-Thanks..."

"Hahatid kita mamaya, ha. Kahit sa kanto lang malapit sainyo. And I'm not accepting a no for this day on. Mahirap na, baka mapahamak ka. Alam ko ang nangyayari sa campus and I'm so worried about you. Please let me to take you home para mapanatag kaming lahat." hindi na ako nakatanggi. Syempre pa, sino pang makakatanggi roon? Kailangan kong maging maingat. Ayoko pang pagalalahanin mga taong nagmamahal at nagmamasalakit sa akin ngunit paano kung siya ang mapahamak ng dahil sa akin?

Ayokong isipin pero... hay. Sana maging maayos na ang lahat dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may madadamay sa gulong ito.

Gaya ng napag-usapan hinatid niya ako hanggang sa kanto malapit sa bahay namin. Pinagtitinginan pa kami ng halos lahat ng istudyante na nakakakita sa amin at aasarin kami ng kanilang mga tingin. Mga malisosyo.

"I heared you're a transferee? Saan ka galing? Kakalipat niyo lang dito sa QC?" mabagal kaming naglalakad pareho. Hindi ko alam pero gusto ko pang humaba pa ang daan. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal.

"Yeah, nalipat si papa rito sa QC kaya kasama kaming buong pamilya. Nangungupahan kami ngayon pero baka bumalik rin sa bulacan pag nabayaran na 'yung bahay namin doon ng buo." nag-iwas siya ng tingin. Kumabog naman ang puso ko.

"So, you're not staying here permanently?" 
"Hmm... hindi ko alam... pero parang ayoko nang umalis." lumingon siya sa akin at ako naman ang napa-iwas ng tingin.

Eh, paano 'yon? Paano kung... naging kami? Ldr? Kaya ko ba? Na malayo kami sa isa't isa? Hindi ko ata kaya. Bukod sa ito ang unang pagkakataon kong pumasok sa isang relasyon, nakakatakot na malayo siya sa akin.

Paano kung hindi magwork? Makahanap siya ng iba? Hay. Ewan.

Pareho na kaming nanatiling tahimik. Nawala nalang bigla ng mapaguusapan. Sa isang iglap ayaw nang magsalita.

"Don't think too much about it, please. Matagal pa naman... marami pang pwedeng mangyari, marami pang pwedeng magbago." he patted my head. I nodded at him and smiled.

"Sorry, can't help it. Anyways, hows your practice?" lumawak ang ngiti niya 'saka nagkunwaring nag shoot ng invisible na bola. Natawa kami pareho.

"Ayos. Ayos lahat. Galing ni coach magturo. Dami naming natutuhan. Galing rin ng team mates ko kaso mga gago. Alat nila puro kalokohan pero angas nga kasi kapag sinabing seryoso, nagseseryo rin naman." napangiti ako sa kwento niya. Nagtuloy tuloy na kwento niya. Naikwento niya rin pati 'yung buong araw niya.

"Badtrip nga kay ma'am dikapinili, kailangan naming mag play tapos ako pa piniling lead! Badtrip talaga! Bitter siguro kasi hindi pinili!" Sabay kaming natawa.

"Sira! Pag narinig ka no'n automatik minus ka. Ayaw na ayaw no'n inaasar apelyido niya kako ng isang co-teacher niya mag-asawa na kasi siya para mapalitan na apelyido, eh paano mag-aasawa kung puro pagtuturo ang inaatupag. Seminar mo nga si Ma'am humarot baka sakaling makahabol pa."

"Sige, seminar ko siya roon. Mukhang naseminar mo na sa pagseseryoso sa buhay, eh." Natawa ako at pinalo siya.

"Dapat naman kasi na magseryoso sa buhay. Focus on your goals, but don't forget to do the things that will make you happy. Don't forget to rest and make time for yourself and for the people around you." nilingon ko siya at ngumiti. Nanatili siyang nakatingin sa akin maya maya ay nag-iwas ng tingin. Umiiling-iling pa.

"Paano nalang kaya ako makakaahon nito? Simpleng word of wisdom mo palang taob na ako." natawa siya at napakamot sa batok. He even licked his lips! Making my heart beat faster.

Pinamulahan ako ng pisngi.

Ako rin... paano na ako makakaahon nito kung simpleng galaw mo lang taob na rin ako?

Hay.

Napahinto kami sa paglalakad nang makarinig kami ng busina ng kotse. Malapit na kami sa kanto namin.

"Lorraine, sino 'yan, anak?" nanlalaki ang mata ko nang lumingon sa kotseng bumusina.

"Papa!" napatalon pa ako sa gulat.

"Sino 'yang kasama mo? 'Wag mo akong mapapa-papa riyan! Bakit hindi mo sinabing may boyfriend kana?" pinaningkitan niya kami ng mata.

Nanlalaki naman pareho ang mata namin ni Sky. "Sumakay kayo pareho rito sa sasakyan. Mag-uusap tayo sa bahay."

Oh, noes!

To be continued. . .

Fall Of Leaves (COMPLETED)Where stories live. Discover now